Begging For Love 17

1911 Words
Naging magaan ang pagsasama namin ni Azul sa mall noong unang araw na magkasama kami. Naging kompurtable ako na kasama at nasa paligid ko siya magmula ng araw din na iyon. Hindi ko na nga alintana noon ang mga taong nakapaligid at nakatingin sa amin na kung minsa'y nagtataas pa ng kilay at parang sinasabi na bakit ang gaya ni Azul ay magtatyaga na ako ang kasama. But Azul didn't let go of my hands. He's holding my hands so tight but not to the extent na masasaktan ako. It sends different feelings and emotions. It's like an assurance that no matter what people think or say hindi niya ako pababayaan, iiwan at bibitawan. Ganun nga kabilis ang naging pagkapalagay ko ng loob sa lalaki. Sinong hindi makakadama ng ganun, kung lahat ng iyon ay first time mong maranasan at maramdaman. Ang lalaki nga ngayon ay halos itrato nga ako na literal na tunay na kasintahan n'ya parang meron ngang koneksyon at pag-ibig kung titignan. Masarap palang magmahal ang isang Hermoso na laging laman ng isip ko at iyan ang paulit-ulit na dinidigta ng utak ko na tumutugon sa puso ko. Sa gesture niya na simple lang, pero puno ng pag-iingat ay masayang masaya na ako lalong lalo na ang puso ko na sabik sa ganitong trato. Oo alam ko naman na maling mali ang nararamdaman ko na ito dahil sa huli ako ay maiiwan na mag isa at walang handa na sumalo at walang magiging ramay pero gusto kong subukan sana!. Pilit ko man kasing hindi indahin ay sa huli nahuhulog pa rin ako hindi ko na malaman kung ilang beses na nga ba. Pigilan ko man. Pero I can't help it—Feeling ko rin kasi that I really deserve it naman— na tama ang lahat ng ito at pagtrato ng lalaki sa akin. But every time na nadadalala ako ng sobra bigla kong maaalala, why I'm here. Kung anong purpose ko sa buhay ng lalaki at aaminin ko may kakaibang sakit at kirot na gumuguhit sa kaibuturan ng puso ko ang sakit na iyon tila nanahan doon. May mga sana ako! Napakaraming sana nito. Na sana totoo na lang ang lahat sa amin ni Azul. Na sana ako na lang si Erra at pangako— hindi ko sasayangin ang lahat ng kayang ibigay ng lalaki para sa akin bagkus ibabalik ko pa ng sobra pa sa nararapat sa kanya. Na sana one day magising ako na— ako na lang ang nakikita niya wala ng iba at si Mariemar na lang nang sa gayon ay pwede na kami na lang ang magpatuloy ng pangarap na sinimulan n'yang buoin noon. Na sana kung may totoo man na magic o wish na maga-grant ay ipagka-loob na iyon sa akin gusto kong sumaya at magkapamilya. Noon ay hindi ko ito iniisip wala nga kasi akong time pero mag bago iyon dahil sa ilang araw nakakasama ko ang lalaki. Ilang araw pa lang pero nalulunod na ako sa paghanga at pagkagusto sa kanya. I know to myself that Azul is too much for me— to dream or to wish to be mine. But Azul is the only man na nakakaapekto sa puso ko ng malala sobrang bilis pero sobrang sarap sa pakiramdam hinding hindi ko pinagsisihan na madama ito . The love by the opposite s*x— 'yon ang klase ng pagmamahal na nararamdaman ko para sa lalaki na ibang iba talaga at ngayon ko lang dama at kumatok sa puso ko. Ang pagmamahal na makukuha mo o nino man sa magiging kapareha mo na tunay na laan sayo. Nang unang araw ko na umuwi sa condo unit ni Azul para akong trespasser dahil sumisigaw ang buong lugar bilang dominante na panglalaki. Gray and white ang buong lugar. Mabango rin at alam kong mamahalin ang mga gamit kahit mukhang simple lang ito pero napakasarap sa mata. I've notice so far that Azul is not fond sa mga garbo o maburloloy na kasangkapan. There's a unique pattern in every thing that he has in his condo. Kahit sa mga punda at comporter highly organise talaga. Kaya pala kahit niloko na siya ni Erra ay yun ang gusto niya. Dahil kung ano ang nasa plano iyon na iyon para sa kanya walang nakakapagpabago. Wala na nga ba? Para siyang ewan sa totoo lang. Hindi niya alintana ang sasabihin ng iba. Minsan tuloy gusto kong makilala ang pamilyang pinagmulan niya para malaman ko and dahilan bakit ganito si Azul pagdating sa usaping plano. He's way perfect— yet almost perfect lang pala, ang pangit lang kasi sa kanya ay yung sa plano niya hindi ko alam kung kasama doon ang tunay na pagmamahal. Ako hindi naman ako nagpaplano dahil ako yung tipo na handa kung ano ang darating at ibibigay ng bukas para sa akin. Hindi na ako takot masaktan. Ang buhay ay puno lang naman ng pasakit pero sa gitna o dulo may kaunting ligaya at alwan naman ganun naman palagi. Hindi ako nauubusan ng pag-asa lalo't hindi naman ako humihinto makamit ang aking pangarap sa maayos na paraan. Hindi ko ticket si Azul papunta roon gusto ko na buhay, gusto kong umangat bilang isang tao na nagsusumikap. Isang babae na kayang ipamalas ang kakayahan kahit pa nga babae lang ako. Maraming discrimination sa pagiging babae. But women can also wear pants so proud like a man. But a man couldn't wear a skirt with all dignity but instead they were too embarrassed. Sa apat na sulok ng condo unit na ito, naging patas naman si Azul sa akin. He also gave me permission to decorate the place according to my taste. Hindi ko lang pinapakialaman ay ang mga gamit niya for privacy matter. He told me that every sunday naman daw ay may housekeeping na pumupunta dito, but I don't know kung anong hangin ang dahilan para kontrahin ko ang lalaki.. Flashback… " Ma ko! Wala akong issue if you want to decorate our place. Nakakaboring nga naman sa loob ng bahay. And I'm sorry kasi hindi ka na pwedeng pumasok sa restobar. But if you want you can work in our company. What do you think?" Normal na normal ang itsura ni Azul habang sinasabi iyon sa akin. Walang pag-uusap namin na hindi niya ginamit ang endearment na iyon na ako rin naman ang pinagkunan niya. Well kaya naman sinanay ko rin ang sarili ko sa tawag ko sa kanya para naman patas kami at convincing pag iba ang makakarimjg at witness. Masarap naman sa pakiramdam ko every time na tinatawag ko siya ng Hal ko ay sumasagot din siya with endearment na Ma ko. " Okay naman ang place mo Hal ko!. But we need to put different pictures together. Ahm dapat siguro maglagay din tayo ng album. In you're things naman hindi ko iyan pakikialaman and sa work mo naman na in-offer pag-iisipan ko muna baka kasi hindi ko kaya!" Napaka-honest na sabi ko sa lalaki. Totoo naman ayoko na mapasubo ako tapos mapapahiya ay si Azul. Gusto ko 'yung hindi naman mag-aalangan si Azul o malagay sa alanganin kahit siya pa ang boss doon ay ayoko ng isyu sa ibang magiging co-worker ko. . " Okay then! But let me know if you have already decided. Hmm,, I like your idea of those pictures and albums. Maybe on the weekend we can do that. I mean take those shots and print it para madisplay na natin. And about laundry and cleaning the unit naman ay every sunday may pumupunta dito na housekeeping. You know! to do the laundry and clean the plane. So you don't need to bother yourself to clean here. Ma ko let me remind you again. You're not a maid here! Okay. " Muling sabi ni Azul, ngunit meron sa loob ko na gustong kumontra at tumutol sa mga sinabi nito at hayun nga na voice out ko nga. " Ahm, Azul about the laundry and cleaning baka pwedeng 'wag mo ng iupa—wala naman kasi akong ginagawa and besides kung gawin ko man iyon it doesn't mean na maid ako rito o alila mo ako. Isipin mo na lang na parte ito ng bahay-bahayan natin and that I'm doing this for you Hal ko as my responsibility. Saka wala naman rin pa akong gagawin dito sa condo, kapag ako lang mag isa diba! I hope you don't mind! " Alangin na sabi ko sa bandang huli kasi napansin ko ang panay pagkunot ng noo nito sa mga sinasabi ko sa kanya. But hoping na pumayag siya, pero dumaan ang ilang segundo na umabot na rin ng minuto pero walang salita ang namumutawi sa bibig ng lalaki. Kaya muli akong nagsalita. " And Hal ko, it is safe for as na tayo lang ang nakalabas-masok sa lugar na ito. Alam mo na mahirap na baka may mapansin pa yung tao na 'yun about sa atin.!" Muling segunda ko upang makumbinsi ang lalaki. Gusto kong tumalon ng makita ko itong ngumiti bago mag salita. " You're right, kasi yung taong napunta rito padala ni Nanay. And lahat ng makikita at mapapansin noon ay for sure naire-report n'ya kay Nanay. Pero kasi magtataka din si Nanay if I wouldn't let the cleaner na pumunta rito. Pero—Fine! gagawan ko ng paraan and Ma ko. Pero 'wag kang mabibigla if one of these day's ay biglang bumungad at dumating si Nanay dito. She's a nice and kind hearted person so being yourself is the most wonderful thing you can do! You don't need to impress my mom. Okay Ma ko!" Kinabahan ako sa sinabi ng lalaki. Ano nga kaya ang magiging reaksyon ni Mrs. Hermoso once na magkita na kami. Nasa ganun pag-aalala ako sa mga napag-usapan namin ni Azul nung nakaraan ng biglang tumunog ang doorbell. End of Flashback… Hindi ko alam kung sino man iyon nasa labas alam ko ibang tao iyon e. Dahil kung si Azul iyon ay panigurado na hindi magdo-doorbell ang lalaki. Bigla akong sinalakay ng kakaibang kaba. Pero dahil nakailang tunog na abg doorbell at baka mainis na ang tao sa labas, kaya mabilis akong lumapit sa pintuan at binuksan 'yon kahit hindi ko na nagawa pa na silipin sa butas kung sino ba ang biglaang bisita. Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang babae na mukhang nasa kwarenta pa lang. May kasamang rin itong lalaki na mukhang asawa nito bakas pa rin nag tikas ng katawan ngunit ng mamasdan ko ito ay halos matigilan ako. Dahil ng matitigan ko ang lalaki ay halos mamilog na ang mga mata ko, kasing kawangis atl kahulmang kahulma ito ni Azul— so that means ito ang parents niya.. " P-pasok po kayo. Wala pa po si Azul Ma'am / Sir!" Utal na sabi ko. Nagkatinginan pa ang dalawa pero pumasok na rin. Nang nasa loob na ang bisita at umupo na rin ay akmang tatanungin ko sila kung anong gusto nilang inumin ay agad nang nagsalita ang Ginang.. " Sino ka? Let me rephrase my question Hija. Sino ka sa buhay ng anak kong bunso? " Seryosong tanong ng Ginang na ubod pa rin ng ganda at base sa edad ni Azul bilang bunso ay hindi fit nag itsura nito sa edad sobrang bata pa ng itsura nito. Nang maalala ang sinabi ni Azul na maging totoo lang ako ay iyon ang ginawa ko ang kaso hindi ko akalain na aabot sa ibang usapan pa pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD