Chapter 49 (ALICE)

1814 Words

NAPATDA ako nang huminto ang sinasakyan ko. Hindi ko na namalayan na nakarating na kami sa mansyon. Napako ang tingin ko sa mansyon. Lumabas ako sa kotse at humakbang nang marahan. Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa aking likuran at kapwa pinagsalikop 'yon. Pinagmasdan ko ang palobot ng hardin. Napangiti ako nang hilaw noong maalala ko ang isang gabing masaya pa kami na nag-uusap ni Dexter. Muntikan siyang matumba sa halaman na nasa harapan ko ngayon. Bahagya akong natawa sa sandaling ito. Isang kurot ang pumukaw sa puso ko. Gumapang at umakyat ang sakit sa buong pagkatao ko. “Ma'am Alice, dadalhin ko na po ang mga ito sa kwarto niyo,” singit ni Mang Tonyo. Bitbit niya ang mga bagahe ko. Tumango ako sa kan'ya bilang sagot ko. Humakbang siya papasok sa loob ng mansyon. Habang ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD