Begging For Love 31 Happy moments

1939 Words
Mariemar Hindi na pala mawala-wala ang ngiti sa aking labi halos kanina pa, at dahil ito sa nakikita ko na kasiyahan at aliwas sa mukha ni Azul habang nakikisali sa gulo ng mga kamag-anak ko. Masayang masaya siya sa biruan at asaran ng mga ito. Pakiwari ko naging ka close ko ang mga pinsan ko in an instant ng dahil kay Azul. Mapapansin kasi talaga nino man na may kakaiba sa kanila ngayon. Ayon na rin sa tunay na pagtrato nila sa akin noon pa nang wala pa si Azul sa eksena. Masaya naman na din ako dahil kahit paano ay maayos sila na nakisama sa aming bisita. Gusto ko kasi masayang alaala ang dala ng pagbisita ni Azul dito sa amin. Sa totoo lang naaaliw ako ng sobra dahil sa nakikita ko ngayon ang ibang katauhan ni Azul, at masasabi ko na mahusay ang kanyang mga magulang sa pag-akay sa kanilang anak dahil sa husay ni Azul makibagay sa mga tao sa paligid niya. Simple lang kasi ang mga ito at hindi sila maarte sa mga pagkain, lugar at kung sino ang makakahalubilo . Pero sa totoo lang hindi ko lang din maiwasan na isipin kung bakit ba tila kanina ay nahulog si Azul, sa malalim na pag-iisip. Sa saglit na sandaling iyon nabanaag ko ang kalituhan, takot at pangamba. Hindi man ako eksperto na tao upang basahin ang mga reaksyon ng tao ayon sa bumabadha na guhit sa kanilang mga mukha ay alam kong hindi lang iyon basta dahil sa trabaho na siyang dahilan ni Azul kanina. Ngunit pinilit kong manahimik na lang at hayaan na ito ayaw kong isipin niyang usisera ako at feelingera. Naisip ko rin naman na baka darating din ang panahon na siya na ang kusang magsasabi sa akin ng mga nasa isipan niya maging ang mga takot at bumabagabag sa kanya. Hindi ko tuloy mapigilang mas lumaki ang aking ngiti. At dahil doon hindi ko na namalayan na nasa akin na pala ang atensyon ng lahat ng mga kasama namin. " Mariemar, Ano ang ngiti na 'yan? Ngiti ng parang na engkanto ah!" Buska agad ni kuya Thor sa akin na nilangkapan pa ng nakakaloko na tawa. " Kuya naman! Bakit ba ganyan ka kay Ate Marie? Baka kaya masaya siya kasi for the first time naging mabait kayo sa kanya! " Sansala naman ni Nestie na kapatid ni Kuya Thor. Hindi ito pala kibo sa akin pero hindi din ito bastos makitungo na parang hangin ang trato sa akin gayang Ate at Kuya niya. Nakakakilala pa rin ng mas matanda si Nestie kahit pa nga iba ako sa kanila. " Oh bakit? Biro lang 'yun e! sanay na si Mariemar d'yan sa ganyang pang-aasar ko. " Medyo mababa na ang tono ni Kuya Thor, nawala na rin ang nakakaloko na ekspresyon ng mukha nito. " Hindi maganda ang biro mo Kuya! Umayos ka naman! Huwag niyo na ipakita ang ugali niyo sa bisita!" Muling sabi ni Nestie at pagdakay tumalikod na agad papasok sa bahay nina lola. Narito kasi kami sa may labas at pinaka-garahe ng sasakyan ng kinakapatid ko na kapitbahay lang din namin. " Pikon ka lang..! Pa bida ang puta! " Pasigaw na sabi ni Kuya Thor. Lagi naman talagang nagkakairingan ang mga ito dahil nga ibang iba ang ugali nila sa isa't isa. Magkaibang magkaiba rin kasi sila sa mga pananaw sa buhay kahit magkapatid sila. " Tsk.. Tama na! Wala na ba kayong hiya man lang sa bisita?Wala na rin bang matanda at bata sa inyo? Nakakahiya sa bisita! Sinong pinagtatalunan niyo ba na naman? —si Mariemar lang 'yan! Walang bilang 'yan sa pamilya natin." At heto na naman si ate Lhyn ang panganay sa lahat ng apo. Anak ito ng tiyuhin ko na pangalawa sa magkakapatid ang Tatay naman ay ika-apat. Sana'y man ako na laging ganito ang salita niya/ nila sa akin ay kakaiba ngayon. Tila ba hiyang-hiya ako at nasasaktan dahil na witness pa ni Azul ang pagiging ganito nila sa akin. Saling pusa ako at outcast talaga sa kanila noon pa man. Never nila akong tinanggap o matatanggap. May mga pinsan naman ako na nasa malayo at masasabi kong sila rin yung maayos ang pakikisama sa akin. Tanging itong mga nasa malapit talaga ang mainit ang ulo sa akin noon pa man lalo't napupuri ako ng iba. " Akala ko pa naman magsasalita ka ng wasto Lhyn, dahil matanda ka! Isa ka pa rin pala! Nasaan ang mga utak niyo? Kung tutuusin mas malaki ang ambag ni Mariemar sa pamilya itong. Si Mariemar ang naghihirap sa lahat tapos sa kapagbibida ay kayo naman ang pumu-fronta. Matigil na kayo! Marienar umuwi na muna kayo at iwasan ang mga taong mahusay sa iba makisama ngunit bulok sa kapamilya! " Bakas na bakas ang galit sa boses ng Tiyuhin namin na matandang binata. Si Unteng Rene ito sabi ni Tatay pilosopo daw ito, pero para sa akin nasa tama lang at lumu-lugar sa wasto ang mga salita nito. Dahil sa mga sinabi nito mabilis na umalis ang pinsan ko na babae, kakatwa na nawala na rin ang iba pa. Dahil sa mga sinabi ng aming tiyuhin kaya naman mabilis na bumalik ako sa katotohanan. Doon ko palang naitunghay ang aking ulo. Sa pagtunghay ko na iyon nakasalubong ko ang mata ni Azu. Nangungusap ang mga ito. Waring nauunawaan ako sa pangyayari na naganap. Isang masuyo na ngiti ang binigay sa akin ni Azul na sinuklian ko ng alanganin na ngiti naman. Sa mga simpleng ngitian namin nawala yung bigat at tensyon na nararamdaman ko dahil sa sagutan kanina na ako ang pinag-ugatan. Si Azul, na ang unang naka-kilos at lumapit sa akin. Magaan na hinaplos nito ang aking likuran, at matapos iyon ay inipon nito ang mga kalat na hibla ng aking buhok at iniipit sa akin taenga. Walang mga salita ang agad nanamagitan sa aming dalawa. Tila ba kaming dalawa lang ang nasa paligid, sa aming titigan ay ako unang nakabawi at nag-iwas. Sa mga titig ni Azul nababanaag ko ang galit, pagnanais at pag-aalala. Galit dahil sa mga salitang siya mismo ang nakarinig. Pagnanais naman na sumagot at ipagtanggol ako kahit pa nga hindi naman na dapat, at ayaw kong maging masama siya sa paningin nila. Pag-alala— na baka lubos kong damdamin ang mga salita sa akin ng mga pinsan ko. Sanay na ako sa sakit na dulot ng mga ito. Alam ko na hindi na kailanman gaganda ang turing nila sa akin kahit anong mangyari o gawin ko. Hindi ko alam bakit nasalamin ko iyon sa mata ni Azul. Oh sadyang baka dahil iyon ang gusto ko na maramdaman. Iyon bang may nakakaunawa sa aki.At maari rin naman na gusto ko na may magparamdam sa akin na ako'y pangangalagaan. Buong buhay ko ako kasi iyong laging nag-aalaga, umu-unawa at pagpaparaya sa lahat. Natinag ako ng biglang magsalita ng mahina si Azul at ang kayang mga titig ay hindi bumibitaw ni lumubay sa aking mukha at mata. " Kailan pa sila ganyan sayo!?" May katigasan ang pagtatanong niya kahit pa mahina lang iyon. Hindi naman kaagad ako nakahuma dahil sa unang pagkakataon hindi ko alam ang isasagot sa tanong na binitawan niya. Kailan nga ba sila naging ganito sa akin? Ang sagot hindi ko na rin maalala sa tagal na. " O-okay lang—! " Sagot ko na agad ding na putol ng magsalita agad si Azul. " What!? Okay lang! Saang banda naging okay iyon? That is too much to handle! Nakikita mo ba ang reaksyon mo?—" Sa pagkakataong ito ako naman ang pumutol sa sabihin niya pa dahil hagyang tumataas na rin ang boses niya kaya napalinga ako sa paligid. Doon nagtagpo ang mata namin aking Tiyuhin. Mataman itong nakatitig sa amin ni Azul. Nagulat ako ng isang tango ang ginawad nito sa akin sabay tumalikod na. Kasabay din noon ang pagbabalik ko ng tingin sa lalaking bakas ang iritasyon sa gwapong gwapo na mukha. " Sana'y na ako sa kanila Azul, hindi ko na lang iniintindi ang banat nila sa akin ang mahalaga naman kasi ay maayos ang lahat sa pamilya namin." Sincero kong sabi sa lalaki. Totoo naman gusto ko lang ay ang masaya ang buhay namin, walang mag-aaway at higit sa lahat walang may nagkakasakit. " Tsk… Tsk.. " Palatak ni Azul sa mga sinabi ko na sinabayan ng pagak na pagtawa. " Sana'y ka na?! Oh c'mon Ma ko! Don't lie to me. I saw it! I saw all your pains in your eyes! Damn it! Mariemar, you're not a stone for God's sake. May pakiramdam ka kasi tao ka at sa simpleng pagtingin ko sayo habang binabastos kanila— nakita ko lahat ng sakit at paghahangad mo.'Yang mga mata na yan ang nagsabi sa akin lahat ng nakatago sa loob na naiipon lang."Galit ang unang paraan ng pagsasalita ni Azul, bakas na bakas ito sa boses niya. Ngunit sa bandang dulo naging malumanay na ito waring gusto ipaintindi sa akin ang katotohanan na sinasabi niya. Ang katotohanan na pilit kong itinatago at iniignora ng matagal ng panahon para hindi na ako maapektuhan ng mga matatalim nilang salita. Hindi na rin ako muling hinayaan pa ni Azul na sumagot sa kanya dahil muli itong nagsalita. " Sanay?! Pwes ako hindi! Lokohin mo man ang sarili mo, na hindi ka apektado sa lahat — pero ang magandang mga mata na 'yan ang naghahayag ng totoo. Please Mariemar, let me be your knight in shining armor! Hayaan mo akong ipagtanggol ka sa sino mang mananakit sayo. Hayaan mo akong maging comfort zone mo. Hayaan mong ilahad sa akin ng mga galaw at tingin mo ang tunay na dinaramdam mo. I don't know why I felt so much pain dahil lang nanatili kang nakatungo sa mga panahon na pinagsasalitaan kanila ng ganyan. Please! Pumayag ka naman na subukan natin diba? O ngayon naman pumayag ka na ako ang maging, tagapagtanggol mo, abugado, bodyguard at shield mo sa mga gaya ng mga pinsan mo. " Mahang sabi ni Azul hang hinahaplos na ang aking mukha partikular sa aking mga mata. Ang mga salita ni Azul ay punong puno ng emosyon na tumatagos sa kaibuturan ng puso ko. Mahirap man na unawain at ipagkatiwala ang lahat sa kanya ay gagawin ko dahil mahirap dayain ang sigaw at palahaw ng aking damdamin. Sa kilos at salita ni Azul naramdaman ko ang pagkapuno ng kulang sa puso ko. Ang kahungkagan na noon ko pa nadarama ay biglang nawaglit dahil sa mga salitang binigkas ng lalaki sa aking harapan. Buo na ang loob ko ibibigay ko ang lahat kay Azul. Ano man ang mangyari sa mga susunod na araw ang tanging gagawin ko na lang ay iipunin ko ang mga Happy moments namin na mag kasama at iiwan ko lahat ng malungkot at masakit na pangyayari na maaaring dumaan o rumagasa. Isang magaan na ngiti at tango ang sinagot ko at isukli sa lalaki na mataman na minamasdan ang aking mukha maging kung ano ang aking magiging reaksyon. At dahil sa aking pag-ngiti at pag-tango mabilis pa kay flash ang kilos nito. Namalayan ko na lang na gapos na agad ako ng matitikas na bisig ni Azul. It feels so comfortable. It feels so good and warm. I know from this day forward that Azul arms are my home. Sa mga braso niya ang pahinga at kapanatagan ko. No matter how much it would take. Susugal ako kagaya ng sugal sa mga casino. Manalo man o matalo may babaunin akong maganda aral at Happy moments with the man I learned to love in a very short period of time.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD