"MAIWAN ko muna kayong dalawa,” Kung hindi pa binasag ni Mister Park ang katahimikan, hindi pa ako matatauhan sa mga pangyayari. Nag-bitaw ako ng tingin kay Senyorito. Hindi ko alam kung ano ang iaakto, kaya tinalikuran ko ito at akmang pipihitin ang seradura ng pinto nang hawakan naman n’ya ang palapulsuhan ko. “Wait Layana, baby. Let’s talk please,” umiling ako at pilit na tinatanggal ang kamay n’ya, ngunit mas lalo n’ya pang hinigpitan ang hawak sa ‘kin. Tumikhim ako at pilit nilaban ang nakakapaso n’yang tingin, “May exams pa ho ako, Senyorito. Pasensya na pero mauuna na ho ako,” buong pwersa kong tinanggal ang kamay n’ya saka tumakbo papalabas ng opisina. Hindi ko alam ang rason kung bakit s’ya nandito. Kasi kung tutuusin, wala namang dahilan para magkita pa kami. Limang buwan na

