KAPAG minamalas ka nga naman at dinapuan pa ako ng sakit. Pakiramdam ko ay babagsak ako sa sobrang pagkalula ko. “Hija, inumin mo kaagad ang mga gamot na ibinilin ko... and make sure na makapagpahinga ka, okay?” sabi ng doktor. Tinawagan siya ni Mom para bisitahin ako rito sa mansyon at matingnan. Just to make sure na maayos lang ang lahat. “O-Opo, Doc,” namamaos kong sagot. Inabot niya kay Yaya Ising ang mga gamot at saka nagpaalam na itong umalis. “Tawagan n’yo na lang ako ulit if ever may questions kayo or emergency.” “Masusunod po, Doc. Ihahatid ko na po kayo, Doc,” ani Yaya Ising. Umiling-iling ang doktor at inayos pa nito ang kaniyang suot na salamin. “Kaya ko na, po. Bantayan mo na lang dito ang pasyente,” nakangiti nitong sabi. Tinapunan ako sandali ng tingin ni Yaya Ising

