Mariemar
Almost two days na rin mula ng makausap ko sila Tatay at Paula about na rin sa pagpunta namin sa kanila sa weekend. Hindi na rin ito mga nangulit sa akin dahil mukhang na satisfied sa sagot ni Azul sa kanila na bibisita kami. Pero iyon lang pala ang akala ko pero ang kinagulat ko at halos nagpawindang sa akin ay ang chat messages na nareceive ko mula kay Paula.
Paula:
Ate may chika ako sayo.
May chatmate na si Tatay!...
Napamulagat ako at paulit-ulit binasa ang chat mula sa kapatid ko. But still 'yun ang unawa ko sa message niya na si Tatay daw ay may ka chat na. Sabagay ok lang naman para may aliwan siya. Pero aba naman talaga dahil bago iyon sa aking pandinig dahil nga ayaw na ayaw naman ni Tatay ang mag kulikot ng cp noon ay maging recently.
Oo nga't may cp ito para magamit niya ang kaso lang ay sa games lang niya lang naman yun ginagamit noon at deadma ito sa mga tawag or chat. Katwiran kasi ni Tatay ay kung mahalaga ang pakay puntahan at kausapin ng personal masyadong makaluma pero kakikitaan daw ng pagpapahalaga at paggalang.
Ang nilumaan na cp ni Paula ang gamit nito. Hindi naman komo luma ay pangit na maganda pa rin naman ang cp na 'yun sadyang binilhan ko lang si Paula ng bago para magamit din sa mga biglaan na search niya. Saglit akong nag-isip ng ire-reply sa kapatid ko na talagang marites ma marites ang datingan, pero alam ko naman na lamang doon ay curiosity lang dahil bago nga iyon sa amin.
Me:
Totoo? E sino naman?..
Reply ko sa chat niya medyo napatagal pa nga kasi nag-isip pa ako. Sabagay nagbabago naman ang preferences sa buhay ng tao. Sana si Azul din. Lagi kong naisisingit si Azul. Mukhang Azul na ata ako.
Paula:
Hindi ko pa alam Ate, Wait dadaan kunwari ako at sisilipin ko kung sino ang ka chat niya. Nako if love life ito Ate magiging KONTRABIDA muna ako sa kanila. Aba syempre dapat pasa sa taste ko kasi sayo ok naman lahat!
Natawa ako ng mabasa ang chat ng kapatid ko. Sa amin kasing dalawa ito ang kaugali na kaugali ni Tatay istrikto masyado.
" Malamang na kaugali ng Tatay mo si Paula tunay na anak e," Natatawa na lang ako sa pangbubuyo ng utak ko. Never naging isyu sa akin ang tungkol doon lalo sa pagitan namin ng kapatid ko mahal ko siya at ganun din siya sa akin.
Paula:
Ateeeeeeeeeeeeee!!!!!!
Ateeeeeeeeeeeeee!!!!!!
Yari ka Ate ko!!!!!
Si Tatay walang love life— pero ang matindi ang ka chat niya si Kuya Azul. Ate mukhang nagkaka-bentahan na ng Anak.
Hindi ko namalayan na sunod sunod pala chat niya sa akin. Pero parang nawala ako sa aking sarili sa huling nabasa. Si Tatay daw ka chat si Azul.
" Wow lang close sila sobra." nasabi ko sa sarili ko.
" Parang kayo lang ng pamilya niya diba! Bawian lang. Mukhang getting to know each other sila." Alangan akong napangiti sa isipin na iyon.
Nakakataba lang ng puso dahil binibigyan ng panahon ni Azul si Tatay makachat. Noon pa man ay gusto na ni Tatay ng anak na lalaki kaso dalawang babae ang meron siya. Kaya ganun na lang ako i-push magkaasawa at anak na.
Me:
Silipin mo anong usapan nila dali!!!
Baka kung ano anong pinagsasabi ni Tatay kay Azul nakakahiya!!!
Paula:
Ayos lang naman usapan nila Ate. Nagre-remind lang si Tatay na 'wag kang sasaktan o papaiyakin sa sakit. Pwede daw sa saya at sarap. Ate hindi naman ako tanga ano! sarap daw e, Ginagawa n'yo na ba ni Kuya 'yon? Saka ate Apo daw yun ang huling usapan nila.
Santisima! Hindi ko akalain na ganun na kalawig ang nilakbay ng usapan nila. At itong bruha kong kapatid parang hindi babae at tinanong pa sa akin kung ginagawa na namin ang gano'n na bagay. Dyos Ko ko lord nakakahiya kay Azul sana di niya isipin na iba ang pamilya ko.
Me:
Tantani ako Paula! That's too private to ask! Dyeske kang bata ka parang pag ihi ko lang ang tinatanong mo sa akin. Bawal pa sa iyo ang ganyan na usapn ok! Oh siya monitor mo na lang si Tatay ha! baka sumobra na sa chat kay Azul nakakahiya sa tao. Chat na lang ulit tayo mamaya.
Mabilis kong in-off ang aking phone. Hindi ako mapakali sa nalaman ko. Kanina maagang umuwi si Azul kasi maaga daw kaming uuwi bukas sa cavite.
Hindi ko alam ang ginagawa n'ya sa loob ng kwarto n'ya pero ngayon alam ko na dahil sa sinabi ni Paula na kachat n'ya pala ang Tatay ko.
Ibayong hiya, kaba at init ang dulot ng isipin na iyon. Baka kasi may kakaiba si Tatay na sinabi sa lalaki at dahil sa isipin ko na iyon mabilis akong tumayo para puntahan ang lalaki.
" Meron na nga— apo nga daw diba!" Halos mangamatis sa pula ang mukha ko ng maiisip na naman iyon.
Nasa harapan na ako ng kwarto ni Azul pero alangang kakatok o babalik na lang ako sa sarili kong kwarto. Nang akmang aalis na ako ay bumukas ang pintuan iniluwa noon ang lalaki na medyo gulo ang buhok at mukhang galing sa paghiga. Kahit pa ganun ang ayos nito ay mas lumakas ang dating nito.
Oh diba sana all kahit anong looks sobrang gwapo pa rin, hot at yummy pa. Bago pa ako mabisto ay mabilis kong kinastigo ang aking sarili kakapuri at pantasya sa lalaki. Hanggang ito na ang unang bumasag sa namayani na katahimikan sa pagitan namin.
" Do you need something or anything from me? " Tanong ni Azul sa akin pero ewan ko iba ang rehistro ng salitang kailangan…
Init ang bumalatay sa akin na alam kong mababakas sa aking mukha rin. Nanatili muna akong walang imik hanggang pakiwari ko ay wala ng hangin sa paligid dahil nakalapit na pala si Azul sa akin at muling nagsalita.
" Any problem Ma ko?" Pabulong na sabi nito na mas nakapagpainit pa ng aking pakiramdam.
" Bakit ganito ang nararamdaman ko? " Tanong ko sa utak ko. Parang inaakit niya ako sa ginagawa niya.
" W-wala a-ano k-kasi— Ahhh.... Aahhhh.... Ahhhh ano! " Gusto ko na lang lamunin ng sahig dahil sa kagagahan ko sa inakto ko sa lalaki. Nagtunog ungol pa nga ang katangahan ko. Hindi ko nga ginawa na tignan siya dahil sa hiya pero ramdam ko na parang natutuwa pa siya sa aking reaksyon.
" Ok! Ma ko— But you know what someone requested to me. " Mas naging malambing pa ang paraan ng pagkakasabi ng lalaki sa akin kaya mas lalo akong na tuod sa aking kinatatayuan.
" S-sino? A-ano?" Mariemar ka ng awa utal na utal talaga muling kastigo ko sa aking sarili. Mas naramdaman ko ang tywa ng lalaki dahil may ilang halakhak na kumawala mula dito kahit pigilan. At s**t ang sexy niya sa paraan na iyon.
" Ahmm,,,,, someone special to me! Hinihingan na kasi ako ng apo at lalaki daw sana! " Muling bulong nito sa akin. Ngayon ay halos sumayad na ang labi niya sa tainga ko at talagang libong kilabot ang hatid noon. Pati baba ko first time sabay na kumibot dahil banayad na kilabot.
Para namang gusto ko mag laho bigla ng marealise ko ang sinabi niya.
" Oh God! Si Tatay talaga!" Siya lang at walang iba ang pwede manghingi noon na akala mo'y kendi lang ang nire-request. Plus sila lang naman ang magka-chat kanina lang dahil doon mabilis akong napapaling paharap kay Azul pero very wrong move talaga 'yon.
Dahil sa lapit ng mukha niya at biglang pag paling ko ay naglapat ang aming mga labi. Malambot iyon pero 'di ko maiwasan na mamulagat dahil doon. Akmang lalayo ako ng biglang may bisig na pumulupot sa bewang ko kasabay ng pagkabig sa aking batok.
Ganun kabilis na rumagasa ang kakaibang damdamin at ibayong pag-liyab ng init sa aking buong sistema. Nakapikit ang lalaki at patuloy sa pag-angkin ng aking mga labi. Natutukso na akong tumugon sa kanyang halik, kahit pa nga hindi ako marunong. Hanggang sa namalayan ko na tinutudyo ng kanyang dila ang aking labi para bigyan siya ng laya makapasok aking bibig.
Binigay ko naman ang nais niya hanggang namalayan ko na ginagaya ko na ang paraan niya. Mas naging mapusok ang halik ng lalaki parang gutom na gutom sa aking labi.
Namalayan ko rin na nawala ang bisig nito sa aking bewang at kasabay noon nadama ko ang lamig ng pader. Naisandal na pala ako nito sa pader habang hindi napuputol ang halikan namin. Pakiwari ko'y mauubusan na ako ng hininga nga dahil sa marubdob namin na halikan. Pero tila natauhan ako ng maramdaman ko ang kamay niya na pumisil na sa hita ko kaya naman naitulak ko siya.
Parang ganun din naman ang lalaki mukhang nagising din. Kita ko pa ang umbok sa harapan nito at masasabi kong gifted siya kahit 'di pa ako nakakakita ng ganun sa akwal. Nakatingin kami ng ilang segundo sabay pang nagsalita.
" Sorry!" Sabay na sabay kami. Aaminin ko masakit sa loob ko iyon dahil halatang init lang para kay Azul. Nalungkot ako pero nagulat ako ng iangat nito ang baba ko sabay dampi ng labi niya.
" Sorry if nabigla ka. But I'm not saying sorry for kissing you. Kasi gusto ko at na enjoy ko!" Yun lang ang sinasabi niya tapos pumasok na sa kwarto niya. Ako naiwang tulala dahil sa sinabi ng lalaki. May chance na ba na gusto niya na ako.
Hapunan na at hindi pa rin lumalabas si Azul baka naisip niya na mali yung nangyari. Kumain lang ako ng kaunti dahil wala akong gana kasi nag iisip na ako ng kung ano ano.
Niligpit ko na muna lahat saka kumuha ng sticky note at nilagyan ng note para kay Azul. It's a note for food reminder if magutom siya and after that nagkulong na rin ako sa kwarto ko.
Mukhang hindi naman ako makakatulog dahil sa paulit-ulit na replay ng kissing scene namin. Iniisip ko paano kung lumagpas pa kami sa halik?
" God! Baka mapalayas ako agad!" Naibulalas ko sa sobrang prostration.