Habang naghahanda ako ng hapunan namin ay hindi talaga mawala ang ngiti ko at ang magaan na pakiramdam. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala na gano'n kabuti ang magulang ni Azul kahit inamin ko na ang lahat sa kanila. Na kahit sa unang pagkikita palang namin at pag-uusap ay nagka-palagayan at nag-kagustuhan kaagad ang bawat isa samin, ayun bang tipong parang noon pa ay magkakilala na at bahagi ng pamilya ng bawat isa.
Pakiwari ko'y ilang pinto ng magandang simula ang nagbukas para sa akin dahil sa mag asawang Hermoso. Inilabas ko ang lahat ng sangkap para sa lulutuin ko para sa hapunan. Sa amin ay sanay na sanay kami na isang ulam lang dahil payak nga ang aming pamumuhay.
Mahalaga ay may pagkain sa hapag na mapagsasaluhan at may mailalaan pa para sa kinabukasan. Nga lang kung minsan kung printo na isda ang ulam ay paniguradong may partner na gulay—ginisa man yan o ginataan.
Pero ngayon lulutuin ko ay 'yung isa sa paborito ni Azul na binanggit ni Nay Sharina. Mabuti na lang marunong ako ng lutuin na 'yun. Inilabas ko ang isda na tilapia na binili rin namin nung isang araw nang mapansin ni Azul na hindi ako ganun mahilig sa karne. Binabad ko muna i'yon upang mawala ang pagka-frozen.
Naghiwa-hiwa na rin muna ako ng sibuyas at bawang para naman sa pagluluto ko ng ginisang togue ay maayos na. Nung una nagulat pa ako kay Azul ng tanungin niya ako kung nakain ako noon habang namimili kami. Syempre nakain ako—ako pa ba ang mamimili e, lahat na ata ng gulay kinakain ko. Kahit nga sabaw tubig na may asin, asukal o sabaw kape kain pa rin mahalaga maibsan ang gutom ay may biyaya galing sa taas.
Napangiti ako ng makita ang ulam na hinahanda ko. Nagsimula na akong mag gisa ng togue habang ang isda ay inasinan ko na para maya maya lang a'y maiprito ko na. Ayoko ng labsa o labog na gulay masarap pa rin yung medyo ma-crunchy kaya saglit lang ang gulay na lutuin at sana dumating nga ng maaga si Azul para aminit pa. Nakasaing na rin naman ako sa rice cooker.
Ilang sandali pa ay natapos na akong magluto ng aming hapunan, kaya naman mabilis akong pumasok sa kwarto ko upang maglinis ng katawan. Hiwalay ang kwarto namin ni Azul, syempre kasi nga naman nagpapanggap lang naman kami at alam din ito ng mga bisita kanina dahil tapat kong inamin ang lahat. Ang kaibahan lang may mga gamit ako sa kwarto ni Azul na siya nag namili, just in case na may biglaang ganap.
Plano ko na mag half bath lang kasi nakaligo naman na ako. Mabilis lang ang ginawa ko na pagligo at lumabas din agadng matapos, doon ko sala hihintayin si Azul. Para bang isa akong tunay na may bahay na hinihintay ang asawa na galing sa maghapong paghahanapbuhay. Hahayaan ko muna itong damdamin ko at pipiliin ko muna maging masaya at hindi muna mag overthink kung ano ang kapalit nito bukas.
Ngunit paglabas ko papunta ng sala ay s'yang bukas din ng pintuan. Iniluwa noon si Azul na kahit pa maghapon sa trabaho ay mukhang fresh na fresh pa rin. Agad itong napatingin sa akin at ngumiti kaya kusang gumuhit ang ngiti sa aking labi.
Natutuwa ako sa Unti-unting character development ni Azul. This past few days, lagi na siyang ngumingiti kahit isang beses nga lang sa isang araw. Dati noong unang kita ko sa kanya laging salubong ang kilay niya parang galit sa mundo.
" Hi!" Bati ni Azul sa akin ng halos isang dipa na lang ang layo ko sa kanya.
" Hello—Kamusta ang araw mo?" Alanganin pa rin akong basta magtanong sa lalaki.
" Ganun pa rin! Kahit sana'y na ako nakakapagod pa rin. How about you?" Sagot nito sa akin, saka ibinalik ang tanong niya.
Ako naman ay pasimpleng kinukuha na sa kamay niya ang mga gamit na dala niya maging ang jacket na hinubad niya ng hindi niya ata na mamalayan dahil sa mukha ko siya nakatingin. Naging conscious ako dahil doon.
" Okay naman! May mga bisita pala kanina. Si Nay Sha este Nanay at Tatay mo." Biglaan ang pagkambyo ko sa pagtawag ng Nanay at Tatay sa magulang niya, baka sabihin niya ay feel na feel ko. Kahit ang totoo ay ganun naman talaga damang dama ko na bahagi ako ng pamilya nila. Nailagay ko na ng maayos sa lagayan ang mga gamit niya at jacket na dala dito sa sala ng hindi nga talaga niya namamalayanan.
Siya na ang bahala mamaya kung plano niya bang ipasok ang mga iyon sa kwarto niya. Hindi ko pa rin kasi napapasok ang kwarto niya kahit minsan. Si Azul kasi ang nag-ayos at naglagay ng mga gamit ko na dapat sa room niya para sa proofs ika nga.
" Ahh.. Okay! How do you find them as parents? I mean si Nanay at Tatay ko!" Muling tanong ni Azul sa akin.
Napangiti ako at alam ko na hindi iyon nakatakas sa mata ni Azul dahil kita kung tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. Naupo muna ako sa isang pang isahang upuan at ganun din ang ginawa ng huli.
" Shock!" Iyon agad ang nasabi ko naikinataas agad ng kilay ni Azul kaya naman nagpatuloy ako.
" I was shocked and surprised by their presence. Hindi ko alam na pupunta pala agad sila though sinabi mo naman sa akin iyon. Dalawa kasi sila! " Sabi ko sa lalaki na ngayon ay parang nauunawaan na ako.
" Ganun ba! si Tatay kasi kapag hindi busy parang magnet 'yan kay Nanay gusto laging kasama at kadikit. Kamusta ang experience with them? " Paliwanag nito sabay balik muli ng tanong niya na related sa unang tanong. Mukhang eager siya na malaman lahat ng napag-usapan namin. But I'm sorry agad Azul—kasi kami na ni Nay Sha at Tay Hayes ang magkakampi at magkasabwat.
" Okay naman! Nung una—pero mas naging maganda ang usapan namin nung tumagal! " Makahulugang sabi ko sa lalaki na parang bitin at mas nag-salubong ang kilay kaya nagsalita pa ako.
" You're too lucky to have them as your parents, Azul!" Buong pusong sabi ko sa lalaki na mukhang naiintindihan ako. Kung ano at saan ako nanggaling para masabi ang mga 'yon.
" They were such amazing parents and people. Sobra kayong mahal ng magulang niyo. I envy you because of that. Alam mo ba na sinabi nila na gusto nila na Nay at Tay din ang itawag ko sa kanila? And honestly sobrang binagyo ng ligaya ang puso ko dahil doon. Dahil for the first time in life may mga bagong kakilala pa lang kung tutuusin na gusto at willing akong akuin at papasukin sa buhay nila. I felt so blessed that time but I also felt hesitation co'z I know kung ano at sino lang ako Azul sa buhay mo at lugar na ito. But sa oras na ito gustong gusto ko na kapalan ang mukha ko para makiusap sayo na hayaan mo akong maki Nanay at Tatay muna sa magulang mo pansamantala! Would you let me? " Hindi ko na napagilan na maging emosyonal. May takot na baka sabihin sa akin ni Azul na ilugar ko sa tama ang sarili ko. But I want to try my luck walang masama kung susubukan ko.
" Sa saglit na oras na iyon nakuha mo ang loob nila. At mukhang ikaw rin. I will let you call them Nay at Tay because they also want that, Right? But please don't get too attached. Ayokong pare-pareho kayong masaktan sa huli dahil sabi mo nga alam mo kung ano at sino ka sa buhay ko at maging sa apat na sulok na lugar na ito. But for now let them be happy as you called them Nay at Tay. Ganun din naman ang pakiramdam mo diba! Masaya ka—" Naputol ang sasabihin ng lalaki ng tumunog ang tiyan nito. Natawa ako bigla pero, agad nagtanong sa lalaki.
" Kumain ka ba kanina ng ayos? " Tila naman nahuli sa isang krimen ang lalaki sabay iling.
" Sandwich and juice lang nawili ako sa trabaho kanina." Parang bata ito na nahihiya sa hindi mawari na dahilan.
Napailing na lang ako sabay tayo para pumunta sa kusina at ihain na ang pagkain. Pero nakakailang hakbang pa lang ako ng magsalita si Azul muli.
" Magluluto ka ba? Sa labas na lang tayo kumain. " Sabi nito pero sumagot ako ng 'di lumilingon
" Ayaw ko sa labas kumain. Maghihintay pa rin doon ng matagal kapag nag-order. Sayang naman yung ginisang togue at piniritong tilapia na niluto ko—" Natigil ang pagsasalita ko ng lampasan ako ng lalaki na akala ko' y nakaupo pa sa sofa kani-kanina lang.
Natutuwa ako sa kada simpleng mga bagay o traits na nalalaman ko tungkol kay Azul. Simple lang na mga bagay na mas nagpapahulog sa puso ko para alagaan siya dito sa loob ko. Isa lang ang nabuong desisyon sa puso ko at 'yon ay ang hayaan na anudin ako sa damdamin na ito kahit walang kasiguraduhan ang kahihinatnan. Susubukan kong iparamdam kay Azul ang tunay na pagmamahal at pagkalinga na hindi lang sa pamilya maaaring makuha kundi sa taong hindi kaano-ano pero handang ipagkaloob sa kanya ang lahat.
Ang hayaan niya ako na gawin iyon at Unti-unting papasukin sa buhay niya ay isang malaking pribilehiyo na sa akin. Gusto ko rin na makita ang tunay at dating Azul na maging si Dragen ay nasabi na sa akin.
Ako man ang makasama niya sa hinaharap o hindi basta ibabahagi ko sa kanya ang mga magagandang bagay o experiencia na nakalimutan niya dahil sa kanyang ex-girlfriend na nang iwan sa kanya.
My mission right now is to let Azul see all the beauty in every simple way. Lahat ng simple ay may ganda at kagaanan ng loob 'yan ang unang leksyon ko sa kanya. ..