Halos nagkanda tapilok ako sa paghatak sa akin ni Dexter. Mabuti na lang ay naibalanse ko pa ang sarili ko. Nang makarating kami bandang likuran ng mansyon nina Ethan ay binitawan ako ni Dexter. Napahaplos siya sa kaniyang ulo at napasuklay ng buhok. Tinalikuran niya ako at nakapamewang na s'ya ngayon. Halatang iritable ito at baka dala ng alak. Hinimas-himas ko ang aking pulsuhan na mahigpit niyang hinawakan kanina. Ngayon ay nalalaki ang butas ng ilong ko dahil sa galit at magkasalubong ang mga kilay ko. Halos hindi na maipinta pa ang mukha ko. “What the hell are you doing!” bulalas ko. Ngunit naglakad siya nang pabalik-balik na tila hindi mapakali. Hindi niya ako sinagot. “Ano'ng kailangan mo?” tanong ko. Tinapunan niya ako ng matalim na tingin at muli akong tinalikuran. Lalon

