Mariemar..
Naguguluhan ako sa mga narinig ko mula sa proposal, maging sa mga Do's and Don't. At kung ilan nga ba ang mga rules. Pero naisip ko nabibigyan naman ako ng kopya noon.
Sa totoo lang napaka tempting ng offer sa akin na inaalok nila. Sobrang tama nga si She sa mga sinabi sa akin. Dahil solve na solve nga talaga lahat ng mga problema at alalahanin ko dahil sa perang inaalok na 'yon kapalit ng pakikipagkasundo ko.
Maging ang mga check ups at gamot nila walang aalalahanin pa. Maging sa supply ng pagkain nila wala magiging problema kahit malayo ako sa kanila.
Pero hindi ko tuwirang mabatid ang aking damdamin. Kakaiba ang kabog ng aking dibdib lalo na't sa tuwing nag-tatama ang mga mata at nagakakahulihan ng tingin namin ni Azul. Tila ba parang gusto ko umoo na parang ayoko. Hindi ba't ang gulo ng pakiramdam ko.
Gusto ko sana na tanggapin agad dahil solve na lahat ng issues ko pag nag oo ako. Pero ayoko naman sa isang banda dahil mukhang dehado ang lagay ng puso ko. Bakit ko na sabi? Kasi nga ngayon pa lang panay na ang pasag ng puso ko para kay Azul tila ba ang puso ko'y hinahatak papunta sa kanya.
Ibang iba talaga ang hatak ng lalaking ito sa akin para bang kami'y may koneksyon at tamang magbuklod. Buong durasyon nga ng pag-uusap at pagpapaliwanag ay wala akong tuwirang nauunawaan. Bakit?
Malamang sa malamang nga'y kung saan-saan ako dinadala at tinatangay ng mga posibilidad na maaaring maganap once na mag yes ako. Tiyak nga kasi na walang urungan na iyon kapagkinasa ko na ang deal na inilahad nila sa akin.
It's either he wins or I lose at the end..
Natatakot ako sa mga posibilidad na baka mahulog ako sa kanya. The top rule is bawal akong mainlove kay Azul.
Bawal akong makialam sa buhay niya o panghimasukan siya. Higit sa lahat bawal akong umayaw sa mga ipapagawa niya lalo't hindi naman na violate ang karapatan ko.
The rules also include NO s*x.
Depende pa rin daw sa aming dalawa. Pwede mapag-usapan pa. Maaari naman daw idagdag kung sakaling may maganap. Lahat ay detalyado sa papel, isa isang inuulat iyon ni Azul na sinisegundahan naman ng Lawyer na si Mr. Allejo.
Napakakisig ng abogadong itong. Ngunit tingin ko at batid din ng iba ang hindi gusto nito sa ganitong usapan at pamamaraan, ngunit sadyang napaka-professional ng lalaki. Halos magtatapos na ang usapan ng marinig ko ang pag-iingay ng akin cellphone kaya agad kong sinipat ito.
Nagkagulo bigla ang sistema ko ng masipat na ang tumatawag ay kapatid ko. Ganito ako bigla ang ragasa ng takot at kaba. Tila pa may phobia na ako kaya agad akong tumayo at nag excuse.
" Sagutin ko lang po." Paalam ko at mabilis na lumayo sa kanila. Alam na alam kong may mga mata na nakasunod sa akin. Nang lingain ko ang salamin na dinding kitang kita ko ang mga tingin at titig ni Azul sa akin.
Agad naman na nawala ang atensyon ko doon ng biglang magsalita ang aking kapatid.
" A-ate asan ka ba? Si lola po nahihirapan huminga, sabi po ng doktor lumala ang komplikasyon niya kailangan ng maputol ang parte ng paa niya na malala na ang sugat dahil baka mas tumaas pa ang pagkabulok. A-ate baka daw umakyat sa puso ang impeksyon at baka atakihin si lola. Hindi nila daw masisiguro na makakaligtas pa si lola once atakihin. " Mahabang sabi ng kapatid ko na kalakip ang pagluha nito dahil panay ang singhot. Akala ko'y kay lola lang ang problema pero humugot ito ng malakas na pahinga.
" A-ate kailan ba ito matatapos? Si tatay bukod sa kidney stone may bato rin sa apdo kaya pala nagsusuka siya—"
" Ano? nagsusuka kailan pa?" tanong ko ng putulin ko ang pagsasalita nito.
" Kahapon Ate ng tulog ka, ayaw ipasabi kaso naabutan siya ngayon ng doktor na ganun sumusuka siya kaya nag laboratory agad nakita nga iyong bata sa apdo niya. Delikado na lagay niya dahil base sa ihi n'ya kulay tsaa na ito ibig sabihin ay na sa malalang stage na daw….. A-ate anong gagawin natin?" Halos hindi agad ako naka-react, bakit ba kasi sabay na sabay? ng mahimasmasan ako agad nagsalita dahil hindi na mahinto si Paula sa pag-iyak. Mahina kasi talaga ang batang ito sa mga ganitong problema.
" Shsss… 'Wag kang umiyak manalangin ka. Pangako gagawa ng paraan si Ate. Okay? Puntahan mo sila sabihin mo may solusyon na tayo. A-ate will do everything just to make them safe. Tahan na Paula. Ibaba na ni Ate ang tawag babalik din ako agad d'yan. " Wala ng urungan ito. Naigarantsa ko na sa kanila ang kasiguraduhan ng sagot sa problema.
Bikig ang aking lalamunan dahil sa pagpipigil ng emosyon. Sa totoo lang gusto kong mag lupasay ng iyak habang may taong mag-aalo sa akin at ipadarama na hindi ako iiwan. 'Yun bang sasamahan ako hanggang dulo ng lahat.
Mabilis kong tinahak ang lugar o pwesto namin para sabihin ng buong tatag ang sagot ko sa tanong at offer nila. Walang hinga na binulalas ko ang aking sagot.
" Payag na ako. Now na. Basta sasama ako once the operation is done. " After kong sabihin iyon ay walang paalam na umalis ako para puntahan sila dahil labis-labis na ang pag-aalala ko sa mahal ko sa buhay.
Alam kong maaaring hindi na ako makita nina lola at tatay after operation basta ang mahalaga ligtas sila. Alam ko at tanda ko na nagmamadali na si Azul, pero diba nga wala naman akong choice doon hindi ako pwedeng mag demand dahil ako ang may kailangan ng favor pwede naman siyang humanap ng iba. Nang narating ko ang kwarto nila ay wala doon sina lola at tatay naiwan lang ay ang Tita Eder ko.
" Mariemar.. Salamat Ineng ha at kung ano man 'yang ginawa mo para maasikaso sila agda ay talagang tatanawin kong utang na loob sa iyo.. Ahh nasa laboratory sila Nanay at Tatay mo kasi ihahanda nga sila para sa operation nila bukas din agad. Ineng thank you talaga. " Masayang sabi ni Tita Eder alam kong sincere siya dahil mabait naman talaga ito sa akin.
" Ganun po ba! Sana okay lahat sa kanila para diretso na nga bukas. " Ganting sabi ko naman tumango ito at nag senyas na idlip muna kaya ako naman ay lumabas na. Nagulat pa ako ng makita ko sina She, Dragen at Azul ang abogado lang ang wala dahil sabi ni Dragen nag tatantrums daw ang asawa nito.
" After ng operation nila bukas na bukas, pagpapaalam kita sa pamilya mo. I decided to do that para naman hindi sila mag-isip ng kung anu-ano. At maging dahilan pa ng ikababagal pa sa pagpapagaling nila. After that you'll need to go with me A. S. A. P . No buts Mariemar. Sana rin ay tanda mo ang mga bawal at pwede Mariemar. Don't worry may copy ka ng pipirmahan mo na documents. Sana magawa mo ng tama ang ipapagawa ko sayo. " Seryosong sabi ni Azul. Kahit kakaunti ang emosyon na ipinapakita n'ya tila ba alam na alam ko at ng puso ko na dati ay hindi ito ganito at puno talaga ng pagmamahal.
" Nauunawaan ko po! " tunay at tapat na sabi ko sa lalaki. Ngunit tila ba may mali akong sinabi dahil nangunot ang noo nito.
" Don't you know that Erra will definitely laugh at us pag narinig na pino-po mo ako. Walang mag boyfriend at girlfriend na nag po-po sa isa't isa. So you better have a convincing endearment to me at ganun rin ako sa'yo MAHAL.." Nang marinig ko ang endearment niya na mahal sa akin tila ba ilang libong kilabot mula sa aking gulugod pababa sa aking tuhod ang aking nararamdaman. Tila nga ito rin dahilan ng aking biglang panghihina dahil ang aking mga tuhod at gustong gusto ng bumigay o mabuway.
Ngunit pinilit ko ibalik sa wisyo ang aking sarili. Dahil kung sa ganito pa lang ay mahina na ako baka nga magkandaletche pa ang plano at hindi ako makatulong sa lalaki. Nakakahiya naman dahil una na ang bayad sa akin at dalawang mahal ko ang naligtas.
" Tama ka nga HAL KO, walang mag boyfriend at girlfriend ang nag po-po sa isa't isa. I'm sorry HAL KO." Kumpyansa na sabi ko sa lalaki mukhang nagulat pa sa tinawag ko.
Pakiwari ko'y sanay agad ang akin dila na tawagin siyang HAL KO. Hindi ko alam kung ako lang nakapuna na parang natigilan si Azul. Pero mabilis lang din at nagsalita na rin.
" Yeah wala talaga. And what's the meaning of HAL KO? Is that your endearment to me?" Maang na tanong ng lalaki kaya mabilis akong sumagot kasi mukhang walang pasensya si Azul.
"Yes, HAL Ko Is short for MAHAL KO." Proud na sagot ko tila naman parang tumigil ang inog ng mundo ko ng makita ko sa mga mata ni Azul ang pagkamangha at tama bang may pagyayabang din akong nahagilap doon.
" Impressive, so dahil diyan papalitan ko ang endearment ko sayo para synchronise tayo, MA KO." Ganting sabi ng lalaki na tila naman nagdala sa akin sa alapaap.
" MA KO….. MA KO…. MA KO.." Paulit-ulit na emecho sa aking isipan.
Nabalik lang ako sa aking sarili ng tapikin ako ng kung sino at nang matiganan ko ay isang mapaghinala na tingin ang sumalubong sa akin.
" MA KO at HAL KO. Tindi ng endearment niyo tipong parang pang totohanan na at pangmatagalan. Bes ingatan ang puri lalo na ang puso dapat sigurado ka. At wag mong maibalik sa akin yang mga sinabi ko Bes dahil para sa akin si Dragen na ang na The One." Bulalas ni She, kita naman ang kasiguraduhan niya sa lalaking napili.
" ISANG MALAKING SANA ALL! " sabi ko imbis sa na utak lang naibulalas ko pala ng malakas pa kaya agad tinakpan ni She bibig ko.
" Sorry! " sabay peace sign at inilinga ang aking mata. Magsasalita na sana ako ng magsalita mula ang kaibigan ko na mukhang hapet ang energy.
" Asus, hanap agad si HAL KO. Gaga ka tulaley ka kanina nagpaalam sila sayo. Dahil ayaw kong mapahiya ka, kaya sabi ko ako ng bahala sayo kasi pagod ka at kulang sa tulog. Sabi ko nga baka nag auto shutdown ang system mo dahil sa over na over ka na sa hirap at dusa." Malokong sabi ni She, pero nakakahiya dahil natulala pala ako. Nyemas na yan dahil talaga ito sa MA KO.
" She, sana makayanan kong hindi ma-fall! " Wala sa hulog na sabi ko sa kaibigan ko.
" Dapat lang Bes, lintik ka talo ka kapag nagkataon na ma-fall ka. At ang love life ko hinhinto at maapektuhan din." Sagot nito na nakapagpa-kunot ng aking noo.
" Wala Bes, tara puntahan natin sila doon. At magdasal din tayo ngayon pa lang na hindi ka maging isa sa mga mag dialogue ng—Pinagtagpo pero hindi Tinadhana. "Sabi ni She sabay bunghalit ng tawa at hila sa akin.
" Sana nga lord 'wag mo akong pabayaan." piping usal ko.
Natatakot akong malagay sa compromiso, ayokong masaktan ng higit pa sa dinanas ko. Pero kung may kahit katiting na chance baka isugal ko at magpakagaga ngang tunay din ako..
" Azul, Iba ang pakiramdam ko sa magiging bahay-bahayan natin. " Ang akala ko na bulong ay naisatinig kong muli.
" Bes back up mo ako lagi. Don't forget that. I love you Mariemar." imbis sumagot isang yakap ang iginawad ko sa kaibigan.
Si She lang ang totoong meron ako sa ngayon kasama doon si Paula at Tatay.