Mahigpit kong hawak ang kamay ni Arthur habang nagmamadali akong maglakad para makalayo sa lugar na 'yun. Naalala ko pa nang lumingon ako ay naiwang nakatayo si Dexter sa labas. Ang mga mata niya na malamig ang titig sa akin at para akong kinurot sa puso. Para bang malalim ang galit niya sa 'kin. Hindi ba dapat ako magalit dahil sa ginawa nilang kahayupan ni Sandra. That b*tch, makakatikim siya sa 'kin kapag muli niya pang ginulo ang buhay ko. "A-Alice! Wait," singit ni Arthur. Napatigil ako nang hilahin niya ako sa pagkakahawak ko sa kaniya. Bumalik ako sa aling ulirat. Malayo-layo na ang narating namin dahil sa kagagahan ko. "Sorry..." Napatakip ako sa mukha ko at napasuklay sa buhok ko. "Who is that guy? Do you know him?" Humalikipkip ang mga braso ko at matiim ko s'yang tinitiga

