Simula

1244 Words
HINDI pa man sumisikat ang araw ay abala na ang mga tauhan sa Kwon Hacienda. Aming pinaghahandaan ang pag-dating ng panganay na kapatid ni Senyorito Axcel sa biglaan nitong pagbabakasyon kasama ng bunso nilang kapatid. Tagaktak man ang pawis sa mukha at noo, hindi ko na iyon ininda at inabala ang sarili sa utos ng aming mayor doma. Walang oras na dapat masayang dahil ang araw na ito ay espesyal. Ayon sa mga naririnig ko, bihira lamang kung dumalaw ang kapatid ni Senyorito dahil abala daw ito sa negosyong pinatatakbo sa Siyudad. “Tapos ka na Layana sa inuutos ni Manang?” kalabit sa ‘kin ni Suzzie. Katulad ko, isa rin s’yang katulong dito. Ang kaibahan lang ay matagal na s’ya dito at matanda sa ‘kin ng ilang taon. Dese-otso pa lamang ako ngunit dahil sa hirap ng buhay, mas pinili kong mamasukan muna para sa pamilya ko at para makapag-ipon na rin sa pag-aaral ko. Pansamantala lang ito dahil sa darating na pasukan, pipilitin kong makapag-enrol. Maghahanap din ako ng iskolarship sa munisipyo at kapitolyo. Pinagpagan ko ang kamay ko saka tumango. “Tapos na po. Ikaw?” Naiiling na tumawa s’ya saka hinampas ako sa balikat. “’Wag mo nga akong i-po. Pakiramdam ko ang tanda-tanda ko na.” hinila ako ni Suzzie sa kamay patungo sa ibaba, “Tinatawag na tayo ni Manang. Parating na raw si Senyorito.” Tili nito, tila kinikilig. Katulad nga nang sinabi ni Suzzie, kaming mga katulong ay pumila sa gilid ng front door ng Mansyon habang inaabangan ang pag-dating nila. Ilang sandai pa’y may natatanaw na kaming paparating na isang itim na sasakyan. “Mag-handa kayo. Paparating na sila,” ani Manang Maricel, ang aming mayor doma. Ilang sandali pa, huminto ang sasakyan na ‘yon sa tapat ng mansyon. Hanggang bumukas ang unahang pinto at iniluwa ang isang makisig na lalake. “Magandang umaga Senyorito Axcel,” sabay-sabay na bati namin. Nakikisabay lang ako dahil ang totoo ay ngayon ko pa lamang nakita ang isa sa mga Kwon. Kahit na ba’y mayroon silang malaking portray ng mukha nila sa sala, iba pa rin kapag personal na. Mag-aanim na buwan na ako dito ngunit wala pa akong masyadong alam sa kanila. At ang sabi sa ‘kin ni Suzzie, tatlo daw lahat ang magka-kapatid. “Magandang umaga din ho sa inyo!” magiliw na bati pabalik nito sa ‘min saka lumapit kay Manang at nag-mano. Ngunit nawala ang atensyon ko doon nang humagikhik si Suzzie sa aking tabi, “Ang pogi talaga ni Senyorito Axcel! Walang kupas!” Napa-ngiti na lamang ako sa naging turan n’ya. Hindi ko naman masisisi si Suzzie dahil totoo ang sinasabi n’ya. May itsura si Senyorito Axcel, kung tutuusin ay pwede s’yang maging modelo dahil sa kakisigan n’ya. Kasabay ni Senyorito Axcel, may isang babaeng iniluwa ang sasakyan. Naka-suot ito ng itim na salamin sa mata at tinanggal nang tuluyang maka-lapit sa ‘min. Katulad nang kay Senyorito Axcel, binati rin namin si Senyorita Rhia. Yumakap din ito sa matanda at akmang papasok na sa loob nang tumigil ito mismo sa aking harapan saka ako kinunutan ng noo. “Layana?” hindi ko inaasahang kilala n’ya kung iisipin kasi, ito ang una naming pagkikita. “K-kilala n’yo ho ako?” pinantayan ko ang kyuryusidad sa boses n’ya ngunit hindi ko maiwasang kabahan. Nasa sa ‘min na kasi ang paningin ng lahat. Maging si sir Axcel ay nakatingin na sa ‘kin. Akmang magsa-salita si Senyorita Rhia nang pabagsak na nag-bukas at sara ang pinto ng sasakyan. Nawala ang atensyon nila sa ‘kin at doon natuon sa taong kalalabas pa lamang ng sasakyan. g**o-g**o pa ang buhok nito, halatang galing sa pag-tulog. “Why didn’t you wake me up?” anito sa baritono ngunit may diin ang boses na pagkaka-tanong kay Senyorito Axcel. Humalakhak naman ang huli sa makisig na lalakeng tulad n’ya na sigurado akong kapatid n’ya. Inakbayan muna ito ni Senyorito bago nag-salia, “I know you’re tired last night. Got laid eh,” pang-aasar nito. Nangunot ang noo ko nang hindi maintindihan ang sinabi nito. Ngunit base sa boses ni Senyorito, pilyo ang pagkaka-sagot n’ya sa tanong ng kapatid. “Layana!” mahinang bulong ni Suzzie sa tabi ko at hinila ang manggas ng unipormeng suot ko, “’Yan si Senyorito Alejandro! Ang kisig ‘di’ba!” impit ang tili na an’ya. Tumango-tango at nginitian ko lang ng pilit si Suzzie dahil tila napansin ni Manang ang pagke-kwentuhan naming dalawa at pinanlakihan kami nito ng mata bago bumaling sa kapatid nina Senyorito Axcel. “Magandang umaga Senyorito Alejandro,” bati nila. Hindi ko na sila nagawang sabayan dahil naka-titig na lamang ako kay Senyorito Alejandro. Ngunit salungat kung paano kami batiin pabalik ni Senyorito Axcel, tango lamang ang naging tugon ni Senyorito Alejandro sa nagawang pag-bati sa kan’ya. “Layana,” napa-lingon ako kay Senyorita Rhia nang muli ako nitong tawagin. Ngunit katulad kanina, naputol iyon dahil nag-salita si Senyorito Alejandro at inaaya nang mag-pahinga ang mga kapatid n’ya. Tumalima naman si Senyorita at na-una nang pumasok sa loob kasabay si Senyorito Axcel. “We’ll take a rest manang,” baling ni Senyorito Alejandro kay Manang bago kami tuluyang tinalikuran ngunit nahagip pa ng paningin ko ang pag-kunot ng noo nito sa ‘kin saka ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang baba. At hindi ko maintindihan kung bakit tila katulad ng bidang babae sa librong nababasa ko, ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Kinakabahan ako sa hindi maipaliwanag na dahilan. Malalim kung tumitig si Senyorito Alejandro at nakaka-panginig ng kalamnan. Hanggang sa tuluyang maka-pasok sa loob ang Senyorito, hindi ko na mabawi ang malakas na pag-kabog ng dibdib ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD