Azul..
Mula sa lugar kung saan kami kumain ni Mariemar ay nag-maneho pa muli ako ng higit kumulang 40 minutes. Dahil na rin sa hindi pa nga gano'n kaganda ang ibang kalsada sa lugar na ito. Ang iba'y under construction pa nga at almost two ways pa lang rin ang halos kabaan ng kalsada sa bandang General Trias kung saan ang hometown ng dalaga.
Unti-unti na rin naman na nakikita ang pag-usad ng bayan na ito na sinilangan niya. Pinili ko nga na buksan ang bintana ng aking kotse upang madama ang hangin. Sa una ay ramdam ko na ang hagyang polusyon.
Ngunit ng malayo-layo na kami sa bandang economics zone ay gumanda na ang ihip ng hangin. Malamig at mabango ang simoy na ang bumadha sa akin nakakagaan ng pakiramdam.
Ang babaeng kasama ko ay tahimik na tahimik ngayon. Kaya naman ng balingan ko ay nakita kong panatag itong natutulog. " Madaya din talaga" naibulong ko sa sarili ko.
Panatag ito sa itsura at paraan ng pagtulog para bang walang problema o pinagdaanang problema. Ganito ba talaga mag handle ng problema ang mga simpleng tao? O sadyang hindi lang talaga sila kagaya ng sa amin na lahat ay malala ang trato! Tanong 'yan na paulit-ulit sa utak ko. They didn't make those problems a big deal. Nakaka-ngiti pa rin sila kahit maraming iniinda na problema.
Kumbaga tuloy ang buhay at pakikibaka sa tuwing sisikat muli ang umaga. Samantalang kami na sapat na ang pera sa bangko hanggang sa aming retirement ay naba-bother pa rin at halos gusto' y ungusan o lamangan pa rin ang mga kalaban.
Parang kaming mga umaapaw pa sa yaman ang walang sense of contentment. Samantalang sila ay nakakaya na mag celebrate kahit sa maliit lang na achievement sa buhay.
Hinayaan ko na matulog ang dalaga, kanina naman ay na sabi na nito sa akin ang way papunta sa kanila. Hindi naman ako maligawin sa mga lugar kaya hinayaan ko na itong matulog. Sabi nito kapag may nakita na akong bagong economic zone na kakaunti pa lang ang pabrika ay malapit na kami sa kanila kaya iyon ang tinandaan ko.
Hindi pa man nga ako nakakarating sa landmark na iyon ay gumalaw na ito at nagsimula ng mag inat.
Sinulyapan ko lang ito. At dahil doon ay agad naman na nagtama ang aming mga mata. Kusang gumuhit ang magaan na ngiti sa aking labi para sa babae. Mukhang tinamaan namna ng hiya ito sa akin. Hindi ko lang tukoy o alam kung dahil sa aking pagngiti o dahil sa nahihiya lang siya dahil tinulugan niya ako.
" Sorry! Nakatulog ako. Ahmm m-malapit na rin pala tayo. Sorry talaga!" Halos bulong na lang ang pagkakasabi nito k'ya di ko mapigilan na matawa pero sa loob ko lang ayoko na mas mahiya ito.
" It's okay. Mukha naman na maganda ang panaginip mo kaya ka nahimbing. " Wala akong ibig sabihin sa sinabi ko na iyon sa kanya. Na sabi ko lang iyon dahil napansin ko kanina na medyo napapangiti ito habang tulog kanina pero mas nahiya ata ang babae dahil sa sinabi ko.
" Sorry talaga! Bawi ako. Pagdating natin ay ihahanda ko agad pagkain tapos ang tutulugan mo. I-ikaw naman ang magpahinga." Mas pinigil ko pa ang tawa ko kaya kinagat ko ang aking ibabang labi para mapigil ang pagkawala ng may tunog na tawa.
Ibang iba kasi ang pagiging defensive ni Mariemar may pa taas taas pa ng kamay. Para hindi naman ito mag overthink ay tumango na ako sa kanya mukhang napanatag naman.
" Azul—Kaliwa ka." Sabi ng babae sa akin napakunot pa ako noo dahil doon.
" Hey! baka lumagpas tayo." Sa sinabi nito doon ako nakaunawa ng ayos. Malapit na pala talaga kami.
Ilang sandali pa kami na bumaybay sa kalsada na medyo makipot at kabilaan pa ang parking.
Napansin ko na napangiwi nga ang dalaga na animo'y siya ang nahihirapan sa pag-lusot-lusot sa mga daan na kabilaan may nakapark na kotse, jeep, tricycle etc. Naririnig ko rin ang mahihinang pag side comment nito at pag nguso. Hindi niya lang alam na halos kapusin na ako sa paghinga dahil sa ginagawa niya. Ang hirap tangihan ng mga labi na iyon.
May kausap ngayon si Mariemar sa cellphone niya. I think si Tatay na iyon. At ilang sandali lang ay natanaw ko na ito sa may kalsada. May kausap rin ang ama nito na medyo may kaederan na rin na lalaki. Inihinto ko ang sasakyan ng makita kong sumenyas ito at lumapit sa amin.
" Hinapon na kayo mga anak. Oh siya doon ang parking sa may gate nakisuyo ako kay kuya Boy." Bungad ng tatay sa amin kaya sinunod ko naman.
Inalalayan pa nga kami ni Tatay para maayos na mai-park agad ang kotse ko. Nang maisaayos na ay bumaba rin agad ang babae waring sobrang excited. At ng sumalubong ang babae sa ama ay isang mahigpit na yakap ang ginawa nito walang pakialam kahit marami na ang nakatingin at nakadungaw sa amin. Nakakatuwa ang ganitong side ni Mariemar sa totoo lang. She's a caring, loving, sweet and amazing woman. Bibihira na lang ang ganitong babae sa ngayon.
" Tay, nakakainis po ang daming nakapark na naman sa kalsada at kabilaan pa. Hindi na naman ina-aksyonan ni Kapitan. Paano kung may emergency po edi, na tigok na bago pa nailabas ng highway." Natawa na talaga ako at hindi ko na mapigil pa, dahil nagsumbong pa talaga siya sa kanyang ama. Napatingin tuloy sila sa akin dahil sa pagtawa ko.
" Sorry po Tay! Kanina pa nga kasi 'yan panay bulong, tungayaw at nguso niyan Tay kanina sa daan." Paliwanag ko naman at agad rin tumawa ang ama nito.
" Ay nako Azul ganire talaga iyan. Kinukonsume ang sarili kahit hindi naman dapat. Kunsumido na agad dahil sa mga ganyan na bagay iyan. Diba naman ay nakakabawas pa iyon ng ganda ang pagka-busangot." Natatawa rin na sabi ng ama nito.
" Sige tawa pa kayo. Kayo ba ang mag ama? Kampihan pa! Bahala na nga kayo d'yan!" Parang bata na sabi ng babae at nag lakad na agad pa alis. Napailing na lang kami ng ama nito. She's cute.
" Salamat Nak! Simple lang kami dito pero noong oras na tumapak ang paa mo dito sa amin at kargo na kita. Pamilya ka na walang pwedeng gumalaw o bumastos sa iyo dito. Anak na kita kaya dapat kilala ka nila o kilalanin ka nila. Siya tara na!" Gulat 'yan ang nadama ko sa mga oras na iyon na sinundan ng guilt. Tumango na lang ako para naman umusad na kami.
Nang pumasok na kami sa halos pang isahan na eskinita para sa mga single motor lang ay may nadaanan pa kaming mga bahay. Ayon kay Tatay ay mga kaanak din iyon at ang di kalayuan ay bahay ng lola ni Mariemar na I ni Tatay. Na sabi nga sa akin ni Tatay na bibisita kami roon baka mamaya o bukas na para maka-pahinga muna kami ni Mariemar.
Naroon din daw sa bandang dulo ang bahay nila. Maliit lang naman daw ang bahay nila pero maayos naman at kumportable naman. Never naman ako na namula sa buhay o estado ng iba kasi nga ganoon kami pinalaki ng aming magulang. Laging may mababang loob para sa kapwa.
Buong durasyon ay pinaramdam sa akin ng ama ng dalaga na pamilya na ako at anak niya. Nang makapasok na kami sa loob ng bahay nila ay sumalubong ang mabangong amoy ng bahay at pagkain na niluluto.
Mukhang may nagluluto na. Naglakad si Tatay kaya sumunod na rin ako. Nakita namin ang kusina at pamilyar na bulto ng babae ang nagluluto. Si Mariemar walang iba ang nagluluto. Maswerteng Maswerte ang magiging katuwang nito sa buhay bilang Ina at may bahay. Pero kapag naiisip ko iyon gusto ko na lang ipagdamot ang babae at ariin na akin.
Naguguluhan na ako sa damdamin ko para sa babae. Bago lahat ito sa akin pero wala akong planong baguhin ang nakaplano ko na matagal na. Dapat nah siguro after nito ay ilayo ko na ang sarili ko sa gulo at pagka-lito dahil sa damdamin naibigay ng pag lapit ko kay Mariemar at pamilya niya.