Chapter 3 (ALICE)

1972 Words
Inilahad ni Dexter ang kamay sa akin para tulungan akong tumayo. Agad kong iniabot ang kamay ko nang biglang may kung ano’ng dumaloy sa aking katawan noong magdampi ang aming mga palad. Hawak niya ngayon ang aking kamay. Pakiramdam ko ay nag-iinit ang mukha ko kaya naman binawi ko kaagad ang aking kamay sa pagkakahawak. Yumuko ako para hindi niya makitang nagba-blush ako sa sobrang pagkapahiya. “Ayaw mo bang tulungan kita?” tanong niya habang nakatayo pa rin siya sa harapan ko. “Hindi ko na kailangan ang tulong mo. Kaya kong tumayo,” pangsusungit ko sa kaniya. Tiningala ko siya upang tingnan ang kanyang reaksiyon niya pero kitang-kita ko pa rin sa mukha niya na natatawa siya sa nangyari sa ‘kin. Bigla siyang napangisi at napahawak sa baba niya habang nagpipigil na matawa. “Why are you still there? Kung natatawa ka man— sige, go! Tumawa ka lang!” naiinis kong sabi . Nakasalampak pa rin ako sa sahig. Hinawi ko ang buhok ko para ipitin sa tainga ko. Pagsulyap ko sa kaniya ay nakatitig na siya sa akin nang seryoso. Pakiramdam ko ay bumili lalo ang t***k ng puso ko. “So, ayaw mo talagang tulungan kita?” tanong niya ngunit nagmatigas ako. “Okay, fine!” Saka siya umalis at bumalik sa pagkakaupo. Saka naman ako tumayo at pinagpag ang aking likurang bahagi. Inayos ko ang aking sarili habang nakatitig kay Dexter. Kahit masungit ito ay napakagwapo pa rin nito. Ang mga mata niyang bilugan, matangos niyang ilong at ang labi niya na parang ang sarap-sarap halikan. Bigla akong napangiti habang tinitingnan siya. Napaigtad ako at umiwas nang tingin noonga bigla niya akong pinasadahan nansg tingin. “Ehem!” tikhim ko at saka umupo sa swivel chair ko. “Ganito ka ba sa office mo?” usisa niya pero hindi ko siya tiningnan. Ano naman kaya ang ibig niyang sabihin? Binuksan ko ang computer ko at nagpangalumbaba habang naglo-loading ang screen. “Bakit? What do you mean?” sagot ko sa kaniya nang walang kagana-gana. “Ang aga-aga… ang ingay mo.” Ginawaran niya ako ng pilyong ngiti na tila nang-aasar pa. “Hindi, noh! Nagkataon lang kasi na narito ka. Kung gusto mong lumipat— p’wede naman… Feel free to leave. Doon kay Patrick— p’wede,” naiiis knong sagot sa kaniya. Sorry, Dex kasalanan mo ‘to, e! sabi ko sa isip ko. “Dito na lang ako. Mas okay na ikaw ang kasama ko kaysa sa Patrick na ‘yun,” ani Dexter sa ‘kin habang seryoso pa rin na nakaharap sa computer niya. Napangiti ako habang nakakubli ako sa harapan ng computer ko. “Buti naman,” mahina kong sagot habang nakangiti. Pagkaraan ay sumilip siya sa bandang gilid ng computer niya para matanaw ako. “Ano’ng sabi mo?” Pagtataka niya habang nakakunot ang noo. Sumilip rin ako sa gilid ng computer ko at ngumiti. “Wala!” singhal ko at saka bumalik sa harap ng screen. Lumilipad lang ang utak ko habang nakaharap sa computer kaya panay ang scroll ko ng mga files. Sobrang saya ko lang na makakasama ko na araw-araw si Dexter sa office ko. Pero, biglag napawi ang ngiti ko nang maalala ko kung bakit siya narito. Hindi ko dapat biguin sina Mommy at Daddy. May matutunan kaya ako kay Dexter? My God! Eh siya lang naman tong tumatakbo sa isip ko. Sobrang tahimik naman kasama ni Dexter. Hindi naman sa naboboring ako pero ganito talaga siya. Kapag kay Karen naman noon— madaldal siya ngunit pagdating sa ‘kin, minsan sapilitan pa makipag-usap. “Dex, ‘di ka ba napapagod?” tanong ko sa kaniya. “Why?” tipid niyang sagot sa ‘kin. Napangisi ako nang maisip ang sasabihin ko. I know, pero hindi dapat ‘to ginagawa ng mga tipikal na dalagang Pilina pero kapag gusto mo ang tao, why not?! “Kasi….” pabitin kong sagot. “Kasi?” tugon niya. “Kanina ka pa kasi tumatakbo sa isipan ko,” nakangisi kong sabi. Kinikilig ako sa sarili kong pickup lines para sa kaniya. Pero, wala akong narinig na sagot. Kaya tumayo ako sa swivel chair ko at tinignan siya. Seryoso lang ito sa harap ng screen habang nagta-type. “Grabe naman, wala man lang reaction?” patutsada ko. “How about you? Hindi ka rin ba napapagod?” pagsusungit niya. May kung ano na kumirot sa puso ko nang marinig ang kaniyang sinabi. Para ba’ng ang dating sa akin ay ‘di ba ako napapagod magpapansin sa kaniya? Parang gano’n? O pakiramdam ko lang siguro. Nakaawang ang aking bibig at ‘di ako nakapagsalita kaagad. “B-Bakit? Uy, pickup lines din ba ‘yan?” nakangiti kong sabi sa kanya na may pagkukunwari. “Nope. Kasi ‘di ka nauubusan ng sasabihin. Ang daldal mo.” Ngumiti ako nag pilit at bumalik sa pagkakaupo sa swivel chair. “Grabe ka naman? Bakit kapag kay Karen— ang daldal mo? Pagdating sa akin… lagi pang galit at masungit?!” patutsada ko sa kaniya. Pero hindi siya sumagot. Kulang na lang ay mababaliw na ko sa ‘yo, Dexter! Sabi ko sa isip ko. “Hirap talaga kapag ayaw sa ‘yo ng taong gusto mo,” nakasimangot kong sabi at tiningnan ko ang aking relo. 11 AM na pala kaya pala medyo nakararamdam na ako ng gutom. Tumayo ako at tinignan siya. “Mauuna na ako. Lunch na.” Natigilan ako nang may nagbukas ng pintuan. Tumambad si Patrick nang nakangiti sa akin. “Hey, Alice? Sakto— come on, let’s eat,” bati ni Patrick sa akin at iginala niya ang kaniyang paningin sa loob ng office ko. “Okay, sure.” Niluwagan ni Patrick ang pagbukas ng pintuan. “Next time, Dude. Knock the door,” seryosong sabi ni Dexter kay Patrick. Ngumisi si Patrick at nilingon si Dexter. Binundol ako ng kaba dahil may kung ano’ng tensyon ang namumuo sa pagitan ng dalawa. Nakatayo ako ngayon sa gitna nilang dalawa. “Pasensya na, Dude, nasanay kasi akong ganito kay Alice,” nakangisi niyang sagot. “Well, sa kanya ‘yun. But now may kasama na siya rito sa office,” masungit na sagot ni Dexter. Kumunot ang noo ni Patrick dahil sa sinabi ni Dexter na tila hindi nito nagustuhan at ramdam ko na ang tensyon sa kanilang pagitan. Hinawakan ko si Patrick sa balikat at saka iniharap palabas ng pintuan upang pigilan ang posibilidad na mangyari. “Ahm… sorry Dex! Hindi na uulitin ni Patrick ‘yon. Tara na, Pat.” Tinulak ko na si Patrick palabas ng pintuan ngunit naramdaman kong ayaw pa sanang umalis ni Patrick sa harapan ko pero pinandilatan ko na lang siya ng mga mata ko. “Tara na, sabi,” bulong ko sa kaniya at saka kami lumabas ng pintuan at isinara iyon nang dahan-dahan. Naglalakad kami ni Patrick sa hallway palabas ng company. Napansin kong iritado si Patrick simula kanina pa. Kaya naman ngumiti ako sa kaniya at kinaway ang kamay ko sa harapan niya. Ngumiti siya sa akin at napailing na lamang. “Hayaan mo na, gano’n talaga ‘yon.” Pilit akong ngumiti sa harapan ni Patrick upang mabawasan ang nararamdamang inis nito kay Dexter. Napahinto kami sa tapat ng elevator. “Nayayabangan lang ako sa Dexter na ‘yun, tsk!” Pagkabukas ng elevator ay humakbang kami papasok sa loob. “Gano’n lang ‘yon. Mabait si Dexter— broken hearted lang kasi,” malungkot kong sabi at tumawa naman itong si Patrick sa narinig. Mukhang masaya pa ito sa nalaman niya. “Kaya naman pala! Paano naman siya sasagutin ng babae kung gan’yan siya umasta?” dugtong ni Patrick. Bigla akong nagulat noong may pumasok sa elevator. Shocks! Si Dexter. Narinig niya kaya ang pinag-uusapan namin ni Patrick? Sana nga ay hindi, pagdarasal ko. Nagkatinginan kaming dalawa ni Patrick at natahimik. Pasimple kong kinurot si Patrick sa tagiliran nito kaya napangiwi ito sa kirot. “A-ray ko,” mahina niyang daing. Ni hindi kami tinignan ni Dexter na para bang walang pakialam at walang kasama. Ilang sandali pa ay may ibang empleyado na sumakay dahilan upang mapaatras ako upang lumuwag ang loob ng elevator. Naramdaman kong nasa likuran ko si Dexter. Tumahimik ang paligid namin kasabay ang ibang empleyado. Kinikilabutan ako dahil alam ko nasa likuran ko lang siya. Hindi rin ako makagalaw dahil parang nanigas ang buo kong katawan. Matindi ang kabang naramdaman ko dahil ang taong gustong-gusto ko ay nasa likuran ko lang. Biglang tumunog ang elevator bilang hudyat na nasa ibaba na kami at magbubukas na ito. Pagkabukas ng pinto ng elevator ay isa-isang lumabas ang mga empleyado. Sumunod kami ni Patrick ngunit hindi ko nagawang lumingon pa dahil pakiramdam ko ay malulusaw ako. Gumilid kami ni Patrick sa labas ng elevator. “Saan tayo kakain?” tanong ko kay Patrick. Nagulat ako nang hinatak ako ni Patrick sa braso para maglakad palabas. Napalingon ako kay Dexter na sinundan kami ng tingin at mabilis na iniwas ang mga mata niya. Malamig ang mga mata at malayo ang tingin. Wala naman siyang pakialam sa akin. Nang marating naming ang labas ay napahinto kami ni Patrick. “Akong bahala— nagpa-reserve ako sa resto,” ani patrick habang hawak-hawak ang cellphone niya. “Huh? Okay, sige.” Tinanggal ko ang pagkakahawak ni Patrick sa braso ko dahil baka kung ano’ng isipin ni Dexter at baka magselos. Ipinilig ko ang aking ulo upang matanggal sa isip ko ang bagay na imposibleng mangyari. Palinga-linga ako nang akita ko sa hindi kalayuan si Dexter na nakatayo. Nakasuot na ito ng itim na shades habang nakapamulsa. Shocks, ang lakas ng dating ni Dexter! Biglang dumating ang kaniyang sasakyan at bumaba ang driver para pagbuksan siya ng pintuan. Parang tumigil ang mundo ko habang sinusundan ko siya nang tingin. Tinanggal niya ang shades niya at pinasadahan ako nang tingin at pumasok sa kotse. Saka naman dumating ang kotse ni Patrick. Pinagbuksan ako ng pintuan ni Patrick sa back seat at sumunod. Ganito ang parati ang ginagawa namin a kasabay ko parati si Patrick na mag-lunch. Hindi ko naman siya matanggihan dahil isa rin siya sa malaking investor ng Villanueva Corporation Hindi naman ito matatawag na date dahil hindi naman nanliligaw ‘tong tao sa akin. Pagkatapos namin kumain ay nagpahinga muna kami at sandaling nagkakwentuhan. Kinumusta pa ni Patrick si Karen dahil nga minsan aynaikwento ko sa kaniya ang kaibigan kong ‘yon. Pagcheck ko ng wristwatch ko ay mag-aala-una na pala. Nawili kaming dalawa sa kwentuhan at napatayo ako. “Naku, Patrick! Halika na!”Hinaklit ko siya sa braso at saka siya tumayo. Nagmamadali akong naglakad dahil ayaw kong ma-late. Baka kung ano na naman marinig ko kay Dexter. “Why are you in a hurry?” nagtatakang tanong niya sa ‘kin. Kaya nilingon ko siy. “Si Dexter! Remember?!” bulalas ko rito at kaagad kaming sumakay sa kotse niya. My God! Kung kailan naman nagmamadali kami ay saka naman traffic. Malapit lang naman ‘tong pinuntahan naming at nasa tenminutes lang. Kaso sobrang traffic kaya aabutin kami ng mga twenty to thirty minutes dito. Ten minutes na lang ang natitira para mag-ala-una na. Nagkasalubong ang kilay ko at nate-tense na rin ako. Bigla akong inakbayan ni Patrick at hinawakan ang baba ko. Kaya napatingin ako sa kaniya. “Don’t worry, ‘di mo naman kailangang matakot sa kaniya,” mahinahon niyang sabi. Hinawakan ko ang kaniyang kamay para alisin ang pagkakahawak niya sa baba ko. “I know but, he’s there… para turuan ako at hindi para maglaro sa business,” mahinahon kong sagot. Kailangan kong maging seryoso sa trabaho at negosyo dahil tiyak akong ayaw ko ring ma-disappoint ang parents ko sa kin. Lalo na ako ang future CEO ng Villanueva Corporation.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD