Begging For Love 20

1871 Words
Mariemar... Habang tumatagal ang pagsasama namin ay lmas nakikilala ko si Azul ng lubusan. May mga pagkakataon na kasama niya ako sa mga lakaran ng barkada nila kaya na meet ko na halos sila. Hindi naman ako only girl doon lagi dahil ang Besh ko naman na si She, ay kasama din lagi ng nobyo nito hindi na mapaghiwalay dinaig pa ang belekoy sa kapit . Makailang ulit nga nito akong tinanong ni She about the real status or real score sa namin ni Azul. Naging honest naman ako sa mga sagot ko sa kanya dahil walang sense para ideny pa dahil kilala ako nito. Ayoko rin naman na magkubli sa lahat. What I mean is pagpapanggap na nga ito sa lahat kahit man lang sana kay She maging totoo ako mailabas ko nag totoo sa puso ko. I know that my secret is safe with her. Siya ang nag iisang kakampi ko sa ngayon ko na sitwasyon. Napakahirap naman kasing pigilin na pahalagahan at mahalin ang isang Azul. Nasa kanya na ang lahat lahat na magagandang katangian na hahanapin sa isang lalaki ng babae. Plus he never treated me like that—I'm just a nobody in his life but instead a special someone that is very important. Minsan gusto kong paniwalain ang sarili ko na totoo na lahat iyon. Na pwedeng maging totoo ang lahat sa amin. Pero nagigising rin ako agad sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Erra. Pangalan n'ya ang laging tumatapos sa magandang panaginip ko tungkol sa amin ni Azul. It's been a month since we live in the same roof, pero yung pagra-rush sa akin ni Azul ay nabali-wala din lang naman dahil hindi kasi natuloy umuwi ang babae sa sinabing petsa nito. I don't know why I'm happy na hindi natuloy ang babae sa pag-uwi. Maybe because I could spend more time with Azul. Ang makasama siya ay parang biyaya sa puso ko at pagkatao alam kong iba na ang lebel ng damdamin ko para sa kanya. Hindi ko kasi maramdaman ang agwat namin. He always appreciated all the things that I did for him. Kahit nga small things pa ang iyon. Or maybe I had a little hope in my heart na baka sa tagal na magkasama kami ni Azul may mapukaw ako sa kanyang kalooban. Yes I've always dreaming that one day itong bahay-bahayan namin at laro na sinta-sintahan ay maging makatotohanan. Naging regular ang pag-uusap namin ni Nanay Sharina at hayagan niyang sinasabi sa akin na gusto niya ako para kay Azul maging ang Ate at Kuya ni Azul ay ganun din. Dumating kami sa punto na may Group chat na kaming lima. Kami nina Nay Sharina, Tay Hayes, Ate Serene at Kuya n'ya. Si Azul lang ang wala doon dahil nga lagi naman siya ang topic namin. They always motivate me, alam daw nila na soon magiging akin rin ang puso nila. Minsan nakokonsensya ako dahil naglilihim ako kay Azul. Marami ri akong papuri na natatanggap sa kanila sa tuwing binibida ko na may mga progress and changes si Azul kahit maliit na mga pagbabago lang naman iyon. Doon ako nakakaramdam ng purpose ko every time na sasabihin nila na ako ang nakalaan talaga para kay Azul. Sa punto na iyon ay mas sumasaya ako maging ang puso ko at tunay nga na nabubuhayan ako ng loob nabaka nga isang araw makita ni Azul ang mga katangian ko na nakikita ng pamilya niya. Baka mawala na ang harang sa utak at isip niya. Sana nga lumiwanag na ang utak n'ya para naman bumalik na s'ya sa dati. " Hoy! Tulaley, ka talaga kanina pa! Okay ka lang ba?" Nagulat ako ng biglang may tumapik sa akin tapos nagsalita. Nakalimutan ko na bisita pala namin ngayon si Dragen at She sa unit namin. Oo unit namin sabi kasi ni Azul ang kanya ay akin syempre kasama sa pagpapanggap. Ang sarap siguro kung magiging totoo may maaari ako na akin. " Hala hindi naman. May naalala lang ako bigla She! Okay na okay naman ako dito. Ikaw ba? kayo ni Dragen kamusta na?" Balik ko naman na sagot na sinundan ng mga tanong para hindi niya isipin na may mga alalahanin ako sa buhay. " Hays! Pwedeng mag sabi sa akin at magkwento—makikinig naman ako sayo at never kita huhusgahan, pero kung ayaw mo at hindi ka pa handa—okay lang basta remember that I'm always here. Sa tanong mo naman ay yes ok ako— lalo na kami ni Dragen. Sana nga laging masaya na lang pero alam ko naman na may hangganan dahil may mga darating na pagsubok. " Tila ba makahulugan ang mga sinabi nito ngayon sa akin. Nakakarelate ako sa may hangganan pero kung maaari 'wag muna umabot sa ganun. " I'm happy for both of you. Tara balik na tayo sa dalawa, Baka mag isip pa mga 'yun ng kung ano ano! " Sabi ko dahil hangga't maaari ayokong ma-corner ako ni She baka may maibulalas ako na 'di maganda. " Tara!" papalpit na kami sa may balcony ng marinig namin ang tila Seryosong seryoso na usapan ng dalawang lalaki. " Kamusta na kayo? "Simple pero makahulugan na tanong ng nobyo ni She na si Dragen. " We're good! " Simple lang din na sagot ni Azul kay Dragen. " Walang nagbago Azul? " Muling tanong ni Dragen mga simpleng tanong pero ang lala ng pahiwatig ang lalim ng tagos. " Nothing!" Sagot muli ni Azul. Nothing lang pero parang papanawan ako ng ulirat Still wala lang pala ako kahit maganda ang samahan namin. Baka nga pagpapanggap lang talaga lahat ako lang yung nag imagine na tunay at may pag-asa. Naramdaman ko ang banayad na paghagod ni She sa likuran ko kaya naman inayos ko ang sarili ko. Nilingon ko ito sabay nginitian ng matamis alam kong hindi umabot sa aking mata. " Bakit?" Maang pa na tanong ko sa kaibigan ko pero hindi e kilalang kilala kasi ako nito. " Okay lang yan! Pati ba ako dadayain mo? I know it hurts—pero diba sabi mo gusto mong sumugal! So kayanin mo Mariemar start pa lang ito. Marami pang pagdaraanan ang byahe mo sa buhay ni Azul." Hindi ko naramdaman ang pang uuyam doon o paninisi bagkus naramdaman ko ang pang mo-motivate nito sa akin. Na para bang malalagpasan ko lahat. " Sisiw!" Sagot ko naman na ikinatawa namin ng mahina. Alam naman namin na mali pero nanatili kaming marites ni She sa dalawang lalaki na busy sa pag-uusap. Nakakapa-sana all talaga dahil hayagan ni Dragen aminin na mahal na mahal niya ang kaibigan ko. Masayang masaya ako para sa kanila at piping duma-dalangin na sana soon ako rin mahalin ni Azul. Alam ko na mahirap makamit iyon pero habang naririto pa ako sisikapin ko na makuha ang bagay na 'yon. Hindi para lang maging masaya ako kundi para mapag-saluhan namin ang saya at tunay na pagmamahal na maaari naming malasap kung magiging pareho ang aming damdamin para sa isa't isa . Marami akong kayang i-offer for him. Mga bagay na kaya kang pasayahin at ilabas ang tunay na ganda ng buhay at pagkatao mo sa simpleng paraan. Sana lang talaga ay mabigyan ako ng pagkakataon para iparanas 'ayon kay Azul. Nung halos matapos na ang dalawa mag usap, ay madali kaming umibes para kunwari ay hindi namin alam ang pinag usapan nila. Masaya ako na may bahid ng kirot sa puso. Nanatili pa ang dalawa ng ilang oras at nanood kami ng movie masaya naman ako pero hindi buo dahil iniisip ko pa rin ang mga narinig ko mula mismo sa bibig ni Azul. Azul... Napansin ko na parang medyo pilit ang bawat ngiti ni Mariemar, magmula ng nanood kami ng movie na apat. Gustuhin ko man na kausapin siya noong umalis na ang mga bisita namin ay nawalan ako ng pagkakataon ng mabilis itong pumasok sa silid niya. Hindi ko na nga alam kung nagpaalam nga ito sa akin bago tumungo doon. Nagdesisyon ako na pumasok na rin sa silid ko. Pero bago iyon ay nadaanan ko ang kwarto ni Mariemar at tila ba may humahatak sa akin na sumilip doon kaya naman ginagawa ko nga. Nakita ko ang babae na nakatalikod ito sa akin. Nakaharap naman ang babae sa may balkonahe at may kausap ito sa kanyang cp. Nakumpirma ko ang kausap nito si Tatay at Paula mukhang regular naman ang communication nila. Magiliw itong makipag-usap sa ama at kapatid ibang iba kanina. Inisip ko na lang na baka pagod lang siguro ito kaya ganun o baka pinipilit pasiglahin ang sarili upang hindi mapaghalataan ng magulang at kapatid. Akmang aalis na ako ng may narinig akong tanong mula sa ama ni Mariemar. " Anak kailan kayo bibisita dito ni Azul miss ko na kayo e?" Sabi ng ama nito. " Asus si Tatay maka kayo e, si Kuya Azul lang naman ang miss mo dahil natyatyaga ka niya na kakwentuhan ni Kuya. Hahaha" Malutong na tawa ang namayani sa magkapatid habang panay ang tanggii ng kanilang Ama. " Tay hindi ko pa po alam e! Pero itatanong ko sa kanya agad po agad, kasi ngayon ay medyo busy pa siya." Malambing ma sabi ni Mariemar sa ama. " Ayos lang ba kayong dalawa? Kahit ngumingiti ka alam kong may iba!" Sagot naman ng ama nito. " Ok na ok po kami going strong. Saka Tay makakarating kay Azul na miss mo na siya!" Biglang hirit ni Mariemar kaya napangiti na rin ako. Halata naman na umiiwas sa topic na sinimulan pa lang ng kanyang ama. Pero nagulat ako ng pumihit ang babae bigal at tila may ipinapakita sa mga kausap kaya nahagip ako ng camera. Kaagad naman akong kumaway para naman hindi maging awkward ang lahat. " Oh anak ayan pala si Azul! Itanong mo na.. Ay wag na ako na ilapit mo ako este ang cp mo." Natawa ako sa asta ng kanilang ama mukhang na miss nga ako. Nakakataba naman ng puso. " Hello po Tay!" Bati ko sa lalaking nakangiti sa akin. " Anak kailan ang bisita niyo sa amin? " Tanong nito sa akin agad. " Sa weekend po Tay! " Hindi naman ako busy kaya iyon na ang sinabi ko. " Talaga Hal ko! Pupunta tayo?" Tila ba tumigil ang pag-inog ng aking mundo ng makita ang maamong mukha ni Mariemar na puno ng ngiti. Natagalan bago ako nakahuma kundi pa tumikhim ang ama nito. " Mukhang malakas nga ang tama mo sa anak ko. Maganda 'yan Azul. " pakanchaw iyon pero kita ang kaligayahan sa mukha nito. Tila parang nag init ang mukha ko. Akala ko noon babae lang ang ganito pero mali ako. Dahil ngayon ay danas ko na. " Tay naman e! " Doon ako natauhan. Sabi ng isip ko tumutol ako pero iba ang binuka ng bibig ko at dinikta ng puso ko. " Tama ka Tay ang lakas nga ng tama ko sa Anak niyo." Seryosong sabi ko habang ang mata ko ay hindi napupuknat ang paninitig sa babae na ngayon ay halos nangangamatis na sa pula ang magandang mukha. Halatang nahihiya sa sinabi ko. " So cute." Hiyaw ng aking utak ng makitang napakagat labi pa ang babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD