One month later. NASA HARAPAN ako ng salamin at nakatitig sa sarili ko. This is it, the day I've waited for so long. Nakabihis ako ng white mermaid bridal gown at simple, ngunit elegante ang design. Malapad akong ngumiti para sa sarili ko. Kinuha kong bridesmaid ang malalapit sa ‘kin na nasa kompanya. Dahil wala naman akong ibang malapit na kaibigan ay si Karen ang kinuha kong Matron of Honor dahil kasal na siya at may asawa. Kapag hindi naman kasal at single pa ay Maid of Honor na matatawag. Nang marating namin ang simbahan ay labis akong kinakabahan. Patindi nang patindi ang kaba sa aking dibdib. Hindi ko maipaliwanang, ngunit kasabay noon ay natatagpuan ko ang sarili nang nakangiti. “Ang ganda-ganda mo ngayon, Alice,” manghang papuri ni Karen na nakatitig sa ‘kin. Niyaka

