Chapter 4 (ALICE)

2265 Words
PANAKA-NAKA kong tinitingnan ang cellphone ko pero wala man lang ni isang text. Bakit pa ba ako aasang magte-text sa ‘kin si Dexter. Magte-text lang naman ‘yon kapag may kailangan or kung pupunta kami kay Karen. Mas maganda pa ngang gawin kong excuse ang kaibigan ko para lang samahan ako ni Dexter. Pagkarating namin sa building ay kaagad kaming bumaba ni Patrick. Minamadali ko na si Patrick dahil late na kami ng mahigit sampung minuto. Ayaw ko namang mabawasan ang points ko kay Dexter. Tinungo naming dalawa ang elevator at pumasok sa loob. Dali-dali kong pinindot ang button at nang makarating kami sa itaas ay mabilis kong tinungo ang office. “Thank you, sa time, Alice!” pahabol na sabi ni patrick sa ‘kin bago ako pumasok ng office. Bahagyang nabuksan ko na ang pinto at huminto. I smiled at Patrick and answered, “No worries! Next time ulit.” Niluwagan ko ang pagbuka ng pintuan at pumasok na ako sa loob ng aking office. Nadatnan kong nakahalukipkip ang magkabilang braso ni Dexter habang nakaupo sa swivel chair at matiim akong tiningnan. Nakatayo lang ako sa likod ng pintuan noong pagkasara ko niyon. ‘Di ako makagalaw sa bigat ng titig niya sa ‘kin. Hindi ko rin alam kung galit ba ito o inaakit ako dahil ‘yun ang nararamdaman ko. S’yempre assume-ra na naman ako. Sabi ko sa aking isip kaya napailing ako at tiningnan ko siya habang naglalakad ako papunta sa table ko. “What?” pagtataka kong tanong sa kaniya. “You’re late?” hindi makapaniwalang tanong niya sa ‘kin kaya nanlaki ang mga mata ko at napangisi. Sabi na, eh! Pupunahin niya ako. Nakangiti akong sumagot sa kaniya. “So? Ten minutes pa lang naman akong late,” giit ko sa kan’ya habang nakangiti. Kinuha ko ang lipstick sa bag ko at press powder para manalamin. “Late ka pa rin kahit anong sabihin mo. Time is gold, kaya dapat wag kang nali-late. Ano na lang ang sasabihin ng mga empleyado n’yo rito?” ani ng baritono niyang boses. Patuloy lang ako sa paglapat ng lipstick sa aking manipis na labi na para ba’ng wala akong naririnig. Napahinto lang ako nang marinig na bumuntong-hininga siya. Nilingon ko siya sabay ngiti. “Sorry, Dex… Hindi na po mauulit?” lambing ko sa kan’ya. Inalis niya ang pagkakatitig sa ‘kin at nagsimulang mag-type sa keyboard. “You need to be a good model to your employees,” iritado niyang sabi. Kaya naman ako na mismo ang susuko para ‘di siya tuluyang magalit at baka sabihin niyang ako ang sumira ng araw niya. Humugot ako ng malalim na hangin. “Alright. Sorry… I promise. Hindi na ako mali-late. Okay? Hindi ko kasi namalayan ang oras— napasarap kasi ang kwentuhan namin ni Patrick,” tugon ko sa kan’ya at sinuklay ko ang buhok ko paangat. Natigilan ako nang bigla siyang tumikhim. “Do you always really eat together?” seryoso niyang tanong. Napangiti ako dahil naisip kong kaya siguro siya nagagalit ay hindi dahil sa late ako. Kun ‘di dahil sabay kaming kumain ni Patrick. Maghunos-dili ka, Alice! Assuming ka talaga! Sabi ko sa aking isipan. “Hmm… bakit mo natanong?” may panunuyang tanong ko sa kan’ya. Tinaasan niya ako ng isang kilay niya. I find it hot kaya naman lalo akong napangiti dahil alam kong naiinis siya. “Nothing, why? Is it bad to ask?” ibinaba niya ulit ang tingin sa computer. “Hindi naman,” ngingiti-ngiti kong sagot sa kaniya at saka siya ulit nagsalita. “Siguro… You are always late?” seryoso niyang tanong sa akin. Nakangiti pa rin ako sa kaniya, “Bakit ka ba nagagalit? Dahil ba late kami or baka—” pinutol niya ang pagsasalita ko noong bigla siyang sumagot. “What do you mean?” pagsingit niya habang nakasimangot. “Ay, sus! Kunwari ka pa! Sabihin mo— naiingit ka dahil magkasama kaming kumain,” pang-aasar ko sa kaniya. Ngunit napangisi lang siya na tila natatawa sa aking sinabi. Kumunot ang aking noo. “Hell no! ha-ha-ha!” Sa wakas ay napatawa ko rin siya. Ang gwapo niya lalo kapag tumatawa siya. Naniningkit ang bilugan niyang mga mata. “Okay! Sabihin mo na lang kung gusto mong sumabay sa ‘kin. P’wede naman…” Nagkibit balikat ako at ibinalik ang atensyon sa aking ginagawa. Kailangan ma-review ko lahat ng financial report dahil pinapa-check sa akin ni Daddy. Naramdaman ko na lang na nananakit na ang batok ko kaya naman minasahe ko ito at umunat ng aking mga braso. Natigilan ako nang makita kong nakatingin si Dexter sa ‘kin. Iniwas ko kaagad ang tingin ko noong magtama ang mga titig namin. Kaagad akong bumalik sa pagkakaayos ng upo ko para makaiwas sa malamig niyang titig. Pag-check ko ng orasan ay five PM na ng hapon. Uwian na ng mga employee. Ngunit nahihiya akong magligpit ng mga ginagawa ko at tumigil dahil seryoso pa rin ang isa sa harap ng computer. Ch-in-eck ko ulit ang aking relo at lumipas na ang trenta minuto. Panigurado akong nagsiuwian na ang iba. Biglang tumunog ang cellphone ko dahil may tumatawag. Si patrick pala ang tumatawag at mabilis kong iyong sinagot. “Hello, Patrick?” mahina kong sagot. “Aren't you going home yet? I'm waiting here in the lobby,” tanong ni Patrick sa kabilang linya. “Ahm... pauwi na rin ako. Just wait for me there, okay.” Napatingin ako kay Dexter nang bigla itong tumayo at inayos ang kan’yang laptop. Mukhang uuwi na rin yata siya. “Wait for me, okay? Bye.” Saka ko ibinaba ang tawag. Tumayo na rin ako at inunahan ko siya sa pintuan. “Mauuna na ako, Dex!” Dali-dali kong binuksan ang pinto na tila nagmamadali. Grabe ang kabog ng dibdib ko. “Bye.” mahina niyang tugon. Atleast nagpaalam siya sa ‘kin. Nagmadali akong naglakad sa hallway papunta sa lobby. Nadatnan ko roon si Patrick na kausap si Isabelle. Nakangiti silang pareho kaya naman tumikhim ako. “Ehem! Baka nakaiistorbo ako?” nakangiti kong sabi kaya naman biglang nahiya si Isabelle at nginitian naman ako ni Patrick. Halatang namumula ang magkabilang pisngi nito. “Mauuna na po ako, Ma’am Alice. Ingat po kayo” nahihiyang sabi ni Isabelle. “Nasaan ang daddy?” tanong ko sa kaniya. “Kanina pa po siya umalis.” “Huh? Ano’ng oras?” nagtataka kong tanong. “Mga three PM, po, Ma’am Alice. May kikitain raw po na kaibigan,” sagot ni Isabelle at yumuko. Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon at ngumiti sa kaniya. Alam kong matagal nang may gusto itong si Isabelle kay Patrick. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa lalaking ‘to. Kung hindi nga lang ako patay na patay kay Dexter—tiyak akong kay Patrick ang bagsak ko. Ngunit hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya. “I see. Thank you. Ingat sa pag-uwi, Isabelle.” Kinawayan ko siya at ginantihan niya ako nang malapad na ngiti. “Bye, Isabelle!” pahabol ni Patrick. Napawi ang masayang ngiti ni Isabelle at ngumiti nan pilit kay Patrick. Nagmamadali rin itong umalis at naiwan kami ni Patrick. Naglakad na kami patungo ng elevator. Siya naman ang biglang pagdating ni Dexter at tumayo sa tabi ko. Hindi ako makatingin at makagalaw nang maayos. Bumukas ang elevator at sumakay kami. Pinindot naman ni Patrick ang ground floor. “Ahm… Alice, p’wede ka ba ngayon?” malakas na bulong ni Patrick sa ‘king kanang tainga. Nilingon ko siya, “Bakit?” bulong ko rin sa kaniya. “Kasama ko ang mga friends ko. I want you to meet them tonight.” Nag-aalangan akong sumagot dahil nasa tabi ko si Dexter. Baka isipin ni Dexter na easy to get ako at basta-basta sumasama. Pero, bakit ako nag-iisip kung wala namang pakialam sa ‘kin ang lalaking nasa tabi ko. Pagkabukas ng Elevator ay lumabas kaming dalawa ni Patrick at kasunod namin si Dexter. “Ahm… okay lang ba ‘tong suot ko? Nakakahiya kasi?” Nakasuot ako ng bodycon dress at may patong na blazer. Aircon kasi sa office kaya hindi p’wedeng walang patong ang suot ko. “Okay lang ‘yan. Biglaan din kasi ang gimik,” ani patrick ngunit bigla na lamang akong nagulat nang haklitin ako at akbayan ni Dexter palapit sa tabi niya. Nanlaki ang mata ko sa kaniyang ginawa. OMG! Magkadikit kaming dalawa! Parang gusto kong tumili! “Sa ‘kin siya sasama,” direktang sabi ni Dexter sa amin. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa habang nakaawang ang labi ko. “Sorry, Dude but I was the first to invite her,” pigil ni Patrick na nakangisi para ‘di mahalata na naiinis na ito kay Dexter. Habang ako ay hindi makapagsalita dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Shocks! Pinag-aagawan ako at si Dexter? Himala ang nangyaring iyon! “Did you forget, Alice? Dadalawin natin si Baby Calix?” tiningnan niya ako nang matiim na para bang sinasabi niyang sumang-ayon ako sa kaniya. Kaya naman ngingisi-ngisi akong pilit kay Patrick. Namumula na ang mukha ko dahil nakasandal ako kay Dexter. “Ah! Oo! Oo nga pala! Nakalimutan ko, Patrick. Sorry ha… Maybe, next time na lang?” pagsisinungaling ko. “Fine, maybe next time na lang, Alice.” Lumapit si Patrick para ibeso-beso ako. “Take care of yourself, Alice.” Saka siya umatras palayo sa amin ni Dexter at nag-umpisang maglakad palabas ng building. “A-Ahh, o-oo! No worries, Pat!” Nabigla ako sa pagkakatulak ni Dexter sa akin nang bahagya palayo sa kaniyang tabi. Muntikan pa akong mitumba at mabuti na lang ay nakapag-balance ako. Nagkasalubong ang magkabilang kilay ko sa kaniyang ginawa. Bwisit talaga! “Ano ba?! Wala naman tayong usapan na dadalaw tayo kay Baby Calix?!” naiinis kong sabi. “Alam ko naman na ayaw mong sumama sa kaniya,” seryoso niyang sagot. Parang biglang may tumambol sa dibdib ko kaya bumilis ang t***k ng puso ko sa kaniyang binitiwang salita. Napaatras ako at hindi makapaniwala. “O-Okay! Sasama ako sa’yo dahil gusto ko ring makita si Karen. Marami akong isusumbong sa kaniya. Isa pa hindi mo ko kailangang agawin kay Patrick at itutulak bigla!” Napaawang ang kaniyang labi sa aking sinabi kaya agad akong nagmadali sa paglalakad. Nakangiti ako dahil masaya akong inagaw niya ako kay Patrick kanina. Wow, inagaw talaga? Bakit girlfriend ka ba niya? Tanong ko sa aking sarili. “Hindi kita inagaw. Napilitan lang ako.” Hindi ko na siya pinansin pa at hindi mapigilan ang pagngiti. Kinuha ko ang kotse ko at kaagad akong sumakay. Nauna ako at saka siya sumunod sa aking likuran na sakay rin sa sarili niyang kotse. Nasa Hospital pa rin sina Karen, Ethan at Baby Calix. Pagkarating namin sa hospital ay p-in-ark namin ang aming sasakyan. May kasamang driver si Dexter habang ako lang ang mag-isang nag-drive ng kotse ko. Pagdating namin sa loob ay naroon na naman ang dalawang nurse na nakaduty kagabi. Pagkakita namin ay biglang lumapad ang mga nigiti nilang dalawa. “Hello, Sir? Sir? Dadalaw po ba ulit kayo?” mahinang hiyaw ng isang nurse habang papalapit kami sa front desk. Ngumiti si Dexter at binati sila. “Good evening, dadalaw lang kami kay Ms. Karen Santos. Can we?” ani Dexter sa kanilang dalawa. Binunggo pa ng isang nurse ang katabi niya na tila kinikilig. “Ah, yes, Sir! P’wedeng-p’wede, po!” nakangiting sagot ng isang nurse sa kaniya at nag-beautiful eyes pa. Napangisi ako dahil aminado ako sa aking sarili na nakatatawa sila. Ako rin naman may gusto ako kay Dexter pero hindi ako aabot sa ganiyang point na magpapa-cute pa. Sabagay maganda naman ako kaso simple lang akong mag-ayos. “Thank you!” Tinignan ni Dexter bilang hudyat na aalis na kami. Lumapit ako sa dalawang nurse. Nginitian ko silang dalawa. “Alam ninyo, h’wag na kayong magpa-cute sa boyfriend ko, p’wede ba? Hindi niya kayo mapapansin,” ngingisi-ngising biro ko at hinabol ko si Dexter. Pagpasok namin sa kwarto ni Karen ay naroon rin pala ang kapatid niyang si Rose. “Hello, Karen!” bati ko sa kaniya. Karga niya si Baby Calix at pinapatulog. “Good evening, Karen?” bati ni Dexter at luminga-linga ito sa paligid. “Nasaan si Ethan?” tanong niya kay Karen. “Mabuti at napadalaw ulit kayo? Nasa labas si Ethan. May binili lang.” Nakangiti sa ‘min si Karen. “Ate, lalabas muna ako. Ate Alice, Kuya Dexter, maupo, po, muna kayo,” ani Rose at nagpaalam na para lumabas. “Galing pa ba kayo niyan sa trabaho?” tanong ni Karen. Alagang-alaga ni Karen si Baby Calix. Ingat na ingat siyang inilipag ito sa crib. Si Dexter naman ay pinuntahan si Baby Calix. “Ah, oo, biglaan nga lang ang pagdalaw namin ulit. Itong si Dexter kasi.” Nilingon ko si Dexter at seryosong tinitigan si Baby Calix. “Bakit? Paanong biglaan?” nagtatakang tanong ni Karen. Lumapit ako sa kaniya at bumulong. “Kasi naman… may nag-aaya sa ‘kin. Si Patrick, ‘yung isa sa investors namin at executive. Pagkatapos itong isa bigla akong inaya na dadalaw raw sa ‘yo.” Ngumiti si Karen sa akin nang makahulugan. “Ikaw, Dexter, ha? Talagang inaya mo pa rito si Alice para lang ‘di siya sumama du’n kay Patrick,” pangangantyaw ni Karen kay Dexter. Tumingin sa amin si Dexter nang nakakunot ang noo. “She can go with that man and refuse to my offer.” nakangising sagot ni Dexter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD