Begging For Love 26

1625 Words
Akala ko pa naman ay mananahimik na si Azul ng tuluyan dahil sa naging piping alipin ako sa mga birong banat niya sa akin. Nanatili na lang na tahimik ako dahil hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa mga banat niya bukod sa pamumula ng aking mukha at apaw na kilig wala na aking maisip na dapat iakto. Tumahimik rin naman kasi si Azul ng saglit kaya akala ko 'yun na iyon, na tapos na ang banatan niya sa akin pero mali ako ng akala. Mukhang kumukuha lang pala ng buwelo si bruno para mang asar ulit ng mas mataas pa ang intensity. I'm very much flattered dahil malaya niya na naipapakita sa akin ang pagiging playful niya na tao sabagay ito naman daw talaga ang tunay niyang ugali ayon sa pamilya niya. Happy ako for—Another achievement unlocked. For me, seeing him like that ay parang unti-unting nagliliwanag ang lahat dahil unti unti ay nakikita ko gumagaling ang sakit niya. Hindi naman literal na sakit iyon na iinuman lang ng gamot ay ok na. Ito ay sakit na likha ng taong inalayan niya ng pagmamahal, pag-aalaga, at pangarap na binuo upang isakatuparan. Pangarap na sana ay natupad na kung nakuntento lang ang tao na iyon. May be thankful din naman ako kay Erra kasi na bigyan ako ng chance to meet Azul. I know na nasaktan siya o nasaktan siya noon pero basta thankful talaga ako. Bakit kasi hindi lang si Azul ang naging bahagi ng buhay ko pati ang pamilya niya. Pamilya na pinaramdam sa akin na kaya nila akong mahalin, tanggapin at yakapin kahit hindi nila ako kaano-ano doon palang pinagpala na ako ng panginoon, dahil hindi nila alintana kung sino at saan ako nagmula basta alam nilang ako si Mariemar. At dahil doon ay mas nabuksan ang isip ko na wala pala sa estado ng buhay ang pag-turing at pagtanggap ng tao sayo. Hindi porket mayaman ay matapobre na agad at hindi porket mahirap ay abang likod na ang puso para tumuring sa kapwa niya. Matagal akong na sa ganoong lakbay isip kaya naman talagang literal na bumalik ang kaluluwa ko sa katawan ko ng may naramdaman ako na mga bisig na yumakap sa akin. Kasalukuyang nakahiga na kami sa kama ko para magpahinga sana pero nauwi sa asaran nga at banat ni Azul. Nakatalikod ako sa kanya dahil hindi ko maiwasan na maapektuhan at pamulahan ng pisngi sa mga tuksong banat ng lalaki sa akin. Akala ko pa nga kaya siya nakayakap na sa akin dahil nakatulog na ang lalaki. Not until I heard him say something na hindi ko inaasahan dahil sa mabilis at parang panaginip lang na dumaan. " Could we make it real for now—until nandito tayo. I just want to feel the real happiness kasama ang pamilya mo. Ito iyong mga nawala sa akin. Naging selfish ako for my family. Aminin ko man o hindi isa ka sa dahilan bakit unti-unti ko muling nakakamit 'yun ilang magagandang bagay na nawala sa akin o pinalampas ko ng iwan ako ni Erra. Pwede bang maging normal sa atin ito ngayon? Let's act like a real couple? Let's be friends and be open to each other Marie! " Mga salitang akala ko'y hindi ko maririnig sa lalaki. He's being vocal now at mas masaya ako doon pero ng marealise ko na for now lang ay may pumasada na kirot bigla na sa puso ko. Saglit na saglit lang iyon dahil pinili kong tignan ang magandang bahagi ng proposal ni Azul sa akin. Gagawin ko naman ang lahat para makita niya ang ganda ng buhay at wag ng magpakulong sa anino ng nakaraan nila ni Erra. Ako na ang kasama kaya iibahin namin ang mga alaala na meron sila. Hindi ko napansin na medyo dumaan na pala ang mahabang sandali na lumipas. Nagulat pa nga ako ng may mainit na hininga na tumama sa leeg ko. Doon ko napagtanto na nakasubsob na si Azul sa aking leeg para bang kampante na kampante ang lalaki sa posisyon na iyon. " Please! Let's try it. Wala akong maipapangako na magiging pagbabago— pero who knows? baka meron diba!. Ma ko, I know it sounds demanding at parang lugi ka, but I promise I won't go beyond your willingness. Walang pilitan na magaganap gusto ko lang ulit maranasang sumaya kasama ang iba. Please!! " The way na sabihin niya iyon ay parang sobra na sobra ang sincerity niya doon. Parang sa mga salitang iyon ay buhos agad ang tiwala ng makakarinig o sadyang ako lang ang namamahika sa mga salita niya dahil tunay nga na ako'y umaasa sa lalaki ito na malayang naglalambing at lumalandi sa akin ngayon. " Gusto mo naman e!" Kanchaw naman ng utak ko sa akin. Oo naman! hindi naman ako impokrita na idedeny ko pa na hindi ko gusto iyon. Dahil ang totoo lang naman ay dalangin ko ito na sana makita at bigyan ako ng chance ng lalaki. Pero kakaiba na takot, kaba at excitement ang bumalot sa loob ko kaya hindi ako makasagot sa kanya sa mga sinasabi niya sa akin. " I'll take that as yes, Ma ko! Ang pananahimik mo ay hindi nagbibigay ng kaba sa akin kundi mas binubuhay nito ang malayang paghanga ko sayo. Let's talk when we get awake, for now let's take a rest. Ipapasyal mo ako dito sa inyo. I want to spend a lot of time with you and collecting good memories while we're together. " Ilang beses akong napa-kurap-kurap dahil na rin sa gulat at maging sa hindi ko talaga basta ma-absorb sa sarili ko at utak ko ang mga sinasabi ni Azul sa akin ngayon lang. Hindi ko tuloy maiwasan na pagdudahan ang lalaki o isipin na baka kaya siya ganito bigla ay dahil natampal siya ng hangin sa naging biyahe namin kanina at dahil doon ay namasamaan siya kaya hibang ang tama sa kanya. Isang ngiti ang gumuhit sa aking labi habang naririnig ko ang munting hilik ng lalaki. Hindi ko naman mahuli ang antok na gusto ko kaya naman imbis na pilitin ko ang matulog gaya ng sa lalaki sa aking tabi na malayang natutulog habang yakap ako ay naisipan kong abutin ang aking cellphone. Nang makuha ko ang aking cellphone ay bahagya ko pang sinipat ang lalaki sa aking likuran. Doon ko natagpuan ang ubod gwapong lalaki na maaliwalas na natutulog. Tinap ko ang messenger icon saka ko doon hinanap ang GC namin ng pamilya ni Azul. Mukhang online silang lahat parang mga abangers pa talaga sa update ng lovelife namin ni Azul. Oo na-claim ko na agad na mayroon kami ni Azul papasa na nga akong ilusyunada ng taon. Me: Kamusta po kayo? Tulog na po ang Bebe!, Natawa pa ako ng ma send ko ang chat na iyon. Playful ang pamilya ni Azul gaya niya mukhang mana mana sila. Sabi nga noon ni Nay Sharina hindi naman daw ganun si Tay Hayes dahil ubod seryoso ito, pero nahawa na daw sa kanya kasi nga ayaw niya daw ng ganun. Para daw sa kanya ay boring ang mga ganung tao kaya ayun iniba ni Tay Hayes ang ugali niya na iyon. Maya maya nakita kong sabay sabay silang typing natawa ako talagang bantay na bantay nga sila sa update ko sa mga ganap sa amin ng bunsuan nila. Gandara Sha: Wow tulog na pala ang bebe! Paano mo napatulog ang Bebe anak?... Yes anak nga ang tawag niya sa akin kaya naman feel na feel ko din. Mas Gandara Ate: Let me guest Mariemar. Dumede ba si Bebe kaya tulog agad? Hahaha…. Napakaganda ng ate ni Azul pero sabi nga ibang iba rin ito mangulit at magbiro Kuya pogi: You too stop teasing her. Anyway Mariemar mahilig 'yan mag pakamot ng itlog nung baby pa 'yan kaya kamutan mo lang ng itlog for sure tulog agad yan.. Hehehe. Ganyan sila kausap kapag nag-open ako ng tungkol kay Azul. Mapapanganga ka sa ugali nilang lahat maging sa paano sila umakto. Nakita ko na typing si Tat Hayes kaya inabangan ko ang banat ng isang ito. Pinaka-pogi sa lahat: Nako tumigil nga kayo! Buti hindi nangungutong iyan e. Ugali niya iyon sa Nanay niya dati.. Pero salamat Hija wag kang mag alala hindi naman bato ang anak namin kaya malaki ang chance na kayo na talaga sa huli. After ko mabasa iyong message ni Tay Hayes ay sunod sunod naman, na nag-pop up ang message ng tatlo na mukhang hinihintay lang mag send ng mensahe ang kanilang haligi ng tahanan… Gandara Sha: Uwian na andyan na si tanderssssss…. Mas Gandara Ate: Alis na tayo hindi na masaya dito….. Kuya pogi: Taob na ang banga bye… Isa isang nawala ang green sa icon ng bawat isa. Sanay na ako lagi silang ganito kay Tay Hayes natatawa na lang ako. Pinaka-pogi sa lahat: Mga siraulo kayo.. Yari kayo sa akin. Anak una na kami pahinga ka at enjoy kayo ni Azul.. Maraming salamat.. Nang mabasa ko iyon ay natawa pa nga ako. Ang katabi ko naman ay hagyang gumalaw kaya mabilis ko na in-exit ang convo namin. Muli tinitigan ko naman si Azul na ngayon ay nakabitaw na ng yakap sa aking katawan. Humarap ako sa huli at malayang minasdan ang maamo nitong mukha. Maamo ang mukha nito kapag-natutulog ibang iba kapag gising ito at maging noong unang pagkikita namin. Napangiti pa ako bago mag hikab hudyat na dinalwa na ako ng antok. Unti-unting nanlalabo ang mata ko, dinadala ako sa pagtulog kaya naman ako na ang yumakap sa lalaki, saka masayang ipinikit ang aking mata. Mag tutungo na naman ako muli sa dreamland pero ngayon dala ko ang isang malaking pag-asa na hayagang binitawan ng mga labi ni Azul. Walang bibitaw…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD