Labis akong nalunod sa alak nang nakaraang gabi. Masaya akong nailigtas ko si Alice. My one and only woman that I love so much. Hindi ako susuko hangga't makuha siyang muli at mapaibig. I know that deep inside, she still loves me. Nilagok ko ang isang baso ng alak na hawak-hawak ko habang nakaharap ako sa glass window. Tanaw ko ang pagsikat ng araw at ang nagtataasang building sa harapan ko. Narinig kong tinawag ako ni Alice, “Dex...” Napailing ako nang mapagtanto kong imposible. Mukhang malakas pa ang tama ng alak na ininom ko kagabi. “Hanggang dito ba naman, Alice... naririnig ko ang malambing mong boses,” tatawa-tawa kong sambit na kinakausap ang hangin. “Dex... Baby...” isang tinig na nagmula muli sa aking likuran. Napahinto ako sa pag-inom ng alak at inilapag ito s

