LUMALALIM ang gabi at ganun din ang nararamdaman kong tila pag-tusok ng punyal sa dibdib ko. Ang sakit makitang may akay-akay na babae si Senyorito ngunit mas masakit nang malaman kong kasintahan n’ya ang babae. Hindi ko naman tinanong ngunit si Elli na mismo ang nag-sabi na nobya ni Senyorito si ma’am Ianne.
Gusto kong pagtawanan ang sarili ko’t nagpadala ako sa mabubulaklak na salita ni Alli. Tama ang hinala ko noon na baka pinaglalaruan n’ya lang ako.
“Sa’n ka pupunta?” hinawakan ni Elli ang kamay ko.
“C-comfort room lang,” ani kong hindi magawang tumingin sa kanila.
Hindi ko na kayang pagmasdan ang dalawang magkasintahan sa aking harapan dahil ang bigat-bigat sa dibdib makita kung gaanu sila kalambing sa isa’t isa. May mga oras na nararamdaman kong nakatingin sa ‘kin si Senyorito, marahil ay gusto n’yang ipamukha sa ‘kin na nagpa-dala ako sa kan’ya.
“Do you want me to accompany you?” tumayo si Elli pero inilingan ko, “K-kaya ko naman, Elli. S-sige, alis na muna ako,”
Namumula ang mga mata ko nang humarap sa salamin dito sa rest room. Alam kong hindi iyon dahil sa inaantok na at malalim na ang gabi, bagkus dahil ito sa pinipigilan kong mapa-iyak mula pa kanina.
Nagtiwala ako sa ‘yo, Senyorito. Pero ba’t naman ganito? May kasintahan ka pala!
Ang sakit palang biguin ka ng taong gusto mo. Hindi ko inaasahang ganito ang mararamdaman ko, mula sa unang lalakeng nagustuhan ko. Bumuntong hininga ako at muling pinagmasdan ang sarili bago napagdesisyunang bumalik na sa loob. Sapat na siguro ang na-ipon kong lakas ng loob upang maka-harap sila ng ilang oras pa.
“P-patawad ho,” ani ko nang may mabangga dahil sa naka-yuko akong naglalakad.
“Tch! Watch your step, stupid girl!” pikon ang boses na anito.
“S-sorry E-eliot, hindi ko naman sinasadaya,” inungusan lang ako nito saka nilagpasan. Wala na akong nagawa at tinanaw na lamang ang papalayong anak ni Mayor. Kanina kasi, nagkaroon ako ng pagkakataong makilala s’ya nang kausapin ako ni Mayor. An’ya, kung nakapag-desisyon na ba ako dahil isang linggo na lang ang natitira sa palugit na ibinigay n’ya.
“You sure, you’re okay?” nag-aalalang tanong ni Elli. Hindi pa man ako nakaka-sagot, nang ayain n’ya na akong umalis ng party. Matapos makapag-paalam kina Mayor, inakay n’ya ako palabas ng hotel, “Let’s go, Layana,” tumango ako at binalewala ang titig na pinupukol sa ‘kin ni Senyorito Alejandro.
“Maraming salamat sa paghatid, Elli. Mauna na ako sa loob,” ani ko nang huminto ang sasakyan sa tapat ng mansyon.
“Tawagan mo ako kapag nakapag-desisyon ka na, Layana,”
Dumiretso ako sa maids quarter nang makaalis na si Elli. Naabutan kong tulog na si Suzzie. At mabuti na ‘yung ganu’n upang hindi n’ya ako usisain sa mga nangyari sa party. Baka maiyak lang ako kapag na-ikwento ko sa kan’ya ang nasaksihan ko kahit na ba, wala s’yang alam sa namamagitan sa ‘min ni Senyorito Alejandro.
At ang akala kong lusot na ako mula sa kan’ya ay hindi pa pala dahil hindi n’ya ako tinigilan kakatanong kung kamusta ba ang party ng mga mayayaman. Wala naman akong ibang sinagot kundi okay lang. Mabuti nga at tinawag s’ya ni Manang kaya hindi n’ya na ako muling kinulit pa.
“Ang ganda ng kasintahan ni Senyorito Alejandro, anu…” dinig kong usapan ng dalawang kasama ko ngayon dito sa kusina.
Itinigil ko ang ginagawa at pasimpleng hinawakan ang parte ng dibdib kong kagabi pa nakirot. Ang sakit na harap-harapan nang ipinamukha sa ‘kin ni Senyorito na pinaglaruan n’ya lang ako, patunay na ang kagabi at ang pag-uwi n’ya dito kasama ng kasintahan n’ya.
“Layana, paki-dala naman itong agahan nina Senyorito sa patio,”
Bumuntong hininga ako at inabot ang tray na binigay sa ‘kin. Maingay sa patio nang maabutan ko. Nag-uusap si Senyorita Rhia at Senyorito Axcel. Samantalang si ma’am Ianne naman ay naka-sandal sa balikat ni Senyorito Alejandro.
“Magandang umaga ho. Ito na ang almusal ninyo,” inilapag ko sa mesa ang bitbit ko, hindi alintana ang malalim na titig ni Alli sa gilid ko.
“Wait, I know you. You’re Layana, right? Elli’s date last night?”
Natigilan sina Senyorita Rhia sa pag-uusap nilang magkapatid at napatingin kay ma’am Ianne nang kausapin ako nito. Pero bago pa man sila maka-singit, tinaguhan ko lang ang huli saka nagpaalam na aalis na.
Mag-hapon kong iniwasang makasalubong sina Senyorito. Ang imbis na trabaho ng iba ay inako ko na para lamang hindi sila makita. Hanga na ako sa sarili ko at sa kabila nang ginawa ni Alli, nagawa ko pa rin’g manatili dito sa mansyon.
Hanggang sa kinagabihan, napag-alaman kong bumalik na sa Siyudad si ma’am Ianne kaninang hapon kasama si Senyorito. Kaya kahit nasasaktan sa kaalamang ‘yun, mas naging komportable pa akong pinagsilbihan ang magkapatid na Kwon sa hapag nang maghapunan.
“Sipag mo kanina, Layana, ah. Mukhang inspired,” tudyo ni Suzzie nang nasa silid na kami at naghahanda sa pag-tulog.
Katulad kaninang umaga, naging tipid ang pagka-usap ko sa kan’ya saka nagpaalam na matutulog na. Nahiga na ako at pinikit ang mga mata. Hindi lang katawan ko ang pagod sa mag-hapong trabaho, maging ang isip at puso ko na.
Ang buong akala ko’y makakatulog ako kaagad ngunit lumipas na ang ilang oras, gising pa rin ang aking diwa. Nang makaramdaman ng pagka-uhaw, bumangon ako at nag-tungo sa kusina.
Pabalik na ako sa silid matapos uminom ng tubig nang bigla na lamang may humila sa kamay ko at dinala sa likod ng mansyon kung saan kami madalas magkita ng palihim ni Senyorito Alejandro.
“Layana…” tinangka n’ya akong yakapin ngunit itinulak ko s’ya sa dibdib.
“’W-wag, magtataksil ka kay ma’am Ianne,” umatras pa ako palayo kay Senyorito, “S-saka anong oras ka pa dumating? Hindi ba’t inihatid mo si ma’am Ianne?”
Umigting ang panga ni Alli saka ginulo ang buhok, “Damn it, Layana! Tigilan mo ang pag-sali kay Ianne sa usapang ito. Let’s just talk about us!” naging mabilis ang kamay n’ya at isinandal ako sa dingding.
“S-senyorito…” ipinilig ko ang ulo nang akmang ilalapat n’ya ang labi sa ‘kin, “Hindi ka ba natatakot na nagtataksil ka sa kan’ya?” mababa ang boses na pagkakatanong ko. At katulad kanina, nagalit lamang s’ya.
“Tigilan mo na ako Senyorito. Tama na ang paglalarong ginagawa mo. Talo na ako dahil ipinagkanulo na ako ng puso ko sa ‘yo,”
Ayoko nang lumalim pa ang nararamdaman ko sa kan’ya. Ayokong magkasala gayong may kasintahan naman pala s’ya. Ni minsan, hindi ko pinangarap maki-hati sa atensyon ng isang lalake.
“Layana, kasintahan ko si Ianne, oo…” ginagap n’ya ang kamay ko ngunit agad ko din’g binawi. Kung kanina, nasasaktan na ako, ngayon mas dumoble pa dahil sa kompirmasyon galing mismo sa mga labi n’ya. “…pero gusto din kita. I just can’t let you go,” an’ya, tila nalilito at hindi maintindihan ang nararamdaman.
Napa-amang naman ako at hindi makapaniwala sa kan’ya, “Ang sama mo! Hindi pwedeng dalawa kami, Senyorito!” pinagtatampal ko ang dibdib n’ya dahil sa galit na umusbong dito sa puso ko. Hindi ko akalaing ganito ang Senyorito.
Bakit ganun s’ya? Bakit hindi n’ya kayang manatili sa isa lang?
Naaawa ako sa sarili ko dahil sa panlolokong ginawa n’ya pero mas naaawa ako kay Ma’am Ianne dahil wala s’yang kaalam-alam na ang kasintahan n’ya ay may nagugustuhan pang iba.
Hinuli ni Senyorito ang mga kamay ko at sinubsob ako sa dibdib n’ya, “Do you want me to break up with her? I can do it for you, Layana. Just… just don’t stay away from me,”
Kumalas ako sa yakap at hindi makapaniwalang napatingin sa kan’ya, “Sa totoo lang Senyorito, hindi ko alam kung ano ba ang nakita mo sa ‘kin at nagawa mo kaming pagsabayin ng kasintahan mo, kasi kumpara sa kan’ya, wala akong panama. Walang-wala ako kay ma’am Ianne,” bumuntong hininga ako saka tumungo, “Pero pasenya na dahil hindi ako natutuwa sa sinabi mo. Kaya mo s’yang iwan sa katulad ko, na isa lang katulong sa mansyon n’yo? Nababaliw ka na Senyorito,”
Umayos ako ng pagkaka-tayo saka s’ya tiningala, “Kung sa tingin mo, napa-hanga mo ako dahil kaya mong iwan ang isang babae para sa iba, nagkakamali ka ho, dahil pinababa mo lang ang respetong binigay ko sa ‘yo,”
Tumalikod ako at inihakbang ang mga paa papalayo, ngunit nang may maalala, huminto ako at muli s’yang nilingon, “Sira na ang tiwalang binigay ko sa ‘yo, Alli. Akala ko iba ka, pero hindi pala,”
Sumunod na araw, kinausap ko si Manang at nagpaalam na ito na ang huling araw ko sa mansyon. Napagdesisyunan kong tanggapin ang alok ni Mayor. Natauhan na siguro ako sa pagdadalawang isip ko noong nakaraang linggo. Hindi ko pa maiwasang kwestyunin ang aking sarili at anung pumasok sa isip ko at naisipan kong ipagpaliban ang bagay na ‘to gayong may kinalaman na iyon sa kinabukasan ko.
“Natutuwa ako sa desisyon mo, Layana. Pero mamimiss talaga kita!” ngumiti ako at niyakap pabalik si Suzzie.
Kasalukuyan na kaming nag-eempake ng mga gamit ko dahil aalis na ako bukas. Kanina ay tinawagan ko na si Elli at pinaalam ang desisyon ko. Natuwa naman s’ya at sinabing susunduin n’ya ako bukas upang kausapin ang tatay n’ya.
“Salamat sa lahat, Suzzie at nagkaroon ako ng kaibigang tulad mo,” ngumuso naman s’ya saka muli akong niyakap, “Sus! Nagdrama pa ang Dyosa!” kapwa kami napahalakhak na dalawa.
“Layana…” napalingon kami sa pinto nang dumungaw si Manang, “Pumunta ka muna sa taas at may kaylangan sa ‘yo si Senyorito Alejandro,”
Hindi na ako nag-tanong pa kay manang kung bakit. Sinenyasan ko na lamang si Suzzie na papanhik muna sa taas. Hindi ko alam kung anong pakay n’ya sa ‘kin sa ganitong dis oras nang gabi. Mag-hapon ko din kasi s’yang hindi nakita.
“Pinapatawag n’yo daw ho ako, Senyorito?” mababa ang boses na ani ko.
Bumangon si Alli sa kama at ginulo ang buhok, “Come here,” sinunod ko ang sinabi n’ya habang hindi nilulubayan ng tingin ang kulay abo n’yang mata. Gusto kong ipakita sa kan’ya na wala na akong pake matapos naming mag-usap kagabi.
“Senyorito!” sinubukan kong bumaba sa kama nang hilahin n’ya ako’t inihiga doon.
“I’ve miss you so much…” binaon n’ya ang mukha sa aking leeg. Gustuhin ko man’g mag-protesta ay ‘di ko na lang ginawa at hinayaan s’ya sa kan’yang ginagawa. Hindi ko itatangging may parte sa puso ko na nagugustuhan iyon. Isa pa’y, ito na ang huling beses na magagawa n’ya ito sa ‘kin.
“Senyorito, lasing ho kayo…” puna ko nang maamoy ang alak sa kan’yang bibig. Sinubukan ko na din tulakin papalayo ang kan’yang ulo nang maramdaman ang pag-halik n’ya sa ‘kin doon.
“Layana, alam kong mali at hindi ko napigilan ang sarili kong magkagusto sa ‘yo. Pero mababaliw naman ako kung sasarilihin ko lang ito…” sa kabila ng malakas na pagkabog ng dibdib, pilit kong nilabanan iyon at pinatigas ang puso ko.
“…at itinatanong mo kung anong nakita ko sa ‘yo? Patawad, ngunit kahit ako, hindi masasagot ang tanong mo. Mag-mula nang halikan kita, hindi ka na nawala sa isipan ko. Akala ko init lang ng katawan ang nararamdaman ko para sa ‘yo, pero nang bumaba at tuluyan ka nang pumasok sa puso ko… alam kong iba na ang nararamdaman ko para sa ‘yo,”
Hinayaan ko s’yang sabihin ang mga gusto n’yang sabihin. Pero kahit anong pang matatamis na salita ang lumabas sa bibig n’ya, hindi na ako muling magtitiwala pa sa kan’ya. Kahit ano pa ang mamutawi sa kan’yang labi, hindi na magbabago pa ang isip ko at aalis pa rin ako. Dahil hindi s’ya ang magiging dahilan upang hindi ko makamit ang mga pangarap ko.
Dahil si Senyorito Alejandro ay tila karakter sa isang nobela na pwede mong hangaan at pangarapin, ngunit kaylanman, hindi mo maaangkin.