Begging For Love 28 Burn

1386 Words
Mariemar " Breathless kiss…. Breathless kiss…." Parang dumadagundong ang salitang iyong sa aking buong sistema. Tila rin waring humihinto na ang gulong o pag-inog ng aking mundo ibang iba ang epekto ni Azul sa aking buong pagkatao. " Is this for real? " Malaking tanong na sa sarili ko, na waring maaarok ko lang rin ang mga posibleng sagot sa aking sarili. Pero ang totoo talaga na malaking tanong dito ay kung totoo ba, sincero ba siya at hindi lang ba talaga basta panaginip itong nangyari sa amin ni Azul? Gusto ko naman ang malagay sa ganitong sitwasyon, I mean kami ni Azul pero sa ngayon na biglang nangyayari sa amin ay parang ang bilis naman at parang instant naman agad-agad ang hiling ko. Parang tunay na may kakaibang intesyon ang lalaki sa akin at tila rin ba may kung anong nag-uudyok sa akin na 'wag muna maniwala agad. Dahil para bang isang bitag lang ito nanakaumang o nakahatag sa akin, at tunay na nakakalamang na sa bandang huli ay ako lang rin ang papatayin sa sakit kung magkamali ako ng pagpili. Hindi ko alam na kasabay ng salimbayan na mga isipin ko at alalahanin ay pigil na rin pala ang aking paghinga. Natauhan lang ako ng hagya o baka nagkamalay lang saglut sa tunay na ganap ng madinig ang alalang tinig ni Azul para bang ginigising ako ng lalaki. Alam ko naman na hindi ako tulog sa kasalukuyan pero waring dahil sa mga sinabi ni Azul ay nakulong ako sa isang dimensyon o portal kung saan ako lang at mga isipin ko maging alalahanin lang ang naroroon. " Hey Mariemar, Mariemar are you okay? Hey babe! C'mon answer me! s**t!" Sunod sunod na sabi ni Azul na may kasamang mahihinang alog ng umpisa na kalaunan ay lumakas na. Batid kong ginagapangan na ng takot ang lalaki dahil wala akong responde sa kanya mga pagtawag at pag-alog. Ngunit parang ayaw pang bumalik ng aking sarili sa totoong mundo. Hindi ko rin naman madama ang pagkakulang o kakapusan sa hininga ko, parang normal lang iyon at pakiwari ko ay unti-unti na akong lumulutang kung saan man ito patungo. " Oh God, Babe! C'mon come back. I'm sorry if I act too much or demand too much from you. I'm sorry holy s**t babe!" mga huling kataga na narinig ko bago ako tuluyang dalhin muli sa kadiliman. " Great self, Sobrang weak natin!" kanchaw ko sa sarili ko bago nawala sa tunay na sirkulasyon at maglakbay sa isang panaginip. Panaginip o hinaharap….? " Ma-ma, ma-ma! " malambing na tawag ng tantya ko ay mga bata na nasa edad dalawang taon lang dahil bulol pa. " K-kuya, Why Ma-ma doesn't wake up?" Tanong ng boses batang babae sa kuya niya. " Ahmm… M-maybe Ma-ma is tired of taking care of us. So let her sleep muna Bebe girl, let's play muna so mama will get enough sleep!" Sagot naman ng batang lalaki sa kapatid niya na batang babae. " Otey po! Let's go kuya. Sayang naman kasi, I just want to ask mama lang kung pwede niya ulit, ikwento si Dada. Why kaya kuya wala tayong Dada?." Halos tumalon sa kaba ang aking puso at alam kong bumabalong na rin ang aking mga luha dahil sa aking narinig mula sa mga musmos na bata nahahabag ako sa paraan ng pagkakatanong nila sobrang soft yet very innocent. Tila ba ako nga ang kanilang ina at wala silang ama na kapiling. Isa ito sa pinaka ayokong mangyari sa aking mga future na anak hindi ko alam kung kakayanin ko o pilut kong kakayanin lang para sa kanila. Ngunit nagulat ako ng sumagot muli ang batang lalaki sa mga inosenteng tanong ng kapatid niya na batang babae. " Maybe Dada doesn't know about our existence bebe girl? Or maybe Dada doesn't want us in his life! Ang mahalaga naman bebe girl diba ay— mama and I love you very much bebe girl, always remember that okay! Let's play na bebe girl but be quiet so we won't disturb mama!" Tila ba pinunit na o napunit na ng tuluyan ang puso ko sa narinig kong tinuran ng batang lalaki. They're too young to understand that kind of situation but here they are pilit na inuunawa ang mga problema na pang matanda na maaaring gawa ng mga magulang nila. Patuloy ang pagtangis ko dahil sa mga salitang iyon. Gustong gusto ko silang makita pero tila ayaw talagang makisama ng aking mata. Pilitin ko man na idilat ang mga ito, ngunit parang nakadikit ito ng pandikit na ubod kapit. ************ " Hey! don't scare me like this, Mariemar! Why are you crying babe? Please wake up!" Mga salitang nagbigay malay sa akin at nagbalik ulirat. Bakit ganun biglang parang nawala ang dikit sa aking mata at maalwan ko itong naimulat na ng si Azul na ang madinig ko? . " Thank god! Kung hindi ka pa nagising isusugod na kita sa hospital. I'm so scare Ma ko. I'm sorry kung minadali kita Mariemar. I'm so sorry Ma ko!" Paulit-ulit na humingi ng tawad si Azul. Kung tutuusin wala naman siyang mali dahil ako ang hindi nakayanan ang mga sinabi niya sa akin. Gusto ko man na sagutin siya sa mga sinabi niya, pero natatalo ng mga alaalang dala ng panaginip ko kanina ang aking isipan. Not until marinig ko ang sinabi niyang muli. " For now, forget what I've told you a while ago. Pahinga ka ulit—" Pinutol ko ang sasabihin nito dahil buo na ang desisyon ko na mag take risk. Kung mga anak man namin iyon sisiguruhin ko na magkamali man ako sa ngayon ng desisyon ay, gagawin ko ang lahat maibigay lang ang lahat lahat ng pagmamahal at makakaya ko mapunan lang lahat para sa kanila. Kung hindi kasi ako susubok maaaring mas manghihinayang at pagsisihan ko lang. It's now or never, This is a chance for me. Mali hindi lang para sa akin ito kundi para rin kay Azul para sa bagong simula at tamang pagkakatama ng kanyang paniniwala. " I accept your proposal Azul. Let's try it! Walang mawawala diba kung susubukan natin, pero kung hindi natin susubukan maaari pa tayong may panghinayangan sa buhay na sanay sumubok tayo." Mahinahon na sabi ko sa lalaki na mukhang mas na mangha sa mga sinabi ko at hindi agarang nakahuma sa aking mga sinabi sa kanya. " A-are you sure Ma ko? " Tanong ni Azul ng makahuma na ata. Isang tango ang sagot ko ng una bago ng salita. " Yes Hal ko, I'm very much sure. " Mahinang sagot ko muli sa lalaki dahil medyo nahiya ako. Imbis na sumagot ang lalaki sa akin ay isang maalab na halik ang iginawad ng lalaki sa akin. Sa una ay hindi ako makatugon kanyang halik dahil na rin sa pagkabigla. Ngunit ng makabawi ay buong puso kong tinanggap ang halik na alay ni Azul. At ang maalab nito na halik ay unti-unting naging malumanay, puno ng pag-iingat ay parang may pagmamahal na kasama na. Wari rin na ninanamnam din ng lalaki ang bawat pagsasanib ng aming mga labi parang na puno ng mga paru-paro at bulaklak ang paligid. Nagsimula na rin na maging malikot ang kamay ni Azul kung saan na ito dumadapo at malaya ko itong tinanggap, pero kalaunan ay ang lalaki na rin ang pumutol ng aming masuyo, mainit at kakaibang paghahalikan. " I need to stop Ma ko, kundi ako titigil it's either sa kama ang bagsak natin o baka sa hospital ka makakarating dahil hindi ako makakapagpigil." Pilyo ang paraan ng pagkakasabi ng lalaki sa akin. Agaw pansin na rin ang namumulang leeg at mukha ni Azul. Hindi naam ako tanga at nuknukan ng inosente dahil alam kong darang na darang na ito sa pinagsaluhan namin. Maging ako rin naman ay darang na darang na sa init na hatid ni Azul sa akin. Init na sa kanya ko lang gustong paulit-ulit na madama. Init na tumutupok sa mga alalahanin ko. Init na gustong gusto ko na bumalot sa akin. Init na ayaw kong mawala sa akin pandama at sistema. I want to always feel the fire in me. I want heat from Azul's body. Burn me in pleasure Azul. Mga kalandian na gustong gusto ng kumawala sa akin dahil binuhay ni Azul ang aking kamalayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD