Mariemar..
Nasa loob na kami ng mall pero parang ang katawan ko'y sing tigas ng yelo at singlamig dahil sa presensya ni Azul sa aking tabi. Kinakabahan ako na hindi ko mawari, parang nadudumi na naiihi ako.
" Relax Ma ko! Masanay ka na dapat agad dahil we only have one week, para maging komportable sa isa't isa. Ako! mukhang hindi mahihirapan dahil magaan ang loob ko sayo. It's kinda weird nga kasi hindi ako naiilang sayo parang matagal na kitang kilala. So, sana maging palagay ka din sa akin. I know my boundaries Mariemar at sana ikaw din para walang maging problema. " Iyon ata ang nagpabalik sa akin sa ulirat. He's right lahat ito ay scripted at bayad kaya dapat gampanan ko ng tama. No feelings should be involved.
" I know Hal ko! " Pinilit kong hindi mautal sa pagsagot. I need to get back to my senses.
" Come on Mariemar, remember the no. 1 rule: Don't fall in love. That's includes to strengthen my guard para hindi ako magkamali sa dulang ito na simulan namin at para hindi ako masaktan." Bulong ko sa sarili ko.
Matagal nga na nagbulag-bulagan ako at nagpanggap sa pamilyang kinilala ko na kaya ko ang lahat at ayos lang ako. Kaya dapat sisiw na ito sa akin.
Dahil sa mga iniisip ko hindi ko namalayan na nasa harapan na kami ng isang boutique ng mga damit at iba't ibang accessories para sa mga babae. Sa hinuha ko ay mahal lahat ng paninda sa lugar na ito. Kaya tinignan ko ang lalaki at napasinghap ako ng makita kong nakatingin rin pala ito sa akin. Akmang magsasalita na ako ng magsalita ito na una.
" I know what you feel! And that's valid but Mariemar I give all what you need. So sana ikaw din. I need your presence of mind all the time. Nabibigla ka man o nabibilisan sa pangyayari dapat makasabay ka agad. I won't let you down okay." Titig na titig ang lalaki sa akin ganun din naman ako.
Parang ang huling tinuran nitong salita ay iba ang dalang gaan at saya sa puso ko pero mabilis ko rin iyong sinikil dahil mali iyon kaya ng makabawi marahan akong ngumiti at tumango. Parang nagulat pa ang lalaki at namangha sa ginawa kong pagngiti sa kanya kaya nagsalita na ako.
" Nauunawaan kita Azul, Gagawin ko ang lahat ng kaya ko para matulungan kita kagaya ng ginawa mong pagtulong sa akin at sa pamilya ko. Pero ang ibili mo ako ng sobra pa ay hindi na tama! Maaari siguro ay yung mga gagamitin lang na mahalaga kung may okasyon o events na maaaring maisasama mo ako. Mahalaga ang bawat sentimo kaya sana kahit marami kang salapi ay pahalagahan mo. " Mahabang sabi ko sa lalaki. Hindi naman ako sa nagpapa-bida sa kanya gusto ko lang malaman niya na hindi ako mahilig sa ganung bagay at may mas dapat pangunahin.
" Okay, Sige ibibili lang kita ng ilan na damit dito para incase na may biglaang lakad. I will decide kung anong style ang susuotin mo okay!" Sagot naman ng lalaki sa sinabi ko sa kanya wala naman akong choice kundi ang sumang-ayon at tumango na lang.
"Go with the flow Mariemar.. " Kumbinse ko sa sarili ko. " Ngitian lang natin ito!" Muling sabi ko sa aking sarili.
Pumasok na kami sa loob ng boutique may mga sumalabong sa amin na sales lady. Mukhang sa lalaki kong kasama ang focus nila at hindi ako pinapansin. Sa bagay mapapansin ba ako e, simpleng babae lang ako. Mukha nga akong basahan kumpara sa kanila dahil nga wala akong ayos. Samantalang sila ay bisteng biste at puno ng kolorete sa mukha.
" Hi Sir— Welcome po!" Magiliw na bati ng mga sales lady kay Azul. Tumango lang si Azul sabay baling sa akin at ngumiti.
Ito ang unang beses na nginitian niya ako. Yung ngiti na para bang sinasabi niya na angat ako sa mga babaeng narito.
Nangbalingan ko ang mga babae ay kitang kita ko sa mata nila ang inggit at tanong kung bakit ako sa dami-dami ng mga babae? Gusto ko sana na wag maapektuhan, pero feeling proud ako dahil sa naging aksyon ni Azul at reaksyon ng mga babae.
"Come here Ma ko!" Malambing na sabi ni Azul. Tila ba tunay na tunay ang pagkakasabi nito at hindi nagpapanggap lang. Agad naman akong lumapit sa lalaki at nabigla ako ng hapitin nito ang aking bewang at dampian ng halik sa noo.
" Always remember that you're more beautiful than them kahit wala kang kolorete sa mukha. Your simplicity makes you more special to anyone." Bulong sabi ni Azul.
Doon biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko at parang tumaas ang self esteem ko. He's good at boosting self confidence.
" Thank you! Azul" Puno ng sinceridad na sabi ko. Pangalawang tao siya na nagsabi na maganda ako kahit simple una syempre si She, na kaibigan kong matalik.
" Remember no one can pull you down lalo't narito ako sa tabi mo. Let's start to have a good relationship as friends! Can we Ma ko! " Sabi nito na may ngiti pa kaya nginitian ko din.
Hindi namin alintana ang mga ibang matang tao na nakatingin sa amin dahil parang ngayon ay binuksan ni Azul ang magandang simula kaya ganun din ang gagawin ko
" Sure Hal ko! " Masaya at tapat na sabi ko sa lalaki na ikinangiti muli nito. Ilang oras palang ay maraming beses ko siyang nakitang ngumiti sobrang gwapo niya lalo at aliwalas ng mukha.
" Ladies, I want you to assist my girlfriend. Gusto ko ang mga damit na simple, hindi revealing yet elegant. And please treat her well ayoko ng itatrato n'yo siya ng iba. Do I make myself clear?" Baling na sabi ni Azul sa mga babae na mag aasist sa akin.
" Yes Sir! We will assist her well" Sagot ng mga ito na puno ng ngiti sa labi halatang nagpapacute kay Azul. Napailing na lang ako sa mga ito hindi ko pa kasi nagawa ang ganito sa lalaki.
" Ma ko, sama ka sa kanila. Choose whatever you want alam mo naman ang pasok sa mga sinabi ko. You're intelligent right Ma ko! ." Sabi nito sa akin.
Sumama ako sa mga babae nagulat akong biglang magsalita ang mga ito.
" Ma'am ang swerte mo kay Sir!" sabi ng isa sa akin.
" Oo nga ang pogi niya, tapos ang sweet pa Ma'am!" Sabi nung isang naglalabas ng mga damit.
" Hindi naman, tara sukat na ako baka mainip si Hal ko!" Feel na feel na sabi ko sa kanila. E bakit ba dapat naman masanay na nga ako diba? Kaya panindigan ko na Hal ko—ko siya.
AZUL..
Mula ng pumasok kami sa loob ng mall dama ko na at ease si Mariemar. Hindi ko alam bakit? Hindi siya komportable sa presensya ko gayong ako'y parang normal na normal sa galawan ko towards her.
Narating namin ang harapan ng boutique ngunit tahimik pa rin ang babae na nasa tabi ko. Nang kausapin ko naman ito ay talagang napatunayan ko ang magandang katangian nito. Ginulat naman kasi ako nito sa mga sinabi nito maging sa mga paliwanag nito sa akin. Totoong ngang kakaiba nga siya sa lahat.
Nang makapasok kami sa loob sinalubong kami ng mga sales lady. Medyo nakadama ako ng inis dahil ako lang ang pinansin nila samantalang deadma sila kay Mariemar.
Nabakas naman sa magandang mukha ng huli ang paghanga at pagkumpara sa kanyang sarili sa mga sales lady kaya naman sinabi ko ang mga bagay na makakapag-pataas ng self-confidence nito.
Sa totoo lang lahat ng sinabi ko ay purong katotohanan lang. Ayoko din na hahamakin o mamaliitin siya ng iba, tila nga kargo at obligasyon ko na alagaan siya at protektahan habang nasa poder ko siya. No one will hurt her. Sana ako mismo ay hindi ko siya masaktan