Hawak niya ngayon at tinititingan ang aking mga kamay. Sandali siyang nanahimik at inangat ang kaniyang tingin. Bakas sa kan'yang mga mata ang pagsisisi. “H-Hindi mo ba siya... minahal?” nagdududa kong tanong. Umiling pa siya nang paulit-ulit. “Hindi, baby. kaya hindi niya matanggap ang lahat.” “The truth was… that day, pinuntahan niya ‘ko. Pero may lihim na kumuha ng litrato.” “S-sino? How did you know?” tanong ko dahil wala talaga akong ideya sa mga sinasabi niya. “It was... Patrick,” mahina niyang sagot. “Si Patrick? Bakit niya naman gagawin ‘yon?” hestirical kong tanong. Hindi kasi talaga ako makapaniwala sa sinasabi ngayon ni Dexter. That was imposibble. Isa pa kung si Patrick ang gumawa ay sinabi niya kaagad sa ‘kin at hindi magpapanggap na kung sino para lang i-sent ang l

