Bakit humantong sa lahat ang ganito at labis akong nasaktan. Walang tigil sa pagpatak ang luha sa aking mga mata. Maging si Sandra ay humagulgol na sa pag-iyak. Bakas sa kaniyang mukha ang labis na pagsisisi sa nagawang kasalanan. Nasasaktan ako hindi para sa sarili ko. Nasasaktan ako para kay Dexter. Sa lalaking minahal ko nang lubusan. Hindi ko aakalain na iniwan ko lang siya basta-basta. Ito na nga siguro ang sinabi ng manghuhula sa ‘kin noon— paglaban ko raw si Dexter. Nagpadala ako sa galit at ni hindi ko muna inalam ang katotohanan. I became selfish and I didn't even ask him. I did not trust him. “Sobrang naawa ako kay Dexter. Gusto kitang kausapin o tawagan pero out of reach ang cellphone number mo. Araw-araw na naglalasing noon si Dexter. Napabayaan ang sarili. Galit na galit s

