"Tanginang...Blake!" Nakita ni Joeuanna na sumilip si Blake mula sa binabasa nitong magazine. Tumawa ito habang napapataas-kilay ang baklang nag-aasikaso sa kanya. "Ito ba ang sinabi mong regalo sa'kin ha? Langya naman Blake. Torture ito... torture!" Nanggagalaiti siya sa inis pero hindi siya makatayo para sugurin ang lalaki dahil nakaconnect ang buhok niya sa aparatong nandoon. Ilang araw pagkadating nila ng Maynila, sinamahan siya nito para mag-enrol. Last day na nga ng enrolment kaya ganoon na lang ang pasasalamat niya at nakaabot pa siya sa pinakamalapit na college sa bahay at coffee shop nito. Sinamahan din siya nitong gumala at magcommute para kahit papaano ay masanay siya sa lugar. Pinaalalahan siya nito na para bang isang batang ano mang oras ay maliligaw at mawawala. At ngayon ay

