Chapter 6 (ALICE)

1827 Words

PAGKATAPOS ng meeting ay bumalik kaagad ako sa office namin ni Dexter. Nadatnan ko siyang hawak ang kanyang cellphone at may kausap. Napakunot ang noo ko nang marinig ang kaniyang sinasabi sa kabilang linya. “Saka na kapag hindi ako busy.” Dahan-dahan akong naglakad patungo sa table ko at sinulyapan siya. Malapad ang ngiti sa labi niya habang patuloy ang pakikipag-usap. “Alright. See you, then.” Napataas ang aking kanan kilay. Siguro ay babae ang kausap ni Dexter. May date yata ang loko. “Okay, bye,” dagdag pa niya at ibinaba ang tawag. Inilapag nito ang cellphone sa table niya at ibinaling ang tingin sa ‘kin. Nagtaas ang magkabilang kilay niya na tila naghihintay sa sasabihin ko. Napataas din ang magkabilang kilay ko na tila nagtatanong sa kanya. Nasa kaniya ang buong atensiyon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD