Begging For Love 25

1535 Words
Mariemar Napapailing ako habang nagsisimula na akong magluto. Kanina kasi parang close na close si Tatay at Azul na animoy matagal ng magkakilala. Nakuha pa nga nila akong asarin ng sabay. Pero hindi ko naman nakalimutan ang sinabi ko at ipinangako ko sa lalaki. Kaya heto ng pumasok ako ay inabala ko ang sarili ko maghanda ng pagkain namin para naman makapag-pahinga na rin kaagad. Balak ko na matapos magluto ay kaagad na aayusin ko naman ang aking silid at doon na lang si Azul muna matutulog. Samantalang ako naman ay kay Paula makikituluyan o makikitulog. Tutal naman ay miss na miss ko din ang isang iyon sure din naman ako na ganun din siya, kaya bonding na di iyon sa amin. Gustong gusto ko na iparanas kay Azul 'yung kasimplehan ng pamumuhay dito sa amin. 'Yung sa mga maliit na bagay lang ay masaya na at napapahalagahan na namin. Noong nagka-pandemic kasi ay nawala ang saya at aligansa ng mga tao dito sa amin. Lahat naman ata ay naging malala ang epekto ng pandemya. Nawala ang nakaugaliang selebrasyon ng pista na pang barangay. Nilimitahan din ang mga pagdaraos ng okasyon. Maging ang Family gathering ay halos nawala din. Ngunit swerte yata naming tunay ngayon dahil meron daw ngayong pista sa aming lugar at kakatuwa talaga dahil hagip na hagip ang araw ng pamamalagi namin dito ng lalaki. Alam ko na baka bago lang kay Azul iyon o baka naman ngayon na lang ulit niya mararanasan iyon at gusto ko na ako na ang kasama niya sa mga bagong experience. Magluluto lang naman ako ng gulay dahil may piniritong karne na ng baboy daw sabi ng kapatid ko. Himala nga at may karne mukhang pinaghandaan nila talaga ang pagdating namin o should I say pagdating ni Azul. Mukhang giliw na giliw talaga si Tatay kay Azu masaya ako na ok sila ng samahan ng aking anal. Mayroong repolyo, sayote, karrots, at pechay baguio dito sa aming kusina kaya naman naisip ko na lang nahahalukan ko na lang ng konti na atay balunan ng manok para naman mas sumarap at malasa. Sigurado naman ako kumakain ng atay at balunan ng manok si Azul. Aakalain naman kasi talaga ng iba tao na maselan ang mga ito kasi mayaman sila, dahil sadyang pinanganak sila na may gintong kutsara pero maling mali sila ng pagaakala. Walang arte ang mga ito maging ang magulang at mga kapatid ng lalaki ay simpleng tao lang at marunong makibagay. Sinanay sila ni Nay Sharina at Tay Hayes na mamuhay gaya ng mga normal na tao walang usap kung ano man ang estado sa buhay o lipunan. Pero ibang iba kasi na ang naging prospeksyon ni Azul sa buhay, lalong lalo na sa pangarap at pagpapamilya. Kahit ang mga magulang nito ay aminadong nahihirapan ng baguhin ang mentalidad ng binita ukol sa tapiko na iyon. Sana nga sa pamamalagi namin dito ay may makita siyang magandang mga bagay na o katangian na maaaring makasaling sa kanyang paniniwala. Hindi pa naman ako nasuko dahil alam ko may tyansa pa ako na mabago 'yon. Lalo't suportado ako ng pamilya ng lalaki isang factor iyon kaya buhay na buhay ang paniniwala ko na may milagro pa. Habang nagluluto ako tila ba parang may mga pares ng mata na mataman akong tinitignan. Dahil sa pakiramdam na iyon ay napalingon ako at doon ko nakita ang dalawang lalaki na kinukunsidera ko na pinaka mahalaga sa akin. Oo mahalaga na sa akin si Azul at aminado naman ako doon. Dahil nga sa unang kita pa lang namin ng lalaki ay may ibang atraksyon itong hatid sa akin. Mas tumaas lang ang atraksyon na aking nararamdaman na iyon ng magkasama kami ng lalaki sa iisang bubong. Maraming mga bagay akong na diskubre sa lalaki nitong nagdaang mga araw na kasama ko ito. Tunay na mahusay ang pagpapalaki ng kanyang mga magulang. Ngunit sadyang may mga tao lang talaga na nakakapagpabago sa atin. Dahil sa mga impluwensya, repleksyon o masasabing dahil sa iniiwan nila na marka sa atin. Positibo man o negatibo,higit sa lahat ay kung sugat ang alaala na iiwan nila ibang iba ang tama ng pait. " Oh, Anak nagluluto ka na agad e, kakarating niyo lang. Sana e, nagpahinga muna kayo ni Azul sa iyong kwarto." Mga salita mula sa aking ama ang gumising sa akin at pumutol sa pagtititigan ni Azul. " A-ah okay lang Tay, saka para diretso ang pahinga namin pagkakain. Saka po Tay sa kwarto po ako ni Paula, makikitulog pansamantala tapos si Azul po sa Kwarto ko na siya. Tay kahit naman nobyo ko siya ay iba ang isip ng tao dito sa atin kaya para hindi maging kontrobersyal kami ay kami na iiwas. " Mahabang sabi ko sa aking ama at iniwasan ko talaga na tiganan si Azul. " Nak hindi mahalaga ang sasabihin ng iba. Okay! Kilala kita. Saka alam kong alam mo ang tama at may sapat ka ng pag-iisip para magdesisyon. Saka baka mamahay si Azul kung solo-solo siya sa kwarto." Dahil sa sinabi ng aking Tatay wala na akong maisasagot at magagawa kundi ang magsama kami ni Azul sa isang silid. Medyo malaki naman ang kutson doon at nakapatong iyong sa papag na gawa sa plywood na si Tatay mismo ang gumawa. Pero ng naisip ko ang papag tila ba nahihiya ako dahil pumasok ang ilang kahalayaan sa aking isip na maaaring gawin namin ng lalaki. " Anong ulam ang niluluto mo Ma ko?" Tila ako nabuhusan ng malamig na tubig ng marinig sa bandang tabi ko si Azul na nagsalita. Shuta ka Mariemar mahalay ka na rin mag isip manang mana ka na talaga kay Sheryl sita ko sa sarili ko. " Ahh, A-ano parang chapsuey iyan kulang nga lang sa ibang gulay. Tapos may pritong karne na ng baboy,,,, Hal ko! " Parang ng space out ako dahil sa mga naganap. Para nga akong timang samantalang si Azul ay normal na normap lang. " Wow, Mukhang masarap na masarap ka Ma ko este ang niluto mo. Nagutom tuloy ako bigla. Kain-an na tayo agad para makapag-pahinga na tayo agad. " Tila ba nai-iskandalo ako sa word na kainan na sinabi ni Azul. Tama naman kasi na kainan ang term pero na beberde ang tawag sa aking utak ng mga ganun. " Sige KAIN... tayo pagkaluto agad para makapagpahinga na. " Diniinan ko talaga ang kain para mawala o mamatay sa loob ko ang kalaswaan na bumadha sa akin. " Ok Ma ko!" Sagot ng lalaki sabay halik sa aking noo naikinabigla ko pa dahil hindi ko inakalang gagawin niya. Nalimutan ko na narito rin si Tatay baka kaya niya ginawa iyon. " Mga Anak mimiya na iyan. Tara na Azul doon muna tayo at manood ng balita. Mimiya lang ay luto na iyan." Tawag naman ni Tatay sa amin at aya kay Azul. Alam kong daig ko pa ang itlog na pula dahil sa pula ng mukha ko ngayon. Nga pala dito sa amin ay naiiba ang mga tawag o gamit ng salita. Ang mamaya ay naging mimiya. Tatak ng tubong cavite na 'yan sabi ng iba cute sa iba naiinis. Nakahinga lang ako ng maluwag ng nakaalis na si Tatay at Azul. Natitilihan ako ng balingan ko ang niluluto ko dahil halos makalimutan ko na iyon. Mabuti na lang at hindi na labsa ang gulay hindi na kasi masarap kapag ganun ang gulay. Mas masarap ang tama lang. Matapos ko na magluto ay agad nag-asikaso ng hapag kainan para makapaghain at makakain na kami. I know naman na si Azul ay kulang na kulang pa rin sa tulog. Ako naman ay ganun din pero mas nakakalamang ako ng pahinga sa kanya. Siya pa nga kasi ang nagmamaneho kanina medyo mahabi rin iyon kaya doble ang pagod niya kahit hindi niya sabihin. Nakapag-hain na ako kaya naman tinawag ko na sila. Sabay sabay kaming apat kumain. Medyo naging maingay ang hapag dahil sa masayang kwentuhan namin na apat lahat may buong kwento. Gulat ako dahil game na game rin si Azul nakikipagsabayan talaga. At ng matapos na kami ay hindi na pumayag si Tatay at Paula na ako pa ang mag imis at maghugas ng mga pinagkainan namin. Bilin nila sa amin na magpahinga na at bukas ay maraming mga pwede daw naming gawin. Ilang na ilang ako sa ngayon na eksena sa pagitan namin ni Azul. Nasa loob na kasi kami ng aking silid. Malinis naman ang kwarto ko kaya wala naman gaano na ayusin pa o lilinisin talagang pwede ng magpahinga. Mahabang katahimikan ang pumailanlang sa amin hanggang sa ang lalaki na ang bumasag ng katahimikan na kumakain sa aming paligid. " Don't worry tabi at tulog lang ulit tayo. Pero let me remind you Ma ko MARUPOK AKO. Pag-kinalabit mo ako pagbibigyan naman kita agad." Malokong sabi ni Azul na nagpamulagat sa akin. Mas malaki pa ata sa sukat ng hybrid na kamatis. Ano daw? Ako daw mangangalabit? Akma akong sasagot ng bigla itong bumunghalit ng tawa. " Half joke iyon— so that means half totoo rin.. Come here Ma ko. I'm waiting patulugin mo na ako!" Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Azul. Is this his true identity nor attitude?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD