Naguguluhan man ako dahil sa mga mabilisan na kaganapan ay ayos na rin. Dahil ml akita ko ang bilis ng mga aksyon ng mga doctor dito animo'y vip kami. Bigla kong naisip na iba talaga kapag may pera ka. Lahat ay umiikot sa pera. Alam ko na masyadong delikado ang pinapasok ko na ito pero para sa kanila gagawin ko lahat.
Before ng operation ay pinagpa-alam ako ni Azul sa aking Lola at Tatay. Pero sa ibang paraan na kahit ako hindi ko na paghandaan.
FLASHBACK
" Kamusta po ang pakiramdam niyo?" Narinig kong tanong ng kung sino pero pamilyar na ang boses. Agad kong hinanap iyon dahil nga galing ako sa Cr, at nag-lamas ng bimpo na ipapamunas kay Tatay.
Halos mapamulagat ako at laking gulat ko ng makita si Azul. Mukhang tinototoo nga niya ang sinabi na ipag-paalam ako sa pamilya ko. Sana lang maayos ang pag-approach nito sa kanila.
" Sino ka Hijo?" Tanong ni Tatay sa lalaki.
" Ako po si Arthes Azul Hermoso. Alam ko pong masyadong mali ang timing ko para ipakilala ang sarili ko sa inyo. Pero kinuha ko po ang pagkakataon na ito para ipabatid sa inyo— that I and Mariemar are in serious relationship. Sa totoo lang po ay ayaw niyang ipasabi sa inyo dahil nga po sa conditions n'yo po. Ang kaso lang din po ay naiipit din po ako ngayon —dahil uuwi na po ang family ko at need na makita nila na stable and steady na ang relationship namin ni Mariemar. Pressure po sa akin dahil medyo minamadali ako ng pamilya ko to settle down. Don't worry hindi ko po mamadaliin sa ganoong bagay si Mariemar. " Mahabang sabi ng lalaki na para bang totoong totoo talaga lahat ng sinasalaysay niya. Mahusay nga siyang magdala at umarte. Lalag nga ang panga ko sa galing niya kung hindi ko alam ang totoo baka naniwala din ako. Hindi ko lang sukat akalain na iyong ganon alibi ang gagamitin niya na dahilan sa pamilya ko. Mukhang paniwalang-paniwala naman silang lahat sa pinagsasabi ni Azul.
" Ah ganun ba Hijo! Ganyan kasi ang ugali ng batang iyan e noon pa man. Napakaswerte namin sa batang iyan dahil kami lagi ang inuuna. Masaya ako dahil mukhang mahal na mahal mo naman ang anak ko, saka iyan naman ay nasa tamang edad na rin kaya wala akong rason para bawalan at tutulan. Ika nga'y may sariling isip na iyan at tuwid na wisyo. Ito lang sana hijo– sana ay 'wag na' wag mong sasaktan iyan ha! Dahil para sa amin higit pa iyan sa ginto o anumang yaman dito sa mundo lahat ng sakripisyo ni Mariemar sa amin maliit man o malaki at talaga hindi matatawaran. Nga lang at hindi maganda ang kabataan niya dahil parang hindi namin napadama ang tunay na pagmamahal at napahalagahan. Sana'y ang pagkukulang namin ay mapunuan mo. Hindi naman sa inu-obliga kita ha. At paalala ko lang rin sayo na kung ayaw mo na sa kanya sa anak ko ay isauli mo ng buo. Walang kulang o anong iniinda physical na sakit alam ko naman na matic ang sugat sa puso. Nauunawaan ko naman ang ibig mong ipabatid sa akin na gusto mong isama na muna siya. Ayos lang naman basta sana hayaan mo siyang madalaw kami at madalaw namin kayo. Saka Hijo maging tapat ka sa magulang mo the best iyon. " Gulat ako sa mga salitang binitiwan ni Tatay, simple lang naman iyon pero tumitimo sa aking puso.
Nabubusog ako ng pagmamahal sa mga katagang lumabas sa bibig ng aking ama. Pero mas ang kinagulat ko ay ang pagiging malapit nila agad sa isa't isa. Hindi ko nga namalayan na nakatayo lang pala ako ng matagal sa hindi kalayuan. Hindi ko alam kung sumagot pa ba si Azul kay Tatay.
Mabilis akong pumasok sa loob ng Cr muki ng biglang bumaling sa aking pwesto si Azul. Tila ba ako ang inaabot ng hiya sa mga sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ito para bang nahuli ako ng crush ko.
" Mali Mariemar, Mali hindi pwede masisira ang contract. Hindi pwede 'yon nakakahiya sa tulong niya." Bulong na kastigo ko sa sarili ko.
Hinayaan ko muna ng mapawi ang kakaibang nararamdaman ko bago lumabas na buong buo ang kumpyansa.
Gaya kanina magkausap pa rin si Tatay at Azul dahan pa nga sana ako maglakad ng biglang tawagin ako ni Tatay.
" Mariemar, Anak saan ka ba galing? Kanina pa dito ang Boyfriend mo." Sabi ni Tatay halos makalapit na ako pero nagulat ako ng hapitin ako sa bewang ni Azul, akala ko'y hahalikan niya ako sa pisngi o sa noo pero mali ako dahil ang labi ko ang tinumbok niya.
Napapikit ako hagya ko nadama ang kalambutan ng labi niya dahil nga mabilis lang ang pagdampi niya. Gusto kong beltukan ang sarili ko dahil parang bitin ako sa halik na iyon napukaw lang ako ng magsalita muli ang Tatay.
" Anak, buti na lang may lakas ng loob si Azul magtapat sa akin o sa amin. Hindi mo naman kailangan ilihim na may nobyo ka na. Alam mong hiling ko ang apo at kaligayahan mo. Saka nag-usap na kami ni Azul na sa sama ka na sa kanya bukas after ng operasyon namin ng Lola mo. Anak wag kang mag alala kayang kaya namin iyon. Basta dadalaw kayo sa amin ah. Congratulations mga Anak. " Seryosong sabi ni Tatay pero dama ko ang saya niya para sa amin.
" Patawad Tay, kung ito ang unang beses na magsisinungaling ako sa'yo/ sa inyo. " Piping usal ko, habang nakatingin kay Azul na nakatingin naman sa aking Tatay.
END OF FLASHBACK
Narito ako sa silid ni Tatay nailipat na sila. Madaling araw kasi ginanap ang operasyon nila. Kasalukuyan na 10 am na ng umaga galing na rin dito kanina si Azul, She at Dragen pero mga lumabas din muna hindi ko alam saan nag punta.
Si Doctor Marcelo ay makailang beses din na bumisita at chineck sila Tatay. Kinumpirma naman sa akin ng doktor na ok na ok na ang Tatay at Lola. Nakumbinse ko din si Azul na sa hapon kami umalis. Alam kong busy siyang tao pero iba naman itong kaso na ito kasi pamilya ko sila gusto kong umalis na panatag.
Bandang alas singko ng magpaalam na kami sa isa't isa, binilinan ko naman ang aking kapatid sa mga dapat na gawin.
Sinigurado ko din na lahat ng kailangan nila ay meron na, maging ang kakainin nila ay naibigay ko na ang budget. Kampante ako na iwan ko man sila maayos sila saka sa ibang bahay lang naman ako uuwi hindi ibig sabihin wala ng paraan para magkausap pa, may cp naman para makapag-kamustahan kami.
Nasa basement na kami ng parking lot ng hospital. Wala kaming imikan ni Azul ipinag bukas naman ako nito ng pintuan. Mabilis na sumakay ito at pinasibad na ang sasakyan. Ilang minuto na ang lumipas tahimik pa rin kami nakatingin ako sa labas pero hindi nakaligtas sa akin ang panaka-nakang sulyap ni Azul.
Hindi ko nga namalayan na huminto kami sa isang sikat na Mall kaya ng napansin ko ay tumingin ako sa lalaki.
" Walang gamit pambabae sa condo ko, bibili muna tayo. Saka walang stock doon. Ngayon pa lang naman mangyayari nag bahay bahayan na ito." Pagkasabi ng lalaki mabilis na bumaba akala ko nga'y iiwan ako pero mukhang gentleman naman ipinag-bukas pa rin ako ng pinto.
Halos ikawindang ko ng hapitin muli ako ng lalaki at hindi na bumitaw pa. Naglalakad kami papasok na ganun ang tarasa. Ako ay parang robot dahil hindi ko alam ang kilabot kong nadarama kung ako lang ba ang nakakaramdam ng ganun sa aming dalawa.
" Practice na ito— Ma ko!" bulong ni Azul sa tenga ko na halos mag pawala sa tamang ritmo ng puso ko.