12 am, 1 am, 2 am hanggang umabot na sa 6 am ay gising na gising pa rin ako maging ang diwa ko at sistema ko.
Ako lang ba ang ganito? Si Azul kaya kamusta?
Okay lang naman siguro ang lalaki na 'yun sa loob, baka nga sawang sawa na'yon sa tulog. Kahit naman kulang ako sa tulog o sabihin ng wala talaga akong naitulog ay pilit pa rin ako na bumangon.
Mabilisang naghilamos lang at nagsisipilyo muna ako bago lumabas para naman kung sakali ay hindi nakakahiyang makipagmangharan.
Hindi na ako nag abala pang magsuklay ng aking mahabang buhok. Hinayaan ko na lang ang itsura ko sabi naman ni She maganda ako kahit walang ligo at suklay mahalag daw mabango hininga para ready sa kissing scene.
Dyeske talaga! iyan ngang kissing scene ang hindi ako nilubayan kaya ako walang tulog daig ko pa naka drugs. Alam ko naman na baka wala pa ang kasama ko sa bahay sa labas at siguro ay baka tulog pa iyon ng mahimbing. Pagod din kasi si Azul lagi sa trabaho niya kaya baka bumabawe ng tulog ngayon.
Sana all na lang talaga ako muna.
Sana all tulog na tulog pa hanggang ngayon for sure fresh yun paggising. Sabagay ako lang naman kasi itong nag-overthink ng sobra sa lahat. Meron nga bang lahat? Wala e! sadyang affected din kasi talaga ako ng sobra sa lalaki na iyon. Gumugulo kasi sa akin ngayon ang mga akto niya at sagot sa akin. Ang laki ng pagkakaiba noon at ngayon kaya naman heto ako mas tinitibayan ang paniniwala na baka mayroon din kami sa bandang dulo.
Tamad na tamad akong lumabas at kumilos. Naka Low energy ang vibes ko kaya nga dahan-dahan lang ang galawan ko. Hihimad-himad ako sa paglalakad, saka madahan na binuksan ang pinto. Pero sa aking gulat ay sabay umingit at nagbukas rin ang katabing pintuan na kwarto. Kwarto ni Azul.
" So gising na rin s'ya! " Naibulong ko sa aking sarili at parang sindi ng kalan ay lumiyab muli ang init sa akin dala ng ganap kahapon.
Agad naman kaming nagkahulihan ng tingin at sargo agad na nag tama ang aming mga mata. At doon ay makikita na bakas na bakas din angdumaan na gabi na walang dumalaw na antok. Gusto kong matawa sa itsura rin ng lalaki dahil mukhang nagpuyat din ito at wala pang ayos sa sarili na hindi ko pa nasilayan noon sa kanya,lagi kasi itong biste na biste agad.
Pigil ko talaga na matawa pero mas naunang kumawala ang tawa ng lalaki dahil sa mukha ko rin siya pala nakatingin ng mga oras na iyon.
" Ikaw din?" sabi ng lalaki sa akin.
" Oo, ikaw din!" Sagot ko naman na kinatango nito sa akin. Hindi tanong ang pagkakasabi ko dahil obvious naman na ang sagot.
Sabay na kami nagkatinginan na dalawa at sabay rin tumawa ng tumawa. Para nga kaming mga timang ng oras na iyon. Pero after no'n balik na ulit sa normal— ni hindi na nga nakapag-usap pa tungkol doon sa nangyari sa amin kahapon.
Kahit walang tulog feeling ko energetic na ako ulit si Azul ang source ng enerhiya ko talaga at kumpirmadong kurmpirmado iyon ngayon. Knowing that Azul felt the same like mine ay parang nagbibigay ng more and more pag-asa sa akin. So kapit na kapit talaga ako sa pag-asa na 'yun.
Dahil wala ngang usap usap na habang nakain ay tamang tinginan lang at ngitian ang ginawa namin. Sa ganun na paraan ay parang nagkakaalaman kami ng damdamin at mga gustong ipahiwatig.
At ng matapos na kaming kumain ay agad naman akong naglikom ng mga pinaggamitan. Akala ko nga'y umalis na si Azul pero ng balingan ko ang aking likuran ay mataman lang itong nakatingin sa akin. Dahil doon ay malaya kaming dalawa na nagkatinginang muli ng ilang saglit pa at saka ito magsalita.
" I don't have enough sleep—no! mali pala! Wala akong tulog kaya sana bago tayo umuwi sa inyo matulog muna tayo kahit ilang oras lang muna." Basag ni Azul sa katahimikan. Nauunawaan ko naman kanya tumango na ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko.
Inimis ko muna lahat ng mga kalat at isinaayos ang mga lagayan at kabinet. Long weekend nga daw kasi kaya sabi ni Azul ay Tuesday na ang balik namin dito sa bahay. Dahil bukod sa holiday ng bansa mayroon din special holiday ang company nila kaya walang pasok doon hanggang martes.
Ayokong mag iwan ng kalat o ano pa man dahil baka mag iwan ng kakaibang amoy. Maselan ako pagdating sa bahay gusto ko ay presentable at mabango kahut simple lang. Nang matapos na ay agad akong lumbas ng kusina para sana sundin ang sinabi ni Azul na matulog muna kami.
Mahirap na nga naman kasing bumyahe ng kulang sa tulog dahil baka maging sanhi pa ng aksidente namin. Ayoko namang mangyari iyon sa aming dalawa, saka uuwi rin naman kami maiiba lang naman ng oras kaya ayos lang.
Malapit na ako sa sala ng mapansin ko ang lamisita ay napunta sa ibang pwesto nasa sala kasi ito kaya naman binilisan ko ang aking mga hakbang.
Napatanga ako ng makita ang isang sofa bed style na kutson na nakalatag na at hindi ko alam saan kaya galing.
Medyo malaki iyon at maluwag na maluwag sa pandalawahang tao sa normal na pamilya. Alam niyo naman kasi sa mayayaman ang laki laki ng mga kama kahit solo lang naman sila na natutulog.
Hindi ko alam o napansin kung saan galing si Azul basta na lang itong gumitaw sa aking harapan ng bigla medyo nagulat pa nga ako.
" Hey! Tara na, matulog na tayo. Dito na lang tayo sa sala,kasi nga mahirap na baka mapahaba ang tulog natin sa mga kwarto natin, at baka hindi tayo matuloy pauwi sa cavite. Baka masira ang tiwala ni Tatay sa akin. Casual na sabi ng lalaki sa akin. Pero ako sa loob ko gulong gulo na lahat ng lamang loob ko.
" Oo na tulog lang naman at tabi sa higaan pero first time kasi. " Hiyaw ko sa utak ko.
" Tabi lang tayo pangako—pero,,,, it's up to you kung gusto mo na lumagpas pa!" Mapanuksong sabi ni Azul na ikinapula ng mukha ko pero ng makabawi ay agad pumalag sa sinabi niya.
" Nope! Tulog lang at tabi lang! " Sagot ko naman na medyo nakataas pa ang kilay.
" Fine! Tulog at tabi lang! —pero pwedeng kiss din? " hirit pa ng lalaki na nakangisi na naman sa akin. Ibang bahagi na naman na Azul ang nakita ko ngayon at tunay na namamangha ako sa kanya. Ni wala nga kasi akong makapa na kabastusan sa sinasabi nito sa akin ngayon.
Bagkus pa nga ay kilig at ibayong init ang hatid nito sa akin. Siguro ay dahil sa halik na iyon na aming pinagsaluhan ay nabuhay ang kakaibang paghanga at pagnanasa sa aking pagkatao na matagal naman ng nakahimlay.
" Wag na lang kaya. Magkanya-kanya na lang tayo!" Alangan na sabi ko sa lalaki baka kasi magtraydor ang katawan ko at ipagkanuno ako nito.
Ang hirap pagnagkaganon. Iilang buwan palang pero hindi lang si Azul ang nagbabago maging ako ay nag iba na rin.
" No! Hindi na kita aasarin. Tulog na tayo Ma ko! Nagrereklamo na ang mata ko gusto ng pumikit!" Pagkasabi ni Azul noon ay sabay lapit sa higaan na nilatag niya at mahiga na rin agad ang huli.
Nakatingin lang ako sa kanya ganun rin siya sa akin at ng hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko ay tinapik nito ang bakanteng pwesto upang anyayahan na siguro ako na dumulog sa kanyang tabi.
Nagaalangan man, dahil nagtatalo-talo ang mga kampon ng kabutihan t kalandian sa kaloob-looban ko ay minabuti kong dumulog na rin sa paanyaya ng lalaki. Wala namang masama dahil alam ko sa puso ko gusto ko siya—mali mahal ko na siya.
Ibayong singhapan ang inani ko at namayani mula sa aking loob ng lumapat ang aking likuran sa higaan. At halos mapugto ang aking hinga ng biglang magdaite ang balat namin ni Azul.
Lumapit o sabihin na natin na kinabig na ako ng lalaki palapit sa kanya para yakapin ako. Nang marealise ko ang posisyon namin at akmang aalma pa ako sana. Pero hindi ko na nagawa ng bumulong ito sa akin. Ang bulong na mas nagpatuliro sa akin isip, puso at buong pagkatao.
" Good night Ma ko! Sabi ko na nga ba e, sleeping beside you will make me feel in heaven." Tila ba paglutang sa alapaap ang dala ng mga salitang iyon. Gusto ko sanang sumagot pa sa sinabi ng lalaki akin, ngunit pantay na paghinga at munting hilik na ang narinig ko mula rito.
Sobrang antok na nga talaga niya siguro at sa ganun na isipin ay unti-unti lang akong nag-isip ng mga maaaring mangyayari at dahil doon ay dinala rin ako sa aking malalim na pagtulog.
Pagtulog na patungo sa panaginip na lagi kong hiling at minimithi sa akin puso, mag mula ng makasama ko si Azul sa iisang bubong. Hiling na sana ay maging makatotohanan at mapanghahawakan ko na para maging tunay na ang saya na aking tinatamasa.