Begging For Love 13

2040 Words
" Ano!?" Mataas agad ang boses ng babae ng marinig ang sinabi ng lalaki na nobyo niya. " Pakiulit nga Dragen… Ahh wait I get it.. So, one of your friend needs help and that help ay manggagaling sa kaibigan ko. Kay Mariemar right! Oo andon na tayo sa babayaran niya naman ng tama o sobra pa si Mariemar. Malaking pera, Malaking tulong iyon pero hindi mo/n'yo ba naisip na babae ang kaibigan ko? Malaki ang possible impact sa kanya ng mga pwedeng maganap sa buong durasyon na magkasama sila. Hindi bato ang kaibigan ko at hindi santo ang kaibigan mo. Ayokong magunaw ng tuluyan ang mundo ng kaibigan ko. What if lang Dragen ma-fall si Mariemar sa kanay? Diba walang assurance na sasaluhin siya ng kaibigan mo. Buong buhay ni Mariemar puno ng sakit, pero salat na salat sa pagmamahal. What if madala siya sa mga galawan ng kaibigan mo? Paano kung biglang may mabuo, Edi talo ang kaibigan ko. Pano na yun Dargen ganun na lang tutal binayaran! Tapos pagtapos na ang kontrata kaibigan mo masaya ang kaibigan ko ngumangawa. Dragen ito ah real talk ko sayo. Kaya ka ba lumapit sa akin because of your friends hidden desire to Mariemar? Ginagamit mo/n'yo ba ako/kami?" Mahabang sabi ng babae na ngayon ay halos mangilid na ang luha dahil sa mga bumabadhang kaisipan kung ano ba ang katotohanan. Kung maging siya ba ay na gamit lang o ginagamit pa rin? . Kitang kita rin naman sa lalaki ang pagkabigla at takot natagalan pa nga ito bago nakahuma at ng makabawi walang salitang niyakap ng ubod higpit ang babae na ngayon ay tuluyan ng lumuluha. " Hindi totoo yan! Alisin mo sa isip mo 'yan. Mahal kita at to clear things to you ay kaya kita nilapitan kasi naiiba ka sa lahat at tanging ikaw lang ang babaeng nakakapagpatuliro sa utak at puso ko. Please maniwala ka sa akin. And for your friend, Mariemar I will make sure na hindi siya madidihado dito kahit kaibigan ko si Azul babanggain ko siya. Kailangan din kasing matuto ni Azul ng leksyon and from what we've so to her magiging mahusay siya na taga pangaral at taga turo ng tamang gawi sa buhay kay Azul. Please stop questioning my love for you because I love you so damn much, kahit mala flash ang bilis natin ng maging tayo." Tila mahika naman ang mga salita ng lalaki at nag-patigil ng pagtangis ng babae.. Nasa ganon silang sitwasyon ng may lalaking tumikhim upang agawin ang kanilang atesyon. The man who just stole their moments is none other Arthes Azul Hermoso. " Dude, sorry to disturb your moments together, but you know why I'm here right? Can I talk to her now? I have no more time left isang linggo na lang ang magiging preparation namin." Dahil sa tuwirang paglalahad ni Azul nagkatinginan ang mag nobyo at nobya. Hindi naman napigilan ni She, na magsalita. " Hindi kita kilala, but for Dragen ipagkaka-tiwala ko sayo ang kaibigan ko but take it as warning na tototohanin ko rin na gagawin, hindi lang sayo kundi maging kay Dragen. Handa akong ilaban ng p*****n ang kaibigan ko remember that. At believe me kaya kong talikuran ang pagmamahal ko sa kaibigan mo once na naagrabyado ninyo ang kaibigan ko. Hindi lang ako basta mananahimik sa isang tabi at basta i-comport lang nag kaibigan ko. I don't care if you guys have money and power! Iba lumaban ang taong galing sa baba, patas kami pero kaya namin durugin ang mundo ng malalaking tao sa paraan namin. We know to value our love once kaya wag mong subukan na saktan si Mariemar. So please, ngayon palang kung hindi kayang panindigan ang usapan natin better to leave and don't show up your f*****g face. " Tils ibang tao si She, sa mga panahon na iyon. Nababatid naman sa mukha ng kanyang nobyo at tuwirang paghanga at hindi ang disappointment dahil sa mga na bigkas nito na mga salita. Mas kitang kita na mas lumala ang pagmamahal ng binata sa babae.. Kagaya ng napag-usapan isa sa kanila ang dapat magsabi kay Mariemar kaya kinailangan pang mag maiba taya nila. Ilang subok pa nga at si She, ang natalo kaya siya ang magsasabi sa kaibigan ng tungkol sa balak nina Azul. Labag man sa loob niya pero alam niya na malaking tulong ito sa kaibigan. Pilit niya rin na inukilkil sa utak na wala pa sa loob ni Mariemar ang humanap ng nobyo o karelasyon dahil pamilya muna bago landi ang motto nito. Dahil doon bahagyang nawala ang agam-agam sa puso niya. Sheryl… Hindi ko alam kung ilang urong sulong na1 nga ba ako para puntahan ang kwarto ng lola at tatay ni Bes. Para bang hindi pa man nagaganap ay malaki na kasalanan ko kay Mariemar. I really felt guilty. Pero paano kung para naman sila sa isa't isa? Paano kung siya na ang taong magmamahal ng tapat kay Bes? Pero paano din kung siya ang sisira sa buhay at puso ng kaibigan ko?. Ang daming paano na nag-salambayan sa utak ko. Dahil sa mahaba at malalim na isipin hindi ko napansin na ang taong iniisip ko kanina pa ay nasa harapan ko na. May nakakalokong ngiti ito sa labi. Nakuha pa nitong ngumiti kahit nag bigat nang sitwasyon niya. Ibang klase na babae talaga. " Bes !" malumanay na tawag nito sa akin. " Bes, okay ka lang? Kulang ka pa rin ba sa tulog? Baka naman hindi ka na pinapatulog ni Dragen? Baka bukas makalawa ninang na ako?" Sabi nito sa akin na sinabayan pa ng tawa na malakas. Alam kong sa likod ng mga tawa na iyon nakatago ang tunay na saloobin at damdamin ng isang Anak at apo na nahihirapan. Ganito kahusay ang isang Mariemar. " Loka hindi no! Nag-ingat kami kasi mahirap na maging mabilisan na magulang agad." Sagot ko sa kaibigan ko na biglang nagbago ang hilatsa ng mukha. Bigla naman akong bumunghalit ng tawa pagdating talaga sa ganun na aspeto ay iba ang kaibigan ko. Siguro nga'y dahil sa pinagdaanan nito. Minsan nagiging insensitive din ako sa mga topic ba binibigay ko.. " Sorry na Bes, Pero Bes may sasabihin ako sayo. Alam kong big help ito for you, solve na solve agad ang problema mo." Medyo alangan na sabi ko kaya napakunot ang noo ng kaibigan ko. " Ayoko magbenta ng kidney Bes, baka kailanganin ni Tatay e, Paano na lang di'ba kung iisa na lang kidney ko! " seryosong sabi ni Mariemar. " Gaga kulang pa kidney mo sa pang paopera at treatment ni tatay mo at lola. Saka, loka hindi ka basta pwede mag donate ng kidney dapat match kayo. Iba ito Bes, pero kung ayaw mo okay lang tutulungan naman kitang maghanap ng ibang paraan." Ganting sabi ko. Hindi naman sa dina-down ko siya biro ko lang para gumaan ang lahat kahit papaano. Pero mukhang naguguluhan talaga si Mariemar minsan talaga ganda lang meron ito at ayaw paganahin ang utak. Minsan iniisip ko na baka napagod na din ang utak niya kaya loading. Hala kung sabagay hindi ko pa naman nga pala naibabagsak ang proposal. Ang gaga ko din sa part na iyon kung meron lang ako kahit hindi na pumasok si Bes sa ganito. " Isa ka rin Bes e, sarap tirisin. Paano ako uurong e, wala ka pa namang sinabi sa akin? Ano ba! sabihin mo na kasi para makapag-desisyon ako agad. Kailangan ko na rin kasing umaksyon ng mabilis para masimulan na operasyon kasi habang tumatagal ang sitwasyon ni lola at tatay lalong lumala. Maging ang sitwasyon naming lahat mas nagiging mahirap. " Sumama ka sa akin Bes! Better na yung tao na 'yun ang magpaliwanag sa'yo para lahat ay klaro saka ka magdesisyon. Don't worry Bes, lagi akong narito for you kahit anong sigalot pa iyan damay ako kahit iiwas mo pa ako. Hindi lang tayo BFF diba? magkapatid din tayo Bes. Mahal na mahal kita Mariemar. " Madamdaming sabi ko, ewan ko parang ako ang takot na takot sa magiging contract agreement nila if ever pumayag si Mariemar na mukhang susunggaban niya agad ang alok para sa lola at tatay niya. Hinila ko si Mariemar palabas ng hospital tahimik lang ito walang imik o ni tanong manlang. Isang restaurant ang halos katapat ng hospital at doon naghihintay sina Dragen at Azul. Legit ang kaba ko. Tila ako ata ang sasalang sa nakakatakot na kasunduan dahil mala Ttunatambol ang dagundong ng dibdib ko. Narating namin ang lokasyon. Sinalubong at binati pa kami ng guard ng kainan. Akmang may isang waiter ang kakausap o mag aasiste sa amin ng biglang sumulpot si Dragen na nobyo ko at talagang masama ang tingin sa waiter tila masama ang timpla ng aking boyfriend. Pero nak-kanang puts talaga, Infairness naman waffu si koya. " Let's go na, Halika rito misis ko." Nagulat ako ng hapitin ako ni Dragen sa aking baywang. Umandar ang pagiging seloso ng lokong kolokoy na ito at talagang habang ginagawa iyon ay nakatingin pa rin siya sa waiter. Animo'y sinasabing sa kanya lang ako. Pero true naman sa kanya lang ako mula noon hanggang ngayon. Nang tingnan ko si Mariemar ay may ngiti ito na talagang tunay sa labi at mga mata alam kong masaya siya para sa akin. Ako man hangad ko at dalangin ko na lagi na siyang maging masaya kahit ngayon ay puro dusa pa.. Nagpatiuna kami ni Dragen sa paglalakad at sa hindi nga kalayuan na pwesto ay nakita namin si Azul at isang pang lalaki na hindi ako pamilyar ngunit halos kaedaran lang din nila siguro. Umangat ang tingin ko kay Dragen mukhang inaasahan naman nito iyon. " Lawyer, Misis ko." Maikling sagot nito kahit wala pa man akong tinatanong. May abogado ibig sabihin itatala lahat mukhang hindi naman na dehado sa legal matters pero nag major concern talaga ay ang puso. Nang makalapit na kami sa lamesa na inuukupa nila ay mabilis tumayo ang dalawang lalaki at agaran din na nagpakilala. Bahagya pa nga akong na pasulyap kay Mariemar na mukhang gulat ng makita si Azul. I knew it, that man gets her attention. Mukhang tumatagilid na ngayon pa lang ang bangka namin. " Hi I'm Arthes Azul Hermoso, Dragen's friends and this one here is also our friend's Timothy Brent Allejo and s'ya ang magiging legal guide natin. Oh sorry, nakalimutan ko, have a seat guys." Ipinaghila pa nga kami ng upuan mga kalalakihan. May kakaiba kay Tim, para bang he's not okay sa ganito. At para bang kilala ko siya yun bang nagkita na kami. Siya man ay panay rin ang sulyap sa akin. Pero ang loko kong boyfriend panay cover sa akin. Mukhang ayaw ng lawyer na ito sa ganitong klaseng usapan o sa tatakbuhin pa ng pag-uusap. Maraming mga pasakalye pa ang naganap bago pa nila matumbok ang tunay na isyu o pakay. " Po? Ako po? magpapanggap na girlfriend mo? tapos babayaran mo ako ng ilang milyon po ulit? at sa condo mo po ako titira A. S. A. P? As in now na agad-agad pag-pumayag ako? Paano naman ang lola ko at tatay ko?" Mukhang ayaw mag sink in sa kaibigan ko ang offer. Mukhang timang nga din siya buti maganda talaga. Ikaw ba naman ang ma offer-an ng 2 million para lang doon sa kontrata na magpanggap na girlfriend/live in na kuno . Nanatili ang katahimikan until Mariemar phone ring.. " Sagutin ko lang po. " Sabay tayo nito at layo ng konti kita ko na natigilan ang kaibigan ko at parang pinipigilan ang pagsabog ng emosyon. Mabilis itong bumalik at isang nakakagulat ang sinabi nito.. " Payag na ako. Now na. Basta sasama ako once the operation is done. " Matatag ang pagkakasabi nito pero kitang kita namin ng umaagos ang mga luha nito. Mukhang matindi ang emergency. Nakita kong umiwas ng tingin ang abugado sa gawi ni Mariemar at sa gawi ko. Iyonh tipong ayaw na kaming masulyapan. Pagkasabi naman ng kaibigan ko ng mga salitang iyon ay mabilis itong umalis ng walang paalam. Nakita kong may dinukot si Azul sa bulsa ng kanyang baro. Cellphone pala at mukhang may tatawagan maya maya lang ay narinig ko ng nagsalita ito. " Do your part now."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD