bc

Almost Lastingly

book_age16+
1.1K
FOLLOW
3.5K
READ
billionaire
love-triangle
contract marriage
forced
pregnant
arranged marriage
CEO
office/work place
cheating
childhood crush
like
intro-logo
Blurb

"Little do you know, how I'm breaking while you fall asleep." As I sing the first line of the song.

Bawat lyrics na aking kinakanta tumatamatagos ito hanggang sa aking puso.

"I'll wait, I'll wait I love you like you've never felt the pain, I'll wait." As he started singing his line.

Hindi ko alam kung bakit kaming dalawa ang pinakanta ng aming batch mate, dahil ba sakto sa amin ang kantang ito?

Bakit pa tayo pinagsama kung pansamantala lang naman pala? Mabilis kong pinunasan ang isang luhang tumulo mula sa mata ko.

Maybe this love story is not for us, I thought it will last but it is almost lastingly.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 Back Sinimulan kong ilagay ang aking mga damit sa maleta. Tinutulungan ako ng aking kambal sa pag-aayos. "Hindi ka talaga sasama ate?" I asked her. Ngumiti siya ng malungkot tiyaka umiling. "Hindi." She answered. "Ang tagal mo nang hindi nakakabalik ng Pilipinas ah? Since Setiel passed away." I said. Hindi niya ako sinagot instead she diverted the topic. "Ayusin mo Grace, wala kami nina mommy. Ba't kailangan mo pa bang umuwi?" She's pissed. Ayaw ko kasi rito sa ibang bansa, ewan ko kahit na apat na taon na kaming nakatira rito may bahagi parin sa puso ko na hinahatak akong umuwi sa Pilipinas, hindi ko alam kung bakit. "Mas okay ako roon, Ate. At isa pa para may makasama si Ate Angelie, simula nung iniwan tayo ni Setiel wala na siyang kasama." Which is true, walang ibang kaibigan si ate Angelie since Setiel passed away. "Sabagay." She said. Kina tito Matteo ako titira kasama ang mga pinsan ko, hindi ko alam kung ano pa ba ang dadatnan ko sa bahay na 'yon, mukhang nawalan ng kulay magsimula nung iniwan sila ni Setiel three years ago. Umalis kami sa Pilipinas para maalagaan namin si lolo but two years after Setiel passed away, sumunod si lolo. Napagdesisyunan narin nina mommy na sa L.A nalang muna kami manirahan. Tatapusin ng kakambal ko na si Ate Joyce ang pag-aaral niya rito sa ibang bansa bago sila sumunod sa akin sa Pilipinas, magta-transfer naman ako kung saan ang school ni ate Angelie. Ang daming nagtatanong sa amin ni ate Joyce kung bakit ang layo raw ng pangalan namin sa isa't-isa, Joyce Ann at Grace Lae. Pero kung iintindihin mong mabuti, magkalapit lang naman. Ang meaning ng Joyce at Grace. Nang matapos na kaming mag-impake, bumaba na kami para kumain. Mamaya na rin kasi ang flight ko pauwi sa Pilipinas. "Libangin mo nga sina Angelie at Adam sa Pilipinas. Ang lungkot na nila." Mommy said. As I said earlier, makikita mo man masaya sina Kuya Adam pero may mali, sa likod ng kanilang ngiti may sakit na nakatago. "I'll try mom." Sagot ko. Umiling si daddy tiyaka nagsalita. "Hindi ko alam kung kailangan kong kaawaan ang mag-ama o ano." He said. Tumingin kami sa kaniya habang nagsasalita siya. "Pareho silang nang tadhana, naiwan silang pareho ng taong mahal nila at kahit ano pang gawin nila hindi na sila babalikan nito." Sagot ni dad. He's right, Tito Matteo and Kuya Adam had the same fate. "Kinakabahan ako na baka tumandang binata si Kuya Adam." Ate Ann is right. Nasa lahi pa naman nina tito Matteo ang matandang dalaga't binata. "Sayang lahi." She added a joke. "Alam mo na ang mga bawal, Grace. Malaki na kayo." Habilin sa akin ni mommy. Tumango lang ako sa sinabi niya. Pagkatapos namin kumain, nagbihis na ako para maghanda sa flight ko. Hahatid nila ako kagaya ng plano namin. Hindi ko nga rin alam kung paano ko napapayag sina mommy na ako ang unang uuwi sa Pilipinas siguro dahil nagbago nga si ate Angelie, naging malungkutin na kasi ito gaya ng kinukuwento sa amin ni tito Matteo. Kakalapag lang ng eroplanong sinakyan ko. This is it. I'm back. Hapon na ng makarating ako rito. Pagkatapos ng lahat nang kailangan gawin. Nakita ko na sa waiting area si ate Angelie. Kaagad akong tumakbo para mayakap siya. She hug me tight. I smile. "Kumusta?" Unang tanong ko sa kaniya. "Ayos lang naman, ikaw? Kumusta kana? Na miss kita." Nakangiting sagot niya. Maybe we can get along each other everyday, para hindi na rin siya malungkot. Nakita ko ang paglapit ng isang pamilyar na lalaki sa amin, kumunot ang noo ko nang makita ko siya habang may hawak ng coffee cup. Natulala siya nang makita ako pero kaagad rin siyang bumalik sa huwisyo. Inilibot niya ang kaniyang mata but he shrugged his shoulder. "Kuya Clark!" Tawag sa kaniya ni ate Angelie. "Hindi kasi pwede ngayon si Kuya Adam eh, busy siya sa opisina." Paliwanag ni ate Angelie. They graduated college at si Kuya Adam na ang nagtatrabaho para sa kumpanya nila. Tumutulong lang si ate Angelie kung kinakailangan dahil may sarili itong cake shop. Business management major in marketing ang kinuha kong kurso. Para rin sa business namin. Tamad na kinuha ni Clark ang gamit ko at pumunta na kami kung saan sila naka park. Sa back seat kaming pareho ni ate Angelie. "By the way, sa school ka ba namin mag-aaral? Etong si Clark hindi pa graduated, nag shift ng course eh." Tuloy-tuloy na sabi ni ate. Tumango lang naman ako sa sinabi niya. "Kailan ba pwedeng magpa enroll roon ate?" I asked. September na rito sa Pilipinas at isang buwan na magsimula nung magsimula ang pasukan ng mga college students. "Pahinga ka muna bukas, masyadong mahaba ang binyahe mo. Samahan ka ni Clark." Nakita ko ang pagtingin ni Clark sa rear mirror pero kaagad rin itong tumingin sa dinadaanan. "Kumusta na pala si kuya Adam?" I diverted the topic, malungkot na ngumiti sa akin si ate. "Wala. Babad sa trabaho." She said. "Nag-alala nga kami ni Dad dahil baka siya ang susunod sa tapak ni tita Macy at lola." Paliwanag niya, 'yon din ang inaalala namin. "Wala nabang balak magmahal ulit?" I asked out of a sudden. Totoo ba ang first love never dies? "Dad pushed his marriage with Cassidy but he rejected it. He said he wants to enjoy his life." Malungkot na kuwento ni ate sa akin. "Grabe naman palang magmahal ang mga Suarez." I said and I accidentally look at Clark who's smirking. "Makakahanap din siya ng bago." Wika niya dahilan ng seryoso naming pagtingin sa kaniya. "Paano?" Ate curiously asked. "Kung mabuhuhay ulit si Setiel, mamahalin niya ulit." He answered with a sarcastic tone. "Kung ako sayo Angelie, sabihin mo kay tito na huwag nang i-push pa ang kasal nila ni Cassidy, baka mapikon 'yang si Adam. Give him more time." Payo nito kay ate. He looks matured. I don't know him. He's not the Clark Kent I've known. Ibang-iba. "More time? Five years still not enough?" Hindi makapaniwalang tanong ni ate. "Let him be." Sagot niya. "Kung hindi siya makapag-asawa, ano ngayon? Edi ikaw ang magkalat ng lahi ng mga Suarez." He joked. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa bahay nina ate. Nagkukuwento kasi sakin si ate which I found good, at least may nakakausap na siya. Kinuha ni Clark ang mga gamit ko sa compartment ng kotse niya. Naunang pumasok sa bahay si ate kaya hinintay kong mababa ang dalawang maleta ko at isang back pack. "Thank you." I said nang mababa na ang dalawang maleta ko at kinuha na ito. Napatalon ako sa gulat ng pinatong ni Clark ang kanyang kamay sa kamay ko na nasa maleta. "Ako na." He said without emotion. Napakamot ako sa ulo ko habang pinagmamasdan ang likod niya na pumasok sa bahay nina ate. Wala akong magawa kung hindi sumunod nalang sa kaniya. Nang makapasok sila sa sala, sa gilid naman ng sala nilagay ni Clark ang mga gamit ko. Inikot ko ang aking mata para tingnan kung nasaan si ate pero hindi ko makita, marahil ay nasa taas. "Mabuti ikaw lang ang umuwi?" Bahagyang kumalabog ang puso ko nang marinig kong magsalita si Clark. Ang lamig ng boses niya. Clark Kent look matured and his action too. Wala na rin itong emosyon, totoo nga ang kasabihan na nothing is permanent but change. "A-ah? Tatapusin na muna ni ate Ann yung pag-aaral niya roon." Kinakabahan na sagot ko. Tinanguan niya ako. "Kumusta siya?" Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa tanong niya. "Fi-fine." Tiyaka ako nag-iwas ng tingin. Nagpasalamat ako nang marinig ko ang mga yapak ni ate pababa ng hagdan. Nakasuot na ito ng pambahay. Nagulat siya ng makitang hindi pa umaalis si Clark. "Oh? Anong kailangan mo?" Tanong ni ate sa kanya. "Wala pa si Adam?" He asked. Bahagyang umiling si ate. "Ano nanaman plano niyo? Bar? Gumiginhawa ba ang pakiramdam niyo roon ah?" Sermon sa kanila ni ate. "Nako, kung nandito lang si Setiel baka napagsabihan na kayo non!" Still, there still a shadow of Setiel here, here in our heart. "Pampalipas lang ng oras." Tamad na sagot ni Clark sa pinsan niya. Bakit siya nagbago? Anong nangyari sa kanya? "Bakit? Nag-away ba kayo? Ikaw lang naman itong nagbibigay ng malisya ah. Sabi ko naman sa iyo, palakaibigan lang talaga siya! Walang meaning lahat ng 'yon!" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Angelie. "Stop." Tanging sabi lang ni Clark kay ate Angelie. "Ano ba! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa inyong dalawa ni Kuya! Kung iniwan na kayo edi iniwan na! Move on na!" Ate look so frustrated right now. Mukhang namomroblema sa dalawang Suarez. "Naiintindihan ko pa si Kuya eh, pero ikaw?" Tiyaka ito umiling. I'm out of place here. "A-ah. Saan yung magiging kwarto ko?" Sumingit ako sa usapan nilang dalawa. Bastos na kung bastos but I need to rest. Kahit ituro lang ni ate ang kuwarto ko tiyaka sila magsermunan dito. Bahagyang tumingin sakin si Clark pero tumingin lang ulit kay ate ng walang emosyon. Kung walang emosyon si Clark paano pa kaya si kuya Adam? Ang dami na ngang nagbago. Lumilipas ang panahon, nagdaraan ang maraming taon sumasabay sa pagbabago ang mga tao. Parang kikilalanin ko muna sila, yung bagong sila. Adjustment is it. Sana makapag adjust ako ng mabuti. "Pangalawang kuwarto sa second floor." Sagot ni ate. "Maayos na, padala ko nalang mga gamit mo sa taas, pahinga ka muna." I nodded. Umakyat na ako taas pero habang paakyat ako narinig ko ang pagtawag ni Clark sa pangalan ko kaya napahinto ako sa pag-akyat ngunit hindi ako lumingon. "Samahan kitang pa-enroll bukas." Malamig na wika nito. Dahan-dahan akong tumango mula sa pagkabigla. Is it welcome back?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
64.5K
bc

The Runaway Mrs dela Merced

read
507.3K
bc

Unwanted

read
512.0K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

His Precious Property

read
615.4K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
432.2K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook