Kabanata 1—Halik

1698 Words
HAPON na nang lumabas sa kanilang silid ang magka-kapatid na Kwon mula pa nang dumating sila kaninang umaga. Kanina’y nakita ko pang nangangabayo si Senyorito Axcel nang papunta ako sa taniman ng mangga kasama si Suzzie upang mamitas ng bunga at dadalhin sa talon mamaya. Linggo naman ngayon at binigyan kami ni manang ng pahinga. Pero imbis na mag-kulong sa silid, minabuti namin ni Suzzie na maligo na lang sa talon dahil bihira naman kaming maka-punta doon.             “Naku, Layana! May naiwan pala ako sa mansyon. Mauna ka nang pumunta sa talon at susunod na lang ako,” bago pa man ako maka-alma ay tinalikuran na ako ni Suzzie at nagtatakbong nag-tungo sa direksyon ng mansyon.             Wala na akong nagawa at gaya ng sabi n’ya, nauna na akong nag-tungo sa talon bitbit ang mga mangga sa kamay ko. Nang makarating doon ay agad akong pumasok sa nipa house at inilapag ang mga mangga sa mesa at pinagbabalatan iyon. Hindi ko na rin maiwasang kumain dahil natakam na ako doon.             Lumipas na ang kalahating oras, busog na din ako, hindi pa rin dumarating si Suzzie. Nang mainip ay lumabas ako at napagdesisyunang maligo. Nanlalagkit na din kasi ang pakiramdam ko dahil kanina pa ako pinagpapawisan.             Hinubad ko ang saplot sa katawan at itinira ang panloob ko. Malakas ang loob kong gawin ito dahil wala namang ibang tao maliban sa ‘kin. Walang makaka-kita sa ganito kong itsura.             Ipinikit ko ang aking mata at dahan-dahang lumusong sa tubig. Impit pa akong napa-tili nang maramdaman ang lamig ng tubig. At upang malabanan ang lamig, mas lumusong pa ako at lumangoy. Ngunit sa aking pag-ahon, hindi ko inaasahang tatambad sa harapan ko ang seryosong mukha ni Senyorito Alejandro.             “S-senyorito! Ano hong ginagawa ninyo dito?”             Awtomatiko akong napa-yakap sa sarili nang maalalang kapiranggot lamang ang aking saplot ngayon.             Umangat ang sulok ng labi ni Senyorito ngunit naka-kunot ang noo, “I should be the one asking you that. What are you doing here?” bahagya n’yang sinuklay ang nagla-laglagang buhok sa noo saka ako mariin tinitigan.              Napa-amang ako at hindi alam ang sasabihin. Kung tutuusin ay simple lamang ang tanong n’ya ngunit dahil sa malakas na pag-kabog ng dibdib ko, hindi ako makapag-isip ng tama.                     “K-kasi…” naging malikot ang mata ko lalo na nang lumapit sa ‘kin si Senyorito at hinaplos ang leeg ko.             Nanlaki ang mata ko at napa-igtad at umatras lalo na nang maramdaman ang tila kuryenteng dumaloy sa aking katawan. Nagtataka ako kung bakit n’ya iyon ginawa, “S-senyorito Alejandro,” umiling ako nang mas lumapit pa s’ya sa ‘kin. Hindi ko maintindihan ngunit tila lasing na naka-tingin s’ya sa ‘kin at naka-amang pa ang mga labi.             Doble-doble na ang pag-kabog ng dibdib ko lalo na nang abutin ni Senyorito ang kamay ko at hinila palapit sa kan’ya. Akmang ilalapit n’ya ang labi sa ‘kin nang makarinig kami ng pag-sigaw.             Boses iyon ni Suzzie!             Tumalima ako at itinulak s’ya sa balikat, “P-pasenya na ho,” sambit ko at lumangoy patungong pangpang. Pinulot ko ang mga damit na pinaghubaran ko at agad iyong sinuot. Hindi ko na nilingon pa si Senyorito at agad na umalis.             Hanggang sa maka-balik sa mansyon ay laman na ng isip ko ang ginawa ni Senyorito. Hindi rin ako maka-usap ng maayos ni Suzzie dahil doon. Nagtataka ako sa ikinilos n’ya.             Hahalikan n’ya ba ako kung hindi namin narinig ang pag-sigaw ni Suzzie? Pero bakit n’ya naman gagawin iyon?             Hanggang kinagabihan ay hindi na iyon natanggal sa isip ko. Dagdagan pa nang makita ko s’ya at pinagsilbihan sa hapag. Ngunit parang balewala lang naman iyon sa kan’ya dahil tahimik lamang ito hindi katulad ng mga kapatid n’ya.             At nang gabi ding iyon ay nahirapan ako sa pag-tulog dahil sa kaiisip ng nangyaring eksena. Kaya naman kinabukasan ay tinanghali ako ng gising. Napagalitan pa ako ni Manang dahil imbis na trabaho ko, iba na ang gumawa.             “Nasa patio sina Senyorita Rhia. Dalhan mo nang maiinom,” galit pa rin’g turan ni Manang.             Malayo pa lamang ako sa patio ay tanaw ko na ang magka-kapatid na Kwon. Ang kabang kagabi ko pa nararamdaman ay mas dumoble pa ngayon nang masulyapan si Senyorito Alejandro. Tahimik lang itong nakikinig sa dalawa n’yang kapatid.             Bumuga ako ng hangin saka lumapit sa kanila. Tumikhim ako at inilapag ang tray sa mesa, “Magandang umaga ho,” pag-bati ko, iniinda ang malalim na titig ng taong nasa gilid ko.             “Good morning, Layana!” bati pabalik ni Senyorita Rhia at inimbitahan akong ma-upo kasama nila pero tumanggi ako at sinabing madami pa akong gagawing trabaho. Mabuti nga at hindi na nito nabanggit ang nangyari kahapon dahil nagtataka man at kilala n’ya ako, binalewala ko na lamang.             Nang pumatak ang alas-onse y media ng tanghali ay magkasama kaming nag-hatid ni Suzzie ng pananghalian sa mga magsasaka ngunit hindi pa man kami tuluyang nakaka-lapit, bigla na lamang nagti-tili si Suzzie at hinampas ang balikat ko. Napa-ngiwi pa ako nang muntik ko nang mabitawan ang dala-dala ko.             “S-suzzie, ano ba naman ‘yan,”             “S-sorry hindi ko lang mapigilan. Hindi ko lang inaasahang makikita ko dito si Senyorito Alejandro. Akalain mo ‘yun!” muling tumili si Suzzie saka na-una pang nag-lakad patungo sa mga tauhan.             At samantalang ako ay ganun na lamang ang panlulumo sa narinig. Wala bang araw na hindi magku-krus ang landas naming dalawa kahit napaka-imposible ng bagay na ‘yon?             Todo ang asikaso ni Suzzie sa mga tauhan nang ihain namin ang kanilang pananghalian. Tinulungan ko naman s’ya sa paghahanda at nag-sandok ng kanin sa malaking pinggan.             “Layana, ineng,” tinigil ko muna ang ginagawa at hinarap si Manong Boy, ang s’yang taga-pangasiwa ng sakahan, “Pwede mo bang samahan si Senyorito sa talon at magbabanlaw na muna daw s’ya bago sumabay sa pananghalian natin?”             “H-ho?”             Lumagpas ang tingin ko sa matanda at nagawi iyon kay Senyorito. Mula dito, ramdam ko ang malalim na titig n’ya sa ‘kin.             “M-may gripo naman po tayo dito di’ba? Ba’t hindi na lang s’ya doon mag-banlaw?”             Hindi sa tinatamad akong sundin ang utos ng matanda. Ayoko lang talagang mapag-isa ulit kami ni Senyorito. Hindi maganda sa pakiramdam at baka magkasakit pa ako sa puso dahil sa parating mabilis na pag-kabog nito.             “Doon ang gusto ng Senyorito. Sige na, ‘neng. Para naman maka-pananghalian na tayo,”             Wala na akong nagawa at tumango na lamang sa matanda. Nilapitan ko si Senyorito saka nagsalita, “Sumunod ho kayo,”             Hindi ko magawang tumingin kay Senyorito habang nagba-banlaw at tinatanggal ang mga putik na dumikit sa kupas n’yang pantalon. Ayoko s’yang tignan dahil pakiramdam ko ay tila nahi-hipnotismo ako ng malalim n’yang titig.             “Layana,”             Nabigla ako nang banggitin n’ya ang pangalan ko. Hindi ko inaasahang matatandaan n’ya iyon kahit dalawang beses pa lang naman akong tinawag ni Senyorita Rhia sa pangalan ko.             “B-bakit ho Senyorito?” naka-yukong lumapit ako sa kan’ya.             “Eyes up here…” tumalima naman ako, bagamat kinakabahan, nagawa kong tumingin sa kan’ya, “Banlawan mo,” inabot n’ya sa ‘kin ang sandong puti na kanina’y suot-suot n’ya.             Tumango ako at sinunod ang sinabi n’ya. Nag-tungo ako sa kabilang gilid ng talon at binanlawan ang damit n’ya. Ang kaninang kulay puting  sando, ngayon ay tuluyang naging kulay abo.             “Are you done?” baritonong boses na ani Senyorito at lumapit sa ‘kin.             Tumango ako at inabot sa kan’ya pabalik ang damit. Nang abutin sa kamay ko, naglakad na ako patungo pabalik sa sakahan ngunit hindi pa man ako tuluyang nakaka-layo nang hawakan ni Senyorito ang kamay ko at hinila ako paharap.             “You are tense. What is wrong with you, young lady? Are you intimidated with me?”  may pang-uuyam sa boses ni Senyorito ngunit hindi ko pinatulan. May respeto pa rin ako sa kan’ya dahil anak s’ya ng may-ari ng Hacienda.             “Senyorito, kaylangan na ho nating bumalik dahil tayo na lang po ang hinihintay nila. Paniguradong hindi pa nananghalian ang mga tauhan dahil sa ‘tin,”             Kumunot ang noo n’ya tila hindi makapaniwalang nasabi ko iyon sa kan’ya.             “Bakit ho kasi dito pa ninyo naisipang mag-banlaw?” maayos ang pagkaka-tanong ko ngunit tila iba ang naging dating sa kan’ya dahil tumiim ang bagang n’ya at mas nilapit pa ako sa katawan n’ya. Halos maramdaman ko na ang pag-dampi ng balat n’ya sa ‘kin dahil sa ginawa n’ya.             “So, what’s your point?” mababa ang boses na aniya, halatang pinipigilang mag-taas ng boses.             “A-ang sinasabi ko lang ho ay sana doon na lang kayo nag-banlaw sa gripo, napa-layo pa ho tayo. Dahil din po sa ginawa ninyo, maaantala ang trabaho nila kasi malapit nang mag-ala una ng hapon, babalik na ulit sila sa trabaho pero hindi pa kumakain dahil inaantay ka,”             Sa ibang direksyon ako naka-tingin habang sinasabi iyon. Ayokong labanan ang galit na nakikita kong umuusbong sa mukha n’ya. Pilit ko nang nilalabanan ang malakas na pag-kabog ng dibdib ko. Ayoko nang dumagdag pa iyon sa iisipin ko.             Ngunit taliwas sa naiisip ko, humalakhak si Senyorito kaya agad akong napa-tingin sa kan’ya. Naka-tiim na ang bagang nito at mariing naka-titig sa ‘kin, “You don’t talk sarcastically to me young lady!” an’ya puno ng pang-uuyam.             “S-senyori—,” ang akmang pag-depensa ko sana sa sinabi ko kanina ay naging huli na dahil biglang kumilos si Senyorito at walang anu-ano’y sinunggaban ako ng halik sa labi na s’yang ikinagulat ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD