Azul
Hindi ko na maarok sa sarili ko kung bakit biglang nagbago na lang basta ang desisyon ko na nauna. Sa isang iglap naging vocal ako sa babaeng kanina lang hinaharot ko. Akala siguro ni Mariemar ay puro banat lang iyon at kalokohan, pero ang totoo ay iyon naman talaga ang laman ng puso at isip ko. Kakatwa na bumalik ang dating gaan at sigla ko sa pakikipag-usap sa ibang tao.
" Baka mahal mo na talaga?" Sigaw ng aking isipin na ikinangisi ko lang.
Naging masarap nga ang tulog ko mag mula pa kagabi ng matulog kaming sa iisang kama, kaya siguro ganadong ganado akong magpakatotoo sa dalaga. Aliw na aliw naman ako sa mga kakaibang reaksyon ni Mariemar sa tuwing mag bibitaw ako ng mga tirada ko.
I'm sure if Dragen was here and already witness what I did to her, Malamang aabutin ako ng katakot-takot na kanchaw sa kanya. At baka nga kumalat pa sa ibang mga kaibigan namin hanggang sa makarating pa sa mga ina namin. Ang inaalala ko at pinaka malala pa ay baka ma i-post pa nila ng sabay-sabay sa social media.
Naiwan ako sa aming silid na inuukupa ni Mariemar. Tila ba ngayon lang ako nakaramdam ng pagbibinata. Maging ang nakaramdam ng malalang paghanga sa isang dalaga. Nanatili pa ako na nakahiga sa aming kama, pagdaka ay panaka-naka ko pang inaamoy ang unan na gamit ni Mariemar.
I really love her natural scent nakakagaan ng pakiramdam pero kalaunan nakakabaliw naman. Ginugulo lagi ang sistema ko at parang ibinabalik ang giliw ko sa pagromansa.
Nang naramdaman ko na ang agarang pagsaludo at pagkabuhay ng aking kupadre ay dali-dali na akong bumangon upang kalmahin ang init na meron ito.
This is not the usual me. Sa buong durasyon ng aming relasyon ni Erra I've never been like this. Gusto ko kasi na gawin namin ang mga bagay na iyong pag-naharap ko na siya sa dambana ng poong maykapal. Ngunit kay Mariemar tumataas lagi ang init sa aking buong katawan at parang kay hirap ng pigilan dahil parang itong sunog na mabilis kumalat pero mahirap apulahin.
Nakakahiya man ngunit hindi ko pa nararanasan ang mag sarili. But here I'am hinagangod ang aking kumpadre. Hindi ako santo iyan ang totoo. Yes hindi ko nagawa na sipingan si Erra during our relationship. Sabi ko nga hindi ako santo, because before ko siyang naging nobya ay mayroon na akong mga naging eksperyensa sa ibang babae. Parang isang initiation ata sa amin iyon ng aming mga ama binyag daw para naman hindi nangangapa sa una.
Nagulat pa nga ako ng mai-reveal nila sa amin na si Ninong D' ay virgin nung may maganap sa kanila ni Ninang Em. Grabe meron pa palang ganun na lalaki.
Kung sa bagay iba ngang tunay ang paraan na magmahal ang mga Demoso. Akala mo lang mga bato at gago pero ang totoo tapat namang tunay at seryoso. Kung umibig sadyang todo-todo. Parang ganun din naman kaming lahat mana mana na nga ata.
Maraming kwento sa bawat mga Ninong namin at may mga anak na nga din nakakakuha ng ganun na mga trait o attitude. Ako nga raw sa aming magkakapatid ay parang sa angkan ng mga Hermoso kumuha kaya daw ganito ako ka seryoso sa buhay kahit bata pa. Ewan ko hindi ko naisip na makipaglaro lahat rumi-rehistro sa aking ng seryoso.
Mabilis lang akong naligo upang makalabas agad at mahanap kung nasaan na si Mariemar. Gustong gusto ko kasi na nakikita ang kanyang hindi makapaniwala na mga reaksyon sa bawat bitaw ko ng salita. Balak pa nga ako ng huli na ipatawas dahil akala ata ay pinaglaruan ako ng mga lamang lupa kaya ako biglang naging ganito.
Pero ang totoo siya at ang pamilya niya ang dahilan bakit ako biglang nagbago. Suot ang isang white cotton t-shirt ang at isang Gym short dahil plano ko sanang ayain si Mariemar sa labas para na rin sana makapamasyal at mag jogging na din.
Nang makalabas ako ng aming kwarto agad kong hinanap si Mariemar. Mabilis ko lang naman itong natagpuan dahil may kaliitan lang ang bahay nila. Maliit pero masarap tirahan, bahay na bahay ang dating nito. Iyon bang may uuwian kang pamilya na laging naghihintay sa pag uwi mo galing sa buong maghapon na pagbabanat ng buto.
Pinakatitigan ko muna ang babae na busy sa pagsipat ng mga pagkain sa kusina na. ay takip, hanggang sa magtimpla na ito ng dalawang baso na kape. Mabilis ang naging paglapit ko sa babae ng makita kong tapos na ito sa ginawa niya walang sabi sabi o ingay na nakalapit ako dito.
Isang mahigpit na yakap ang iginawad ko sa babae mula sa likurang bahagi, kasabay noon ang pagbaon ko ng aking mukha sa napakabangong leeg ni Mariemar. Medyo tumagal iyon na sinabayan ko ng magagaan na halik maging panay na rin ang mahihina kong salita at bulong. Nahinto lang ako ng walang reaksyon na makuha sa babae doon ko nakita na parang pigil na pigil na itong huminga.
Ilang beses ko itong tinawag ngunit parang wala ito sa kamalayan. Dilat ang mata ngunit wala sa sarili niya. Mas binayo ako ng takot at pagsisisi ng tuluyan itong pumikit mabilis ko itong pinangko at dinala sa aming silid. I know how to do the first aid kaya naman pinilit kong kumalma ng magawa ang dapat gawin. Una ay agad kong tsinek ang heartbeat niya. And thank god it normal. Huminga na ito ng ayos kahit nag collapse. Mas huminga ito ng tama ng mawalan ng malay kaysa kaninang dilat pero nagpipigil ng hininga.
Hindi ako umalis sa tabi nito dahil sinisisi ko ang sarili ko kung bakit umabot sa ganito pa ang sitwasyon ng dalaga. Hindi pa nga siya handa at tunay ngang binigla ko siya sa mga naging asta ko.
Isa pa baka iniisip niya na bigla ko na lang itigil ang contract gayung bayad ko na siya. Baka natatakot na bawiin ko ang pera ngunit wala iyon sa aking isip. Magising lang agad siya hihingi ako ng tawad at sasabihin na kalimutan na lang lahat.
Lumipas ang isang oras at talagang natatakot na ako kahit pa nga alam kong stable na siya ay plano ko ng dalhin siya sa pinakamalapit na pribadong Hospital kung hindi pa muling magigising.
Wala dito si Paula at ang Tatay kaya kami lang talaga. Dahil din sa isipin na iyon kahit anong gawin ko ay hindi ko mapakalma ng husto ang sarili ko. Pilit na dinadaanan pa rin ako ng takot na baka may masamang mangyari kay Mariemar.
Takot na ngayon ko lang ulit naramdaman. Takot na baka dahil sa akin mapahamak si Mariemar. Unti-unti naman na napalis ang kaba ko ng hagya at unti-unting idilat ni Mariemar ang kanyang mga mata.
Kaagad akong humingi ng tawad dahil sa ginawa ko. Sinabi ko din sa huli ang takot na nadama ko dahil sa pagkawalan niya ng malay. Nang akmang sasabihin ko na kalimutan na lang ang lahat ay pinutol ito agad ng babae.
Tunay na laging may panggulat at may pang pamangha sa akin si Mariemar. Iba siya sa lahat. Mas humanga ako sa kanya ng siya na mismo ang magsabi na aming subukan daw para walang panghinayangan o pagsisihan sa huli.
Kay tapang talaga ng babaeng ito. Sa huli imbis na sagutin ko pa ang mga sinabi ni Mariemar ay binigyan ko ito ng isang maalab na halik. Matagal pa ito bago tinugon ng babae. Halatang halata na hindi din marunong humalik ngunit agad din naman nakasabay. Ang aking maalab na alay na halik ay unti-untinh bumaba sa malumanay at banayad na halik.
Pilit kong ninanamnam ang bawat hagod ng aming mga labi. Aaminin kong naging malikot na din ang aking mga kamay na hindi naman tinututulan ni Mariemar. At dahil doon mahirap man na paglabanan ay ako na ang tumapos sa aming masarap, memorable at opisyal namin na halik. Opisyal dahil ibang lebel na ito, susubukan na namin.
" I need to stop Ma ko. Kung hindi pa ako titigil ay, it's either sa kama ang bagsak natin o baka sa hospital ka makakarating dahil hindi na talaga ako makakapag-pigil at nasasagad na din ang aking gigil." Pilyo ang paraan ng pagkakasabi ko nito sa babae. Natigilan ito kalaunan ay na mula na din.
Maging ako ay pulang pula dahil sa pagtitimpi ko na huwag siyang madaliin sa ganun na mga bagay ang mahalaga susubukan na namin kung papasa o hindi lang sadyang para kami sa isa't isa.
" Ikalma mo Kumpadre!"
One point for Azul… Naibulong ko sa aking sarili…