Mariemar
Napakaganda ng aking panaginip parang totoong totoo talaga ito para sa akin. Hinahaplos ng lalaki na mahal ko at pangarap ko ang aking mukha ng mabini. Tila ba isang mamahaling porselana ang kanyang hinihimas at dinadama.
Titig na titig rin ito sa akin na para bang may maganda ito na nakikita sa aking mukha habang ginagawa niya iyon, sa akin ay parang may mga emosyon na sadyang nagkukubli sa kanyang mga mata na hindi maisatinig.
Kusang gumuhit ang tunay at puno ng pagmamahal na ngiti sa aking labi dahil sa aking panaginip. Na kahit man lang sa panaginip ay kaya kong maranasan ang tunay na pag-aalaga mula kay Azul. Pero matapos iyon muli akong kinain ng kadiliman—panibagong dilim patungo sa pagtulog kahit pa nga dilim ay may baon akong tatag at ngiti.
Azul
Nagising ako na may parang nakadagan sa aking dibdib. Nang magising ako at tulyang imulat ang aking mata ay mukha ng babae na ngayon ay tuluyang gumugulo na sa utak ko ang nakita ko at nagisnan.
Simpleng simple lang ang babae na ito pero agaw pansin ang ganda na taglay n'ya. Sa amo ng mukha at kasimplehan ay hindi mababadha na marami ng pinagdaanang sakit sa buhay mula ng magkaisip.
Nagsimula akong mag imbestiga tungkol kay Mariemar mula ng may kakaiba akong nararamdaman sa kanya. Hindi ko maiwasan namamangha at masaktan para sa kanya dahil sa aking mga nalaman. Kaya pala lagi niyang sinasabi na swerte ako sa pamilya na meron ako dahil sa ganun ang mga dinanas niya.
Kahanga-hangang tunay ang kagaya niya dahil imbes na magalit, lumayas at mag rebelde mas pinatunayan niya na kaya niyang mas maging mabuti na tao at kaya niya na mas magmahal ng sobra higit pa sa binigay niya na sa mga ito.
She's a great woman indeed. Maraming magandang katangian ang isang Mariemar na tunay na kabigha-bighani. Noong una naguguluhan ako kung bakit wala itong nakarelasyon dahil sa sobra naman na ganda at kabaitan nito. Ngunit as I go further reading on the report na binigay sa akin ay naunawaan ko agad ang dahilan. She's into the family. Napakalaki ng puso nito para sa ibang tao.
Responsableng anak sa mga magulang. Maasahang apo at mapagmahal na ate sa kapatid maging mga pinsan. Kaya niyang ubusin ang lahat ng meron sa kanya, for the sake of her love once. Now I know why ganun kabilis siyang pumayag sa set up na alok ko dahil obang klase magmahal nag kagaya niya.
Hindi ko alam kung ano ba itong nabubuhay sa puso ko. Maaaring paghanga dahil sa buti at pagmamahal niya sa pamilya na isang napakagandang katangian na dapat taglayin ng isang ilaw ng tahanan. Itong ganitong klase ng babae ang dapat makatagpo ng tunay na pagmamahal at kalinga ng pamilya dahil deserve na derseve niya talaga.
Inangat ko ng marahan ang ulo nito at inihiga sa braso ko saka ako umangat ng marahan rin upang mamasdan pa ang mukha nito. Tunay na iba ang dalang o karga na kagandahan ni Mariemar. Habang tumatagal mas nagiging maningning ito at bumabadha pa ang tunay na ganda na hindi na kailangan ng burloloy.
Mabini kong hinaplos ang mukha nito sa una pa nga ay nagulat ako ng magmulat ito. Titig na titig ako sa mukha niya at maingat kong tinuloy ang pag-haplos doon. Gising ang babae o akala nitoy sadyang nanaginip ito. Halos mapatid ang hininga ko ng sumilay ang ngiti sa labi nito. Nang magtagal ay muling pumikit. Pinag-sawa ko muna ang aking mata matitigan ito ng mas maige at medyo matagal pa.
Ngunit ng balingan ko ang orasan ay halos hindi ko pala namalayan na alas dose na ng tanghali. At mahaba na pala ang naitulog namin siguro dahil sa kapanatagn na pakiramdam kapg mag kasama kami.
Ngunit ang babaeng ito ay muling bumalik sa pagtulog. Nagdesisyon na ako na tumayo na at maunang mag ayos na ng aking sarili at mga dadalhin. Hahayaan ko muna ito na matulog at wala rin akong lakas ng loob na gisingin ito at nakawain sa kanya ang mahimbing na pagtulog.
Mabilisang paliligo lang ang ginawa ko at inayos ang mga gamit na aking dadalhin. Tumagal din ako ng halos isang oras sa loob ng aking kwarto. Nang palabas na ako ay bibit ko na ang bag na naglalaman ng aking mga gamit at dinala ko na rin ang aking laptop.
Kapag may panahon ay panaka-naka kong sisilipin kung may mahalaga ba akong dapat ayusin o tapusin kahit pa pahinga sa trabaho.
Ang aking secretary na Julie ay tunay na masipag sa katunayan ay lagi nitong inuuwi sa bahay ang ibang trabaho nito. At kalimitan kahit walang pasok ay tinutuloy pa rin nitong tapusin ang lahat ng iyon.
Sa kasipagan niyang taglay at pinapamalas na husay ay sinisiguro ko naman na maibabalik ko 'yon sa kanya sa paraan ng mga extra incentives.
Pinaka ibang iba si Julie sa lahat ng aking naging secretary, kaya naman concern ako sa kanya bilang boss at kapatid na. Hindi naman dahil hindi sila bagay ni X but instead hindi bagay si X para kay Julie. Masyadong kulang si X at sakit lang ang dulot niya sa babae.
" Owss, How about you? Anong pinagkaiba mo sa kanya?" Isang tanong na pumukaw sa akin galing sa malikot kong isip.
Hindi ko rin alam kung ano ako! Naguguluhan rin ako. Hindi ko alam na habang nag-iisip ay tuloy ang lakad ko. Natauhan lang ako ng magsalita ang babae na iniwan ko kanina na tulog na tulog.
" Ang daya mo naman e! Bakit hindi mo ako ginising." Panay kusot nito ng mata at parang batang musmos na dinaya ng kalaro.
" Ang sarap kasi ng tulog mo e. Kaya hindi na muna kita ginising." Sabi ko naman sa babae na ngayon ay maayos na nakadilat.
" Kita mo, liligo pa ako tuloy. Pero ayos na gamit ko nadadalhin kaya mabilis lang ako pangako! Tanghali na rin pala gutom ka na ba?" Mas pagmamadali sa salita nito pero naisip pa rin na baka gutom na ako.
" Nope sa daan na tayo kakain. Mag drive-thru na lang. Go on ligo kana baho mo na e, amoy ko na. " Muling sabi ko sa babae pero sinabayan ko ng biro. Gusto ko pang magsisi sa sinabi ko kasi nahalata kong nalungkot ito at hindi na asar.
" Sige ligo na ako! " Halos bulong na lang ng sabihin niya iyon. Tinawag ko pa siya pero nag diretso lang at hindi na ako pinansin. Sablay ang biro ko.
Wala pang 20 minutes ay lumabas na ang babae mula sa kanyang kwarto. Simpleng skinny jean at white t-shirt ang suot nito. Naka-ponytail na ang buhok nito mukhang napatuyo rin agad. Pulbos lang ang kolorete nito at siguro ay lip tint.
" Tara na." Tipid na sabi nito. Halatang hindi maganda ang mood.
" Okay! and sorry about kanina. Joke lang 'yung kanina still mabango ka pa rin kahit 'di maligo." Hingi ng tawad ko sa babae na tinanguan lang ng huli.
Nasa cavitex na kami at hindi na nga nakadaan sa isang drive-thru dahil namayani lang sa amin ang matinding katahimikan mula ng bumiyahe kaming dalawa. I felt so guilty. Not until both of our stomach made a noise, that means gutom na at nagrarambol na loob ang mga bituka namin.
" Kain muna tayo!" sabay na sabi pa namin ng babae at nagkatinginan pa.
Just a simple like that ay tumawa na kami sa isa't isa na parang walang naganap sa awkwardness kanina. Sa gano'nnna paraan ay ganun na rin kabilis na naging ok na kami.
Ganun kami palagi sa isa't isa bago pa alng pero panatag na. Hindi naman kasi mahirap kausap o ispelengin si Mariemar walang arte sa katawan nag huli.
Sabi ng iba lalaki ay mahirap basahin, rendahan at unawain ang mga babae pero sa totoo lang si Mariemar ay napakadaling pasayahin, i-please at pagpaliwanagan.
Ang kasimplehan ni Mariemar sa buhay at pagkatao ay sadyang nakakahawa at nakakadala. Simple lang naman daw kasi ang buhay kung kaya bakit pa gagawin komplikado kung pwedeng maayos sa simple paraan at unawaan.
Lagi nga na iyan ang sinasabi niya sa akin kapag may pagkakataon na nagkaka-usap kami ng seryoso lalo't tungkol sa buhay buhay namin.
Bakit ka naman daw magtatanim ng galit at sama ng loob sa kapwa kung sa huli ikaw lang din ang mahihirapan at magdadala ng kakaibang bigat sa dibdib!
Pwede naman daw na gawing everything goes well and smooth. Ang magpatawad at umunawa nga daw ay mas higit na kapanatagan ang dala kaplait noon ay ang maayos na isip at puso na walang dalahin bigat. .
Sa isang kilalang kainan na pang masa kami kumain. Mura na masarap pa saka makikita doon ang mga masasayang pamilya na kumakain rin.
Payak man o salat sa buhay sila ay may dalang positibong outlook para sa kinabukasan nila at magpapatuloy na sumubok ng sumubok sa hamon ng buhay.
Sabi nga ng bata na katabi namin bida daw ang sarap sa lugar na iyon. Agad nga kaming natawa dahil doon sa sinabi nito.
Ang sarap pala na tawanan o tumawa kahit simple lang ang dahilan. Ang positive ng pasok ng araw at galaw ng buhay isa ito sa mga natutunan ko for the past days of my life.
Each day of my life with her tunay na marami akong nadidikubre sa buhay ko at sa sarili ko na kaya ko pala na gawin at i-appreciate.
Maraming hiwaga ang buhay na kung sisipatin mo lang ay sadyang di mo makikita o maintindihan. Ngunit kung iyong damdamhin, o isapuso ay malalaman mo ang sagot at ipapakita pa sayo ang tunay na mukha ng reyalidad ng buhay sa totoong mundo.
Hindi lahat ng saya ay matatamasa mo instantly, maraming mga kabiguan at pait ang sasapit sa buhay ng bawat isa.
Pero hindi doon matatapos ang lahat dahil ito'y sadyang simula palang ng malawak na pakikibaka sa mundong puno ng hirap takot at gulo.
Hayaan lang natin na manahan ang paniniwala, pagsampalatay at malayang pagmamahal sa atin without any boundaries.
Mariemar is a life coach for me… Pero ang na plano ko na ay siyang susundin ko pa rin. Hindi ako basta magbabago dahil sa panandaliang pagkatuto.