“LAYANA Monjardin!” Napa-ngiwi ako nang umalingawngaw ang boses ni King—ang kaibigan ni Eliot sa buong hallway ng building. Katatapos ko pa lamang sa aking klase at s’ya na ang bumungad sa labas ng classroom. “Ssh! Ang ingay mo, mahal na hari!” agad ko s’yang hinila sa kamay upang maka-alis doon dahil sa kahihiyang ginawa n’ya. Ipagsigawan ba naman ang buong pangalan ko. Matunog na humalakhak si King saka ginulo ang buhok ko. Sumimangot naman ako at inalis ang kamay n’ya doon. Ayoko kasing nagugulo ang buhok ko dahil mahaba na ito. Nahihirapan na akong suklayin kaya minsan tinatali ko na lang. “Ano po ba kasi ang kaylangan mo at talagang dinayo mo pa ako dito?” kahit naman kasi pareho ang kursong kinukuha namin ni King, malayo ang b

