chapter 3

3433 Words

Nang̃agsibalík sa daan at palakád na tumung̃o sa dakong Trozo. Sa harapán ng̃ isáng muntîng bahay na tablá, na ang anyô’y masayá at malinis, ay may isáng kastilà na naníniín sa isáng tungkód at nag-áalíw sa liwanag ng̃ buwán. Tinung̃o siyá ni Simoun; nang makita itó ng̃ kastilà ay nagtangkâng tumindíg na tinimpî ang isáng daíng.   --¡Humandâ kayó!--aní Simoun sa kaniyá.   --¡Kailán ma’y handâ akó!   --Sa linggóng dáratíng!   --¿Na ba?   --¡Sa unang putók ng̃ kanyón!   At lumayông kasunód si Plácido na nagsísimulâ na ng̃ pagtatanóng sa sarili kung siyá’y nanánaginip.   --Ikinatátaká ninyó--ang tanóng sa kaniyá ni Simoun--ang pagkakita sa isáng kastilàng batà pa’y salantâ nang lubhâ ng̃ mg̃a sakít? May mg̃a dalawáng taón lamang na iyán ay kasingtibay ninyó sa pang̃ang̃a

New users can unlock 2 chapters for free!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD