Kinuha ko ang cellphone na nakapatong sa center table at tiningnan iyon pero wala pa rin ang inaasahan kong mensahe. Mula pa kaninang umaga ay binabantayan ko na ang nakasanayang text message o kahit ang chat ngunit wala pa rin ang kahit isa sa mga iyon. Napatingin na rin ako sa wall clock, alas tres na ng hapon pero ni kahit alin sa mga inaasahan ko ay hindi pa rin dumadating. Inis na humalukipkip ako. Parang gusto ko na lang ihagis ang cellphone. "Oh, bakit nanghahaba ang nguso mo?" sita sa akin ni Letti. "Wala pa rin bang message si Loverboy?" Ngumuso lang ako at kinalabit ang nagpipigil ng ngiting si Sab. "Okay ba ang network n'yo? Hindi ba down or baka ay may glitch?" Letti turned to me. Naaaliw na tumingin s’ya sa akin. "Ka-chat ko si Macky at nakatatanggap naman ako ng mga mes

