Kabanata 2—Ipagkanulo

2641 Words
MATAPOS ng halik na iginawad sa ‘kin ni Senyorito Alejandro, mas pinaigi ko pa ang pag-iwas sa kan’ya. Hindi ko alam kung bakit n’ya iyon ginawa. Kung bakit n’ya ako hinalikan gayung hindi naman kami mag-kasintahan. Alam kong mali ang halik na iyon kahit na pinagkakanulo ako ng sarili kong damdamin. Ilang araw pa ang lumipas at ang laki ng pasasalamat ko dahil hindi na ako nabigyan ng pagkakataong maka-usap s’ya kahit na ba’y ramdam ko ang mga titig n’ya sa t’wing nagkaka-abot kaming dalawa. “Layana pwede bang maki-suyo sa ‘yo? Ikaw na lang ang mag-dala ng maiinom nina Senyorito sa may pool. May mga bisita kasi sila. Hindi ko naman maaasikaso dahil may iba pang bilin si Manang,” ani isa sa mga kasamahan kong katulong. Tumalima ako at sinunod ang utos n’ya. Nasa bungad pa lamang ako ay dinig ko na ang ingay ng mga bisita ni Senyorito Axcel. Ganunpaman, nagpatuloy ako sa paglalakad at lumapit sa kanila. “Magandang gabi ho.” inilapag ko ang tray sa mesa saka yumuko bilang tanda ng pag-galang. “Thanks Layana!” tumango lamang ako kay Senyorito Axcel at tinalikuran na sila. Lumalalim na ang gabi at ilang oras na din ang nag-daan ngunit maingay pa rin ang mga bisita ni Senyorito. Tatlong beses na rin akong bumalik doon upang dalhan sila ng kaylangan nila. Ako na lamang at si Suzzie ang gising upang mag-hintay kung sakali mang may i-utos pa rin ang Senyorito. Alas-onse na ng gabi at dinadalaw na ako ng antok. “Okay ka lang Suzzie?” tanong ko. Kanina ko pa kasi napapansing mukhang hindi maayos ang pakiramdam n’ya. Maputla din ang mga labi n’ya. “Masakit lang kasi talaga ang ulo ko.” namamalat ang boses na sagot n’ya. Inakay ko s’ya papasok sa maids quarter at inihiga sa kama naming dalawa. “Ba’t hindi mo sa ‘kin sinabi agad. Mag-pahinga ka na at ako na ang bahala kina Senyorito. Ikukuha lang kita ng gamot.” Matapos kong pa-inumin si Suzzie ng gamot ay bumalik ako sa kusina at nag-abang ng i-uutos nila. Pero ganun na lang ang pagtataka ko nang maabutang naka-patay na ang lahat ng ilaw. Iniwanan ko naman iyong bukas kanina. Lumapit ako sa switch upang buksan iyon. Nangangapa pa nga ako sa sobrang dilim dahil wala akong makita. Nang makarating sa pakay, akmang pipindutin ko na iyon nang bigla na lamang may humila sa kamay ko at isinandal ako sa dingding. Halos mapa-tili pa ako kung hindi lamang tinakpan ang bibig ko. “Sshh. I’m going to remove my hand but promise me na hindi ka titili.” Nanlaki ang mata ko nang makilala ang boses na iyon. A-anong ginagawa n’ya?! “S-senyorito Alejandro,” usal ko nang pakawalan n’ya ang bibig ko. “M-may kaylangan ho ba kayo?” Sa sobrang dilim ay wala akong maaninag maliban sa ilaw ng poste sa labas. “Layana…” ramdam ko ang mabibigat na pag-hinga nito sa gilid ng aking leeg. “S-senyorito…” marahan ko s’yang itinulak sa balikat papalayo sa ‘kin, masyado na kaming malapit isa isa’t isa. “Ilang araw na akong nababaliw ka-iisip sa halik na pinagsaluhan nating dalawa,” Nanlaki ang mata ko sa narinig kaya nagpumiglas ako hanggang sa makawala ako sa kan’ya. “Ikaw lang ang humalik, S-senyorito. H-hinalikan mo ako.” Sa kabila ng pagka-taranta, nagawa n’ya pang tumawa. “Alam ko, at alam ko din’g mas mababaliw ako kung nagkataong tumugon ka sa mga halik ko…” “B-bakit n’yo ho ba ako h-hinalikan?” ilang gabi na din akong ginugulo ng katanungan na iyon. “G-ginagawa lang iyon ng dalawang taong nagmamahalan. M-mali po ang ginawa mo, Senyorito.” “I know, baby. I know. Mali ang ginawa ko ngunit hindi ko mapigilan. At kalabisan man, ngunit sa mga oras na ito, gusto kita muling halikan. Gusto kong matikman muli ang matatamis mong labi.” Doble-doble na ang pag-kabog ng dibdib ko. Kahit mahina akong umintindi ng Ingles, naintindihan ko ang naging tawag ni Senyorito. Bakit n’ya ako tinawag ng ganun? At mas lalo pang nag-dulot ng kaba ang huling sinabi n’ya. “S-senyorito…” umiling ako at mas lalo pang lumayo sa kan’ya ngunit naging mabilis ang mga kamay n’ya at hinapit ako sa aking beywang pa-lapit pa sa katawan n’ya. “Alli, call me Alli.” Muli akong umiling dahil hindi pwede ang gusto n’ya. Katulong lamang ako at kawalan ng respeto kung tatawagin ko lamang s’ya sa kan’yang pangalan. “S-senyorito, a-anu ba talaga ang gusto mo? Pwede po bang itigil mo na kung anu man ang nasa isip mo?” ayoko nang mailto sa mga ikinikilos n’ya. “Ikaw ang gusto ko, Layana. Masyadong mabilis pero iyon ang nararamdaman ko.” mababa ngunit mababakasan ng pagkaseryosong saad n’ya. “L-lasing lang ho kayo kaya nasasabi ninyo ang bagay na ‘yan. Pasensya na, mauuna na ho ako sa inyo.” Habol ang hiningang napa-sandal ako sa dingding at pinikit ang mga mata nang maka-wala kay Senyorito. Paanong magugustuhan n’ya ako gayong hindi naman namin ganun ka-kilala ang isa’t isa. Isa pa’y napaka-layo ng agwat ng estado ng buhay naming dalawa. “Nangingitim ang ilalim ng mga mata mo. Pansin ko, hindi ka nakaka-tulog ng maayos, ilang gabi na. May problema ka ba, Layana? Pwede mo namang sabihin sa ‘kin,” ani Suzzie kinabukasan nang kami ang naka-toka sa kusina. Bumuntong hininga ako at umiling. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kan’ya ang naging engkwentro namin ni Senyorito Alejandro kagabi. Baka madulas pa s’ya at mabanggit iyon sa iba. Baka isipin pa nila, nangangarap ako ng gising. “Maiba ako, Layana. Anong plano mo sa biyernes?” “Kung sakaling payagan ni Manang, tutuloy akong umuwi sa ‘min,” Noong isang gabi kasi ay tumawag sa ’kin si Nanay at sinabing bukas na ang opisina kung saan pwedeng mag-apply ng iskoloraship sa munisipyo. Aayusin ko sana ang requirements ko para sa darating na pasukan sa Agusto. Magku-kolehiyo na ako sa susunod na pasukan, at kung sakali mang makakuha ng iskolarship, konti na lang ang iisipin kong gastusin dahil sa isang State University naman ako papasok. At habang nag-aaral, magha-hanap din ako ng trabahong angkop sa iskedyul ko, kaya may posibilidad din na baka umalis na ako dito. “Hindi mainit ang ulo ngayon ni Manang. Subukan mong mag-paalam mamaya dahil sigurado naman akong papayag ‘yun dahil may kinalaman naman sa pag-aaral ang dahilan ng pag-uwi mo. Saka miyerkules na ngayon, kaya kausapin mo na,” Katulad ng sinabi ni Suzzie, kinagabihan nga ay kinausap ko si Manang Maricel at nag-paalam na uuwi dahil lalakarin ko ang requirements para sa iskolarship. Mabuti’t pinayagan ako at binigyan ng limang araw para gawin iyon. Kaya huwebes pa lang ng gabi ay nag-empake na ako ng mga damit na dadalhin ko pa-uwi sa bayan namin. “Sige Layana, mag-iingat ka sa byahe,” Tumango ako at nagpa-salamat kay Suzzie bago ako pumasok sa loob ng tricycle nang dumating ang araw ng biyernes. Alas-sais pa lamang ng umaga ngunit paalis na ako sa Hacienda. “Manong sa terminal ho tayo,” Patuloy ang pag-kaway ko kay Suzzie habang hindi pa tuluyang nakaka-layo ang tricycle na sinasakyan ko. Bahagya pa akong tumingala sa ikatlong palapag ng mansyon nang tila maramdaman kong may naka-tingin sa’kin. At hindi nga ako nagkaka-mali dahil naabutan kong naka-titig sa ‘kin si Senyorito Alejandro. Nag-tama ang aming mata ngunit ako na ang unang bumitaw. Mula pa noong gabing nagka-usap kami, hindi na s’ya nag-tangkang lapitan pa ako. Lasing lang talaga s’ya ng mga oras na ‘yon at hindi alam ang sinasabi. Pero mas mabuti na iyong ganun upang hindi na lumalim pa kung ano man ang nararamdaman ko sa kan’ya. Nang makarating sa terminal ay agad na akong kumuha ng ticket at pumasok sa bus. Tahimik akong umupo sa may bintana at naghi-hintay na lamang na umalis ito. Ilang minuto na akong naka-upo nang maramdmang may tumabi sa ‘kin. Hinayaan ko lang at pinikit ang mga mata. Ilang sandali pa, umaandar na ang bus kaya napa-ayos ako sa pagkaka-upo. Bahagya ko pang pinilig ang ulo sa katabi ko nang maramdaman ang pag-tingin nito sa ‘kin. “Bakit po?” Ngumiti ang lalake, “Sinasabi ko na nga bang ikaw ‘yan. You’re Layana, right? Nagta-trabaho ka sa mga Kwon. Isa ako sa mga bisita nina Axcel nung nakaraang gabi kaya kita nakilala,” inabot nito ang kamay sa ‘kin, “I’m Elli,” inabot ko naman ang kamay n’ya. “Umalis ka na ba sa mga Kwon?” tanong n’ya maya-maya na inilingan ko lang, “Uuwi po ako sa ‘min. May aasikasuhin lang na requirements,” “Requirements?” tumango ako, “Para sa iskolarship po Sir Elli. Sisikapin ko kasing makapag-aral sa susunod na pasukan,” Matunog itong humalakhak at nag-kamot pa sa kan’yang batok, “Just Elli, Layana. Hindi naman ako ang boss mo. By the way, ilang taon ka na?” “Dese-otso ho,” Sa durasyon ng byahe ay madami kaming napag-kwentuhan. Nalaman ko rin na taga-doon si Elli sa bayan namin. Nagkataon pang ang tatay n’ya ang mayor sa lugar. “Gusto mo bang hingan kita ng scholarship kay Dad?” “Naku! ‘Wag na po!” kinumpas-kumpas ko pa ang aking kamay dahil sa hiya. Nakakahiya naman, pwede namang ako na mismo ang mag-hanap ng iskolarship. Mabuti’t hindi na nagpumilit si Elli. Ilang sandali pa, huminto na ang bus sa terminal kaya ang mga pasahero ay isa-isa nang bumaba. Tiningala ko si Elli sa tabi ko at nag-paalam na mauuna na. “Hatid na lang kita sa inyo. Parating na din ang sundo ko,” Wala na akong nagawa at pumayag sa inaalok n’ya dahil nang sinubukan kong tumanggi, umiling lang s’ya. Pinagbuksan n’ya pa ako ng pinto at inalalayang maka-pasok sa loob ng sasakyang huminto sa harapan namin. “Sa Poblacion lang ako Elli,” Mula terminal, hindi naman nag-tagal ang byahe namin. Unang bumaba si Elli at katulad kanina, inalalayan n’ya din akong lumabas. “Maraming salamat Elli sa pag-hatid. Pasok ka muna,” ini-umang ko ang bahay ngunit napansin kong wala sa ‘kin ang atensyon n’ya. Bagkus nakatingin ito sa pinsan kong si Rogenna na naka-tayo sa hamba ng aming pintuan. “S-sino s’ya? ani Elli, nauutal pa. Natawa ako at sinenyasan ang pinsan kong lumapit sa ‘min. “H-hi!” bati ni Elli saka nagpakilala. Tukso ang inabot sa ‘kin ni Rogenna nang maka-alis si Elli at pumasok na kami sa loob ng bahay. Tumigil lang ako nang makita ang mga magulang ko at nag-mano dito. Kinagabihan, matapos kumain ng pananghalian at mag-hugas ng mga pinagkainan, pumasok na ako sa silid at nagpahinga. Agad din naman akong dinalaw ng antok marahil ay dala ng pagod sa byahe. Nagising lamang ako ng alanganing oras dahil sa walang tigil na pag-tunog ng aking telepono. Nangunot pa ang aking noo nang makitang may tumatawag na hindi kilalang numero. Hinayaan kong tumunog iyon hanggang sa mamatay ang tawag. Hindi ko sinasagot dahil hindi ko naman kilala, saka alanganin na ang oras, baka nanti-trip lamang. Ngunit matapos mawala ang tawag, mensahe naman ang dumating. At ganun na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang mabasa iyon. Bumalikwas ako ng bangon at agad na lumabas ng bahay. Katulad ng nabasa ko, nasa tapat ng bahay si Senyorito Alejandro, naka-yuko habang naka-sandal sa hood ng kan’yang sasakyan habang abala sa kan’yang telepono. Paano n’ya nalaman ang bahay namin at ano ang rason n’ya kung bakit s’ya napa-rito? “Sinasabi ko sa ‘yo, ganito kita kagusto at hindi ko mapigilan ang sarili kong puntahan ka para lang masulyapan ka,” ani Senyorito na naging dahilan upang ipagkanulo ako ng sariling puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD