Chapter 5 (DEXTER)

2006 Words
Napatingin ako kina Karen at Alice dahil sa sinabi ni Karen. Nang-aasar pa siya kahit na alam niyang siya lang naman ang gusto ko at hindi ang kabigan niyang si Alice. I only think of alice as a friend. Kahit pang may anak na sila ni Ethan ay hindi pa rin nawawala ang aking nararamdaman para kay Karen. Hindi gano’n kabilis mawawala ang aking feelingsa. Ethan was so lucky because Karen loved her. “Sabihin mo lang ay ayaw mo talaga akong sumama kay Patrick,” nakasimangot na sabi ni Alice. Ngumisi na lang ako dahil akala niya siguro ay nagseselos ako. Pero bakit nga ba bigla ko siyang hinaklit sa braso at inakbayan kanina. Maging ang sarili ko ay hindi ko na maintindihan. “I didn’t trust that man,”seryoso kong sagot. Bahagyang natawa si Karen dahil sa pag-uusap namin ni Alice. “Kahit kailan talaga kayong dalawa, o,” dugtong ni Karen. Natigilan kami nang dumating si Ethan kasama sina Carlo at Diego. “Hey, Bro?! You’re here,” bati ni Carlo sa ‘kin at nag-fist bomb ang mga kamao naming dalawa. Sumunod din sina Diego at Carlo. Ngayon lang nakadalaw sina Carlo at Diego dahil busy rin ang mga ito sa negosyo ng kanilang mga pamilya. Umupo muna ako sa isang tabi at busy naman ang dalawa sa pagtingin kay baby calix. “Wow! Ang gwapo ni baby Calix! Mukhang madaming chiks na mabibihag ‘to paglaki,” puri ni Diego sa bata. Nagtawanan kaming lahat sa sinabi nito. “Kanino naman kaya magmana ‘yang anak ko kung magiging playboy yan?” ngingisi-ngising tanong ni Ethan sa dalawa. Nagtama ang tingin nina Diego at Carlo habang nakangisi. “Hey, it’s not me. It’s you, Carlo. Masyado kang babaero,” tatawa-tawang sabi ni Diego kay Carlo. “Hey, hey, hey! Sino kaya sa tin ang masipag man-chiks, huh?” kantyaw naman ni Carlo kay Diego. “Hindi niyo ako gayahin! Loyal… kaso na-friendzone!” dugtong ko at nagtawanan kami. “Ikaw naman kasi Dude, marami namang ibang girls diyan,” ani Ethan sa ‘kin at tinapik-tapik ako sa balikat. “Iyong iba nga, e, aali-aligid lang riyan. ‘Di ba, Alice?” patutsada ni Karen kay Alice at sabay lingon nilang dalawa sa kinatatayuan ko. Habang si Alice ay malapad ang ngiti sa kaniyang labi ay nakangiti rin ako nang biglang nagtama ang mga tingin naming dalawa ngunit mabilis ko ring iniwas ang tingin ko. ‘Di na kami nagtagal ni Alice dahil gagabihin na kami. Naiwan muna sina Carlo at Deigo. Paglabas ko ng kwarto ay nasa likuran ko lang si Alice. Nagpaalam muna ito kay Karen dahil bihira lang din naman silang magkita. Pagkababa namin sa elevator ay dire-diretso na akong naglakad papunta sa front desk. Gustong-gusto kong inaasar si Alice. Hindi ko rin alam kung bakit pero gusto kong nakikita ang reaksiyon niya every time she gets annoyed. Sinasadya ko rin naman ‘yun para tigilan na niya ako. Maganda si Alice pero, hindi pa yata ako ready dahil ayaw ko rin naman siyang masaktan lalo na’t kaibigan siya ni Karen. Nginitian ko ang dalawang nurse na alam kong kinaiinisan ni Alice. Paglapit ko ay kapwa nakangiti sila sa ‘kin. Nilingon ko si Alice at seryoso itong naglalakad. “Sir, uuwi na po kayo?” tanong ng isang nurse sa akin. “Uh, yes,” sagot ko habang may malapad na ngiti sa aking labi. Biglang nagsalita ang isa pang nurse at bakas sa mga mata nito ang takot. “Sir, baka magalit ang girlfriend ni’yo sa amin?” giit ng nurse at nagulat ako sa narinig ko. Girlfriend? I speak to my mind. Nang makalapit sa ‘min si Alice ay nginitian niya ako at pinandilatan ng mga mata niya ang dalawa. I can’t help but I smiled. “Oh well, may girlfriend pala ako?” tanong ko kay Alice. Hindi mapigilan ni Alice ang pagngiti dahil sa kalokohan niya. “Yes, Honey…” ngingiti-ngiting sagot niya sa ‘kin at hindi ko na napigilan ang sarili kong matawa. This girl is crazy. “Mabuti ka pa dahil alam mo. Ako, hindi ko alam,” I smirked at tinalikuran siya para umalis. Napansin ko ang bahagyang pagtawa nang palihim ng dalawang nurse. Paglabas ko ng hospital ay hinintay ko si Alice. Napansin kong bagsak ang balikat nito at malungkot. “Bakit ka naman nakasimangot? Papangit ka niyan,” pasimple kong tanong para lalo siyang asarin. Tiningnan niya ako at laking gulat ko nang taasan niya ako ng kanang kilay niya and she rolled her eyes. “Hindi ka man lang marunong makisakay,” nagtatampong sabi niya. “Hey, wait.” Mabilis kong inahakbang ang aking mga paa para lang habulin siya at sinabayan sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa parking lot. “I’ll go ahead,” malungkot na sabi ni Alice. Nginitian ko na lang siya at kinawayan hanggang sa hinintay ko siyang makasakay sa kotse niya at umalis. Sinundan ko na lamang nang tingin ang kotse niya habang papalayo. “Aalis na, po, ba tayo, Sir?” tanong ng driver kong si Mang Efren. Nasa fifty-one years old na si Mang Efren at stay in siya sa mansyon. Umuuwi siya kapag kapag day off. Tumango ako sa kaniya bilang sagot at pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse sa bahaging likuran. ... ALICE Napahiya ako sa ginawa ni Dexter. Nabuko tuloy ako ng dalawang nurse na nag-iimbento kaya feeling ko ay nakahihiya. Hindi man lang kasi marunong maki-ride si Dexter, tsk! Magulo pa ang buhok ko habang nakahiga sa higaan. It’s already five in the morning. Parang tinatamad akong bumangon at pumasok. Wala akong maiharap na mukha kay Dexter ngunit hindi ako p’wedeng magpatalo sa kaniya. Bumangon ako at umuna-unat. Tinapik-tapik ko ang magkabilang pisngi ko nang magising ang katawang lupa ko at mawala ang antok. Pagdating ko sa office ay nadatnan ko sa cafeteria si Patrick na nagte-text sa kaniyang cellphone. “Good morning!” bati ko ka sa kaniya at kaagad niyang itinago ang kaniyang cellphone. Tumayo siya at sinalubong ako para ibeso-beso. Normal nga lang talaga ‘to sa mayayaman kaya hindi na ako nag-isip ng hindi maganda. Mukha rin naman kasing mabait itong si Patrick kaso hindi ako sigurado kong matino ba ito pagdating sa relationship. Wala nga itong girlfriend ngayon at panay ang paramdam sa ‘kin. “Goodmorning, Alice! Kumusta ang lakad n’yo kagabi ni Dexter?” usisa niya sa ‘kin at umupo ako. “Okay lang naman,” tipid kong sagot. “You want coffee?” tanong niya habang nakatayo. Tumango ako sa kaniya at kaagad naman siyang kumilos para ipagtimpla ako. Inilapag niya ang tasa ng kape sa harapan ko at umupo sa aking tabi. “Balita ko ay magkakaroon tayo ng team building.” Biglang lumiwanag ang aking mukha sa narinig. Kaya naman napahigop ako ng kape at tiningnan siya. “Really? Bakit ikaw pa yata ang unang nakakaalam kaysa sa ‘kin?” nagtataka kong tanong. Noong una nalaman niyang dito papasok si Dexter. Pagkatapos... ngayon naman alam niyang magkakaroon ng team building. Natigilan kami nang dumating si Isabelle at binati kaming dalawa ni Patrick. “Goodmorning, po, Ma’am Alice, Sir Patrick,” nakangiting bati nito at kumuha ng sarili nitong tasa. “Isabelle? Totoo ba’ng magkakaroon ng team building? May s-in-et na bang date si Daddy?” Tanong ko. Napaigtad pa si Isabelle sa aking tanong at ginawaran siya nang makahulugang tingin. Tumango-tango siya sa ‘kin at tiningnan si Patrick. “O-Opo, Ma’am Alice. Pag-uusapan daw, po, mamaya sa meeting.” Ngumiti ako kay Isabelle nang pilya. “Why does Patrick always seem to know the news before me, Isabelle?” patutsada sa rito at sabay tingin ko kay Patrick na siya namang natatawa. “Why do you look at me like that?” giit ni Patrick at nagmadali namang umalis si Isabelle. “Siguro… type ka ni Isabelle?” Ngumuso ako sa direksyon ni Isabelle at sinundan ito nang tingin ni Patrick. “Hell no! Mabait lang talaga si Isabelle kaya minsan ay nagkakausap kami,” ngingiti-ngiti niyang sagot. “Naku, ikaw pa! Baka nga binola-bola mo!” biro ko. Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Patrick. “Ikaw lang naman ang gusto ko— kaso, manhid ka lang.” Biglang may kung ano’ng kumurot sa puso ko nang marinig ang sinabi ni Patrick. Ganitong-ganito ang nangyayari sa amin ni Dexter. Kaya naman hindi ko alam kung ano ang tamang sasabihin ko sa kaniya. “Ahm… you know… hindi ka naman nanliligaw— so how do I know?” Bahagyang natigilan ako sa aking sinabi ng ma-realize ko kung bakit ko sinabi ang bagay na ‘yon. It was like as if I had already said that I allowed him to court me. Lumawak ang ngiti niya sa kaniyang labi at hinawakan ang mga kamay ko. “Do I still need to ask your permission? I’m sorry… I mean… parati na nga akong nagpaparamdam sa ‘yo.” Hinalikan niya ang likurang bahagi ng kanang kamay ko dahilan para matulala ako sa kaniyang ginawa. Napaawang din ang labi ko at hindi ko alam ang sasabihin. Napaigtad ako nang biglang may nagsalita sa aking likuran. “Good morning,” sabi ng isang baritonong boses na pagmamay-ari ni Dexter. Mabilis akong lumingon sa aking likuran at hinila ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Patrick. Nakita niya kaya ‘yon? Tanong ko sa aking isipan. “Ahm… Good morning, Dex!” nakangiting bati ko sa kaniya. Natigilan kami dahil nilagpasan niya lang kami ni Patrick. “What’s with him?” seryosong tanong ni Patrick sa ‘kin na puno ng pagtataka. “Masungit talaga ‘yon.” Bahagyang napangisi si Patrick at sinuklay paitaas ang buhok niya. “Nanliligaw ba siya sa’yo?” “H-Huh?! H-Hindi! Naku! Hindi nga ako pinapansin niyan. Isa pa… malabong magkagusto siya sa ‘kin.” “Why not? You’re beautiful and smart,” seryosong sabi ni Patrick habang tinitigan ako aking mga mata. Hindi ko alam pero walang effect sa ‘kin ang sinasabi ni Patrick. Parang normal na lang ‘yon sa ‘kin because I always hear such praise. Bigla akong nakaramdam ng kalungkutan dahil nagising ako sa reyalidad na kahit ano’ng pa-charm at paganda points ko kay Dexter ay walang talab. “Thank you. Alam mo, magaling ka mga ganiyang bagay,” biro ko at hinampas ko siya sa balikat at hindi niya rin napigilan ang matawa. Pinatawag kami ni Daddy sa conference room. Pag-uusapan namin ang tungkol sa gaganapin na team building. Every year namin itong ginagawa para ma-refresh ang utak ng mga employee namin. Di yung puro trabaho lang sila at kasama rin kami. They are always tired from work and need to relax. “Dad, saan naman natin gaganapin ngayon ang team building?” tanong ko kay Daddy. Samanatala, naiwan si Dexter sa office ko. Hindi na siya nakisali sa meeting dahil kaya na raw namin ‘tong pag-usapan. “Hmmm… I think— para maiba naman ay sa bundok tayo,” ani Daddy. “Well, p’wede na rin,” patango-tango na tugon ni Patrick. “Hmmm… P’wede rin naman. We will make sure na safe ang mga tao natin,” dagdag ko. “Please, tell Dexter to come with us, Hija,” pakiusap ni Daddy sa ‘kin. Hindi ako makapaniwala na isasama namin si Dexter. “Why do we need to include him?” nagtatakang tanong ni Patrick na hindi sumasang-ayon kay Daddy. Nagkasalubong na rin ang magkabilang kilay nito. “He is now part of our company, Hijo,” sagot ni Daddy sa kaniya. Naglipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa at napangiti sa sagot ni Daddy. “Alice, make sure that he will come. Understood?” giit ni Daddy. I smiled ang nodded. “Yes, Dad. Makakaasa ka.” Sana nga ay makumbinsi ko si Dexter para makasama namin siya. Excited tuloy akong makasama si Dexter sa camping. Kaya abot-tainga na naman ang aking ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD