"Hindi ako makapaniwalang kasal na nga talaga ang mga apo natin, Jacinta!" sigaw ni Lola Sally na nagpabalik ng pansin niya sa paligid. "Ako din Sally... parang kailan lang mga makukulit na bata pa sila." Sa sulok ng mga mata niya, nakita niyang nagyakapan pa ang dalawa. Humakbang siya palayo kay Blake pagkatapos siya nitong bitawan. "Not so fast..." pigil nito at hinawakan ang kamay niya. "Let's talk to Bryan, first." "Sino iyon?" Inginuso nito ang isang lalaki na kasama ng mga paring nagkasal sa kanila. Marami itong bitbit na dokumento. "Kilala mo iyan?" "Told you, ako'ng bahala sa usapan natin, di ba?" Tumango siya at sabay na nilang nilapitan ang sinasabi nitong si Bryan. Tinapik nito sa balikat ang lalaki. Malawak ang ngiting nilingon sila nito. "Tol, seryoso, hindi pa rin ako m

