Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko sa mga oras na ito. Ano ba ang sasabihin ko sa tanong ng Nanay ni Azul? Halatang-halata siguro ang pagka-tense ko dahil sa sitwasyon dahil panay ang tinginan ng mag asawa.
" Nay, you're scaring her!" Malumanay sabi ng Tatay ni Azul. Habang mabini na hinahaplos ang kamay nito. Sweet na sweet pa rin sila kahit may edad na.
" Am I Tay!" Sagot naman ng Ina ni Azul. Tumango lang ang lalaki. They look so cute together at sa ganun na asta nila ay nagbago agad ang dating ng awra ng Ginang. Isang malambot at mapagmahal na Ina agad ang rumehistro na karakter nito.
" I'm sorry Tay, naging harsh pala ako. Hija I'm sorry too, for making you feel uncomfortable. Hindi kasi ako makapaniwala na may babae sa condo ng anak ko. But this is a good sign. Ay siya mabalik ako sa tanong ko sayo hija kanina. But please I want an honest answer. Don't worry, you can count on me nope kaming dalawa pala!. Again! Ano ka sa buhay ng anak namin? "Malumanay na ang paraan ng pananalita nito. Waring ito naman talaga ang tone niya magsalita. Sabagay kapag ina ka nga daw kaya mong maging tigre para sa mga anak mo.
Hindi agad ako makapagsalita— syempre iniisip ko kung tama ba na maging tapat ako o magsinungaling na lang . Pero sa huli nanaig sa akin ang pagiging Anak kaya kahit pa hindi ko ito kaano-ano ay nag sabi ako ng buong tapat.
" Ahm! M-ma'am and Sir!" panimula ko halatang kabado ako.
" Don't be so nervous, hija! Mauunawaan namin iyan. Bilang magulang ay marapat naming unawain, mahalin at ituwid ang aming mga anak. So go on. I'm all ears." Mas lumambing pa ang paraan ng pagsasalita nito.
Siguro isa ito sa mga namana ni Azul sa kanyang Ina. Yung kapasidad na ipadama yung koneksyon kahit bagong kakilala pa lang. Sinagot ko ng isang tango ang mga sinabi ng Ginang.
" Ah Ma'am/ Sir—" naputol ang pagsasalita ko ng putulin ako ng Ginang.
" Stop calling as Ma'am and Sir. We prepare for you to call Nanay at Tatay. Right Tay!" Muling sabi ng Ginang at talagang hiningi pa ang kompirmasyon sa asawa nito.
Ang asawa naman nito ay buong puso at tunay ang ngiti na ginawad sa babae at sabay harap sa akin at ngumiti rin. Nakakahawa ang kanilang mga ngiti para bang ang gaan ng loob ko na makilala sila. They've made me feel so loved and welcomed.
" Nakakahiya naman po sa inyo." Hiyang sabi ko habang napayuko.
" Please mas gusto ko na ganun ang tawag mo sa amin—?" putol na sabi nito malamang ay gustong malaman ang pangalan ko.
" Mariemar po! Okay po if that's what you want po Nay!" Medyo asiwa pa ako sa pagtawag ng ganun sa Ginang pero kakat'wa na may banayad na haplos o hagod ang namayani sa aking puso.
" Perfect!" Parang bagets na sabi ng Ginang na bahagya naming kinatawang tatlo.
Buong durasyon ng usapan ay tahimik ang Ama ni Azul. Kaya medyo alangan ako at baka iniisip nito na mukha akong pera dahil pumayag ako sa gusto ng anak nila. Yes inamin ko lahat sa mag asawa maging ang nabubuhay na pag tingin ko sa anak nila.
Pero mali ako, dahil imbis na husgahan nila ako'y tila hinangaan pa ako dahil sa ginawa ko. Ang mahalaga daw alam ko kung ano ang tama. Hiniling din ng Ginang o Ni Nay Sharina na alagaan at turuan ko ng wastong leksyon sa buhay si Azul. Hindi daw nila ako papayagan na madehado sa laban na ito. Alam daw nila na ako ang makakatulong sa anak nila.
Dalawang oras na ang lumipas magkaharap pa rin kami pero agad akong nagpaalam upang igawa sila ng meryenda na hindi ko nagawa kanin dahil nauna pa ang pag-uusap. Nakakahiya dahil baka mag iba ang tingin nila sa akin.
" Hija!" Tawag na pumukaw sa akin. Nang malingunan ko ay ang ama pala ni Azul.
" Tay! may kailangan po kayo?" Feel na feel ko pa ang pagtawag ng Tay dito dahil ito rin ang tawag ko sa aking ama.
" Wala naman— I just want to say thank you in advance. Naguguluhan ka ba? I know how to read a person's identity or personality. Same as what my wife can do. Nakikita ko na isa kang mabuting tao, higit sa lahat ay anak. Boto nga kami agad sayo bilang manugang—" Naputol ang sasabihin nito dahil bahagya pang tumawa.
" I'm sorry we can't help it! Ang asawa ko ay gustong gusto ka talaga at maging ako hija. Gusto namin na maging parte ng pamilya namin. Napaka-tapat mong tao at sana'y lahat ng mga magagandang katangian mo na nakikita namin ay siyang makita rin ni Azul at matutunan niya din na isabuhay. My son is good person lalo sa aming pamilya at mga kaibigan niya but he suddenly changed a lot because of that woman. Namimiss na namin ni Azul Hija. But no pressure sayo lahat ng sinabi namin at habilin. Basta ngayon palang salamat agad.! Paano balikan ko na ang Nanay niyo. " Kanina pa nakalabas ang Ama ni Azul pero hindi ako makahuma sa mga salitang narinig ko mula sa kanya.
He look so powerful, pero kapag kay Nay Sharina napaka-amo niya at gentle. Nakita ko na naging ganun din siya sa akin kanina kaya sobrang saya sa puso. Feeling ko parte na ako ng pamilya nila. May minana nga talaga si Azul both of his parents.
Nang maalala na baka naiinip na sila sa akin ay agad akong nagmadali. Nahihiya nga ako dahil late na ang meryenda namin. Nang makita ko ang dalawa ay nagtatawanan sila. Grabe! kahit matagal na silang magkasama still andon pa rin yung kilig at lambingan.
" I want that kind of relationship! " naibulong ko sa isip ko. Sana may lalaking maging ganito rin sa akin.
" Lord hindi naman sa pagmamalabis kahit si Azul na lang—pero kung hindi talaga pwede kahit na sino basta totoo at paninindigan ako. " Muling bulong ko. bago lumapit sa dalawang bisita.
" Kain na po tayo! Sorry po late na!" Nahihiyang sabi ko pa na nginitian naman nila agad.
" Sus okay lang 'yun Nak—busog naman kami nang pumunta kami dito. Actually kada punta namin dito ng Tatay niyo busog kami. Kasi nga walang matinong pagkain at stock si Azul. Pero now that you're here mukhang pwede na kaming pumunta ng gutom. What do you think Tay? " Tumango ang ama ni Azul umiinom kasi ito.
" Great! baka next week nandito kami ulit. Bonding tayo magluto Nak—ay teka marunong ka ba? " Muling tanong ng Ginang hyper pala ito mukhang alive na alive.
" Opo! kaso lutong bahay lang po N-nay! " Sagot naman sa tanong ng Ginang. Nagningning ang mata nito waring na amaze pa sa akin.
" Wow! Makakakain na rin si Azul ng lutong bahay at matino sa wakas. Nak ha! Patikim din kami ni Tatay niyo." Palagay na palagay na sabi ng Ginang sa akin.
" Nay baka naman isipin ni Mariemar ginugutom ka sa atin. " Tatawa-tawang sabi naman ng asawa nito. Mukhang nag-aasaran din silang dalawa mandalas.
" Isa Hayes! Hindi ako natutuwa sa hirit mo!" Nangusong sabi ng Ginang kaya natawa kami. Pwede pala ang ganun. Ngayon mo lang nakilala pero palagay ka na agad. Parang matagal ng kasama.
Pasado alas kwatro na ng umalis ang mag asawa ayaw daw muna nilang makita si Azul. Maybe next week daw para may development na. Medyo kinabahan ako doon pero inulit naman ng Ginang na hindi iyon pwersahan at hayaan na kusa na lang.
Sabi ni Azul uuwi siya ng maaga at sabay kaming kakain may mga sasabihin daw siya sa akin. Ang alam ko malapit ng umuwi si Erra kaya siguro may briefing na magaganap sa amin. Later ko na iisipin magluluto muna ako ng ulam at pagkain namin baka madaan sa pagkain at nakalimutan na bigla si Erra.
Napaka-swerte niya nakakaingit siya kahit hindi ko pa siya nakikilala. How I wish ako na lang siya.