Nangungunot ang noong tiningnan ko ang dalawang lalaking nasa magkabila kong gilid. Nasa dining area kami dahil hindi pumayag si Ric na hindi ako kumain bago umuwi kaya heto ako ngayon, pinipilit na ubusin ang gabundok na pagkaing inilagay sa plato ng walanghiyang si Ricardo. "Okay lang ba kayong dalawa?" hindi nakatiis na tanong ko. Baka maya-maya ay magsapakan na lang sila, mahirap na at ako pa ang nasa gitna. Sobrang naninibago ako sa dalawang lalaki dahil kanina pa sila hindi nag-iimikan. Kahit nga nang dumating si Markiel ay parang wala namang nakita si Ric. Ni hindi n'ya binati ang kaibigan ko. Nagtataka na nga ako dahil hindi naman sila ganito noon. Tiningnan ko nang masama ang nakahalukipkip na si Ric. Nakaupo s'ya sa kabisera ng lamesa. At ang walanghiya, umirap lang s'ya sa

