Begging For Love 30 Unawaan

1120 Words
Nakita ko sa mga mata ni Mariemar ang kakaibang saya, katanungan at takot. Nauunawaan ko naman ang damdamin niyang iyon dahil nga bago lang ito sa kanya maging sa akin din naman. Hindi ko pa ito nararamdaman noon. Siguro kaya ganun din ay dahil alam niya kung saan kami nag simula at alam niya din ang pwedeng maganap. Ngunit wala na akong pakialam pa doon dahil sa ngayon ay gustong gusto ko ang nararamdaman ko na kaligayahan ngayon sa puso ko habang kasama ko si Mariemar. I even considering na kalimutan na muna si Erra at subukan talaga ang samin ni Mariemar para ang gaan sa loob ko kung susubukan ko. Tama ang huli ng sinabi na subukan na nga namin para walang pagsisihan. From that I know she already had feelings for me. Hanga na din ako sa aking sarili dahil napigil ko ang init at gigil na nadarama ko sa dalaga ng mag lapat ang aming mga balat at labi. I feel that I need to respect her because she deserves it. Yun bang kailangan dahan dahanin ko lang para mas maging magaan, tumatatak at magiging memorable ang lahat sa aming pagsasama. Kanina bago kami mag agwat sa kanyang silid na aming inuukupa ay halos ayaw ko pa nga talagang tantanan ang kanya manipis na labi. A g sensasyon na umaalipin sa akin kanina ay ubod sarap sa pakiramdam. Kakaiba ang bawat pagdaite ng aming mga balat. Kay sarap ng kanyang mga labi na halikan ibang iba sa lahat para bang kaya nitong pawiin ang ng halik na iyon ang lahat ng mga alalahanin na meron ako sa aking isip at kalooban. Dahil sa isipin na iyon ay pumasok sa isip ko ang naging pag-uusap namin ni Tey, or Lester pinsan ng lalaking ito si Erra. Gago din ang lalaki na'yun! Ano ba ang magagawa ko —I'm too desperate to win my Erra that time. Hindi ko planado na si Mariemar ang magiging subject noon. Hindi ko alam na hanggang ngayon ay tuloy pa rin iyon. Hindi ko ata kakayanin dahil alam ko na kung masasaktan ang babae ay mas masasaktan na ako pa sa kanya. Hindi ko naman akalain na sa tagal ng panahon ay may maka-pagpapakita pala sa akin ng tunay na ganda ng buhay sa simpleng paraan. Na may magmumulat pala sa akin na maganda ang buhay kung susunod ka sa agos ng buhay dahil masisilayan mo ang maganda umaga na puno ng bagong sigla. " Hey! Okay ka lang ba Hal?" malambing n tinig na umuntag sa akin. Hindi ko mawari kung matagal na ba akong nakatulala lang sa kawalan " Hal! may problema ba?" Muling tanong sa akin ni Mariemar at dahil doon na balik ako sa aking sarili upang sagutin ang kanyang tanong. Pinilit kong ngumiti ng natural bago sinubukang kolektahin ang aking sarili at sumagot sa nag aalala na mukha ng dalaga. " Of course Ma ko, may mga iniisip lang ako na naiwan kong trabaho sa opisina." Nagpapasalamat ako at naitawid ko ng maayos ang aking sagot. Mabilis naman na lumamlam ang mukha ng dalaga. Feeling ko ako ang may kasalanan noon kaya magsasalita na sana ako ng maunaha ako nito. " I'm sorry! nahatak pa kita dito sa amin. I know you're a busy man. A responsible boss kaya iniisip mo ang mga naiwan mo doon. I admire you for that Azul. Hindi ka pa man tumutungtong sa late 30's but you're indeed a great man. Maraming napatunayan na sa buhay. Magiging great provider ka at mabuting kasama sa buhay sa mapipili mong kabiyak. But —Azul life is short naniniwala ako d'yan sana mag enjoy ka din huwag mong ikulong muna ang sarili mo sa lahat ng bigat o load na meron ka. Free yourself muna sa lahat just feel our vacation. I promise ipapasyal kita dito sa amin aaliwin kita. Pwede ba 'yun Azul? Pwede din bang ako muna ang maging pahinga mo?" Mahabang sabi ni Mariemar, na kitang-kita ang pag-asa na sumang ayon ako. Feeling ko sa mga binitawan na salita ng babae para bang napakalaki ng achievements ko sa buhay. Na mataas na ako sa lahat. But sa padulo na sabi nito ibang aliw ang sumayaw sa gunita ko, me having sexy time with her. Nagiging manyakol na ata ako pagdating kay Mariemar. " Ma ko, I'm sorry hindi naman work at work lang sng iniisip ko sadyang naisip ko lang na baka may nakaligtaan ako na importanteng mga dapat gawin 'yun lang naman. And honestlybI want your ideas. I think tama ka kailangan ko din magpahinga at mag off ng loadsblike stress. Ma ko, are you willing to make this vacation extra special with me?" palusot ko ng una pero sa huli totoo 'yun gusto kong maging memorable at espesyal ang lahat while we are here. " Really? Hal ko! " Gulat na gulat na sagot naman ni Mariemar. She's so adorable and simple things makes her so happy. That's make her so unique to everyone. Ang sarap damahin ng kanyang kainosentihan at bukal na katapatan. Ang pagkatao niya ay sadyang mahirap paniwalaan na may ganitong klase pala halos lahat nasa kanya niya. " Of course! Let's create memories here. Memorya na mahirap kalimutan at sadyang babaunin natin sa pagdaan ng panahon." Nakangiting sagot ko naman sa babae na sumilay ang magandang ngiti ngumiti pagdaka'y dumaan ang lumbay. Hindi ko malaman kung ano ba ang nasa isipan niya at bakit biglang lumumbay ang kanyang mukha. " What seems to be wrong? Did I say sometimes that makes you sad, Ma ko?" Mabilis na tanong ko sa kanya tila naman nagulat pa ito waring hindi alam na naging ganun ang kanyang reaksyon. " W-wala naman Hal ko, Masaya nga ako at gusto ko ang ideya mo na gumawa tayo ng magandang memories together. " Tila ba sa paraan ng pagsasalita nito ay may mga ilang gumugulo sa kanya. Alam kong may bahid ng lungkot iyon o takot na rin. Pinili ko na hindi na lang uriratin o ungkatin pa ang mga iyon. Ang mahalaga ay ipamalas ko ang pagiging totoo na ng nararamdaman ko sa kanya. Kaya naman walang salita na nginitian ko ito at mabilisan na hinila para sa isang yakap mahigpit na yakap. Ang yakap na waring, tumapos ng kung ano man na agam-agam sa aming loob. She's mine, that's all! Bahala na ang bukas basta i-entertain ko muna ang bagong damdamin na ito. Tama naman kasi na sumubok muna kahit pa nga parang kay bilis ng mga pangyayari. Ang mahalaga mayroon na kaming unawaan sa kung anong meron kami sa ngayon. Iyon muna siguro ang dapat panghawakan namin sa isa't isa at unti unti maaayos at susunod naman ang iba pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD