Chapter 2 (ALICE)

1621 Words
MAAGA akong umalis ng mansion para pumasok sa trabaho. Isa akong Chief Financial Officer sa Villanueva Corporation. CEO ang daddy kong si Fredo Villanueva, fifty-one years old at ang Chief Operating Officer ay si Mommy. Her name was Sylvia Villanueva, and she’s forty-eight years old. Minana nila ang company sa lolo kong si Armando Villanueva na sixty-five years old na. Matagal-tagal na rin simula nang namayapa si lola kaya naman nag-iisa na lang si Lolo. Siya ay nasa ibang bansa kasama ang ibang kapatid ni Daddy. Nag-iisang anak lang ako kaya gano’n na lang ang pagdikit ko kay Karen na kaklase ko noong college dahil para ko na siyang kapatid. Pagdating ko sa building ng Villanueva Corporation ay kasabay kong dumating ang anak ng kasosyo namin. Si Patrick Dela Vega, a bachelor and twenty-eight years old. Nginitian niya ako habang nakatayo sa entrance at kinawayan. Siya ang nakaassign bilang Chief Marketing Officer ng company. “Hi, Alice! Good morning!” matikas niyang bati habang papalapit ako. Napakatangkad din nito ni Patrick at tantya ko ay nasa six feet siya. Yes, mas matangkad kay Dexte pero wala sa height ‘yan dahil mas gusto ko si Dexter. “Oh, hello. Good morning,” tugon ko rin sa kan’ya. Hinawakan niya ako sa aking likuran at hindi ako sanay kaya medyo naiilang ako sa kan’yang ginawa. “You’re too early? Ang sipag mo talaga sa trabaho.” Ngiti niya sa ‘kin at papuri. “Well, kailangan, e. Dahil kung hindi ay malalagot ako sa parents ko.” Nginitian ko lang siya habang papunta kami ng elevator. Marami kaming kasabay sa pagpasok sa elevator na mga employee at nakangiti silang binati ako at ginantihan ko rin sila ng matamis na ngiti. Pagkalabas namin ng elevator ay saka ako pumunta sa cafeteria para kumuha ng kape na maiinom. “Ma’am, good morning po. Gusto niyo po ba ng kape? Ako na po ang matitimpla,” mungkahi ni Isabelle ang secretary ni Daddy. “Oh, thank you, Isabelle. Nagmamadali kasi ako kanina kaya hindi ako nakapagkape. Marami pa naman akong gagawing report ngayon.” Umupo ako sa isang upuan. “Naku, Ma’am Alice. Napakasipag niyo po talaga. Tuwang-tuwa nga po ang Sir Fredo sa inyo,” nakangiti niyang sambit habang inihahanda ang aking coffee. Inilapag niya ito sa table sa harapan ko kung saan ako nakaupo. Pag-check ko ng wristwatch ko ay nasa six forty-five AM pa lang. Mamaya pa namang eight AM mag-start ang office hours. I sipped a coffee and sighed. Hindi pa rin nawawala ang inis ko kagabi kay Dexter. Nagpangalumbaba ako at inikot-ikot ang kutsara sa tasa ko. “Bakit ang lalim yata ng iniisip mo?” Panggulat sa akin ni patrick. Napaigtad ako at kamuntikan na matapon ang kape ko sa nerbiyos. Nilingon ko siya habang binubundol ako ng kaba sa aking dibdib. “Nakagugulat ka naman, Patrick!” singhal ko sa kan’ya sabay hampas sa kanyang braso. Nasaktan pa yata ang palad ko dahil ang tigas ng muscle niya. “Ouch, ha. Ako pa ang nasaktan.” dagdag ko. Kaya naman natawa siyang bigla sa aking sinabi at hinimas-himas ang kan’yang braso. “Balita ko may bagong Chief Executive,” ani Patrick at tumayo. Napahinto ako sa pag-inom ng kape ko at tiningala siya habang seryoso ang kan’yang mukha. “S-ino naman?” nagtatakang tanong ko sabay higop ng kape dahil wala akong idea kung sino. “Let see mamaya. Balita ko ay makakasama mo siya sa office mo.” Kaya nanlaki ang mata ko sa aking narinig at muntikan ko pang maibuga ang kape sa aking bibig. “W-What?! May makakasama ako sa office ko? Well, okay lang kung babae pero kung lalaki? Sa labas siya,” pailing-iling kong sabi at saka ngumiti si Patrick sa akin na parang may kakaibang kahulugan. Bineso-beso ako ni Patrick at saka nagpaalam sa akin. Natulala pa ako sa kan’yang ginawa. Nananantsing ba itong si Patrick? Akala n’ya siguro ay madadala ako sa kan’yang mga ginagawa or marumi lang akong mag-isip. Pumunta ako sa office ko at saka minasahe ang aking batok. Pagkapasok ko ay nagulat ako sa itsura ng opisina ko. Aba! Dalawang table na ang narito at magkaharap pa. Kaya naintriga ako kung sino ang darating dahil walang sinasabi sa akin si Daddy about this.Umupo ako sa aking swivel chair at inayos ang aking table. Maging ang family picture namin nina mommy at daddy. Kinuha ko sa bag ko ang pressed owder at saka nanalamin. Inikot ko sang swivel chair ko sa may bandang bintana para lumiwanag at saka ko kinuha ang aking red lipstick sa bag. Narinig kong bumukas ang pintuan kaya naman agad kong itinago ang pressed powder ko sa bag at ang lipstick ko habang nakayuko. “Welcome to Villanueva Corporation!” Itiningala ko ang aking mukha para tingnan kung sino ang makakasama kong bago raw. Nagulantang ako noong si Dexter ang nasa harapan ko. Napasapo pa ako sa aking dibdib dahil hindi ko inakalang siya ang makakasama ko. Nagkasalubong ang magkabilang kilay ko at tumayo. “W-Why are you here?!” gulat kong tanong sa kan’ya. Nanlaki pa ang mga mata kong nakatingin sa kanya. He smirked at me at umiling-iling. Ano na naman kaya ang nasa utak nitong lalaking ‘to? My God, ‘di ko maitago ang kaba at tuwa na siya pala ang makakasama ko rito. Pero sa tingin ko ay ‘di ko matatagalan na makasama siya rito. Pakiramdam ko ay lulubog ako sa kinatatayuan ko. “Don’t smirked at me.” Paano ko kaya mapasusuko ang lalaking ‘to, e wala nga s’yang ipinapakitang interes sa ‘kin. Ibinaling ko ang aking mga mata sa kan’ya pero bahagya akong nakayuko. Sinundan ko s’ya ng tingin at umupo s’ya sa kan’yang swivel chair at isa-isang inayos mga folder na nasa table niya. Inilabas n’ya rin ang sarili n’yang laptop kahit may sarili na itong nakalagay na computer sa kan’yang harapan. Hindi n’ya pa rin ako sinasagot sa tanong ko. “Dex,” tawag ko sa kan’ya at saka n’ya ako pinasadahan ng tingin at ibinalik ang atensyon sa kan’yang ginagawa. “Why, don't you want me here?” masungit niyang sabi. I rolled my eyes at him. Saka ko siya nilingon ulit at nginitian nang pilit. Baka sabihin nito ay masama ang ugali ko. Pa’no pa s’ya magkakagusto sa ‘kin. “N-No. I mean… bakit nandito ka? Eh, p’wede ka naman doon sa company n’yo?” tanong ko at tuminigin s’ya sa ‘kin at seryoso ang mukha nito. “Hindi naman ako magtatagal dito. Your dad invited me. He needs my help and that’s why I’m here,” seryoso n’yang sagot sa ‘kin. Napataas ang kanang kilay ko sa aking narinig. Kaya tumayo ako sa kinauupuan ko at humabang patungo sa pinto. Natigilan ako nang magsalita siya ulit. “Where are you going?” Bakas sa mukha n’ya ang labis na pagtataka. Nilingon ko siya at saka ako napamaywang. Matatanggap ko naman na makasasama ko siya rito pero noong marinig ko ang sinabi niya— wala bang tiwala sa ‘kin si Daddy at kailangan niya pang alukin si Dexter na mamasukan dito? ‘Yan ang mga tanong sa aking isipan na gusto kong masagot. “Kailangan ko pa bang magpaalam sa ‘yo?” iritable kong sagot. Itinaas n’ya lang ang dalawang kilay n’ya bilang sagot. “I see.” Nagkibit-balikat s’ya at saka ibinalik ang atensyon sa kaharap n’yang laptop. Padabog akong lumabas ng pintuan at tinungo ang office ni Daddy. Nakasalubong ko pa si Patrick na lumabas galing sa office n’ya. Nginitian niya lang ako ngunit wala ako sa mood ngayon kaya ‘di ko siya pinansin at tuloy ako sa paglalakad hanggang sa pumasok ako sa office ni Daddy. Nakaupo ito sa swivel chair n’ya at busy sa laptop niya. “You should knock the door first, Hija,” ani Daddy sa ‘kin habang seryoso pa ring nakaharap sa laptop n’ya. Pabagsak akong umupo ako sa couch at nagpangalumbaba sa arm rest. Napanguso ako dahil sa naiinis ako sa sinabi ni Dexter. “Daddy, bakit naman kinuha mo pa si Dexter?” naglalambing kong tanong sa kan’ya. Tiningnan n’ya ako at tinanggal ang kan’yang suot na eyeglasses at pinunasan iyon ng tela na galing sa case nito. Isinuot niya muli at saka ako tiningnan nang matiim. “He is here to help you, Hija,” mahinahon niyang sagot sa akin. I sighed “But, Daddy? Nakakapagtampo ka naman… don’t you trust me?” tugon ko sa kan’ya na may halong lungkot. “Alice, hindi naman siya magtatagal dito kaya don’t worry. I’m sure you will learn a lot. You’ll see.” Ngiti niya sa ‘kin at saka ako sinenyasan na lumabas na. “But, Daddy?” Tumayo ako nilapitan siya para yakapin ngunit ‘di niya ako pinansin. “I’m busy right now, Hija…” “O-Okay, you won.” Umalis ako sa pagkakayakap kay Daddy at naglakad palabas ng pintuan. Inayos ko muna ang aking sarili bago bumalik sa office ko at baka akalain ni Dexter ay umagang-umaga ay hagardo versosa na ako. Pagpasok ko sa office ay deadma lang si Dexter sa ‘akin. Umupo ako nang pabagsak sa aking swivel chair. Bigla akong napahiyaw dahil nagkamali ako sa pagkakaupo kaya bumagsak ako sa sahig imbes sa upuan. “Ouch!” Napasapo ako sa aking puwit at balakang. Tinignan ko si Dexter at baka nakatingin ito sa akin dahil sobrang nakahihiya kung nakita n’ya naman ang katangahan ko. “Aray! Aray! Ano ba kasing upuan to!” singhal ko. Tumayo si Dexter at inilahad n’ya ang kan’yang kamay sa ‘kin. Napansin ko rin na parang pinipigilan n’ya ang tawa n’ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD