Chapter 7

1623 Words
Chapter 7 Avoid Tahimik lang ako sa biyahe, hindi kumikibo at pinapakalma ko ang sarili ko sa nangyari. Hindi ako sanay sa mga ganong senaryo, lalo na't wala pa si ate Ann. Kinuha ko ang suklay sa bag ko para ayusin ang sarili ko, baka kasi mag-alala pa si Ate Angelie sa itsura ko na ayaw ko namang mangyari makakadagdag pa ako sa dami ng ginagawa niya. Pasimple kong tiningnan si Clark na seryosong nagmamaneho sa tabi ko. Mahigpit ang hawak sa lamesa at bahagyang gumagalaw ang panga niya. Kinakabahan ako sa expression niya, para siyang manununtok. Iniwas ko narin ang tingin ko sa kaniya at tiningnan ang dinadaanan namin. Kumunot ang noo ko nang makitang ibang daan ang tinatahak namin, hindi ito pauwi sa bahay, ibang daanan ito. "Te-teka? Saan tayo pupunta?" Kinakabahan na tanong ko, nakita ko ang bahagyang paggalaw ng panga niya. Hindi niya sinagot ang tanong ko sa halip ay nakatuon lang ang kaniyang pansin sa dinaraanan namin. Hindi ko nalang din pinansin, this is a long day for me. Ilang minuto ang nakalipas at nakapark ang sasakyan niya sa isang ice cream parlor. Hindi ako bumaba. Bakit pa? Ayaw ko rin naman, wala akong gana. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagbaling niya sa akin. Nagtataka siguro kung bakit hindi ako bumababa. "Tara." He said coldly, hindi ako nagpadala sa lamig ng boses niya. Hindi man nga niya ako sinagot kanina eh. "Lae." Bahagyang namilog ang mata ko sa tinawag niya sakin pero kaagad rin akong bumalik sa huwisyo. Bumaling ako sa kaniya para sabihin ang gusto kong ipahiwatig. "I don't like ice cream." That's a fact about me. I don't usually eat ice cream, simula pa nung bata ako dahil pinagbabawal ni mommy. She said I have a precious voice, kaya para hindi masira ang boses ko. Nakita ko ang gulat sa kanya dahil sa pamimilog ng mata niya. Mukhang hindi niya inaasahan ang sinabi ko, dahan-dahan siyang tumango at gumalaw ang kanyang panga. Tiyaka niya pinaandar ulit ang sasakyan. "Okay." Tipid na sagot niya at kaagad pinaharurot ang sasakyan. Nakarating kami sa bahay ng walang imikan, hindi ko alam pero lalong lumalim ang iniisip niya. Ano bang meron at parang nagulat siya na ayaw ko sa ice cream? May problema ba doon? Binuksan ko na ang pintuan tiyaka ako pumasok sa loob nang hindi ko siya tinitingnan. Nakita ko si ate Angelie na nagbabasa ngayon sa sala ng isang libro. "Hmm. Hindi ganto ang oras ng uwian mo ah?" Pagtataka ni ate Angelie. Tiningnan ko ang wrist watch ko, six thirty o'clock na. "Ikaw rin naman ate eh." Asar ko sa kaniya. She just rolled her eyes that make me chuckle. Umupo ako sa upuan sa sala kahit na gusto ko ng magpahinga. May gusto lang akong itanong kay ate Angelie. "Mahilig si Clark sa ice cream?" I asked. Naibaba ni ate ang binabasa niyang libro sa tanong ko. "Bakit mo natanong?" Seryosong tanong ni ate sakin, mukhang may something talaga sa ice cream. "Ah." Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. "Kasi kanina, pumunta kami sa isang ice cream parlor kaso sabi ko hindi ako mahilig sa ice cream. Alam mo na ate, inaalagaan ko yung boses ko." I said a matter of factly. Bahagyang tumango-tango si ate at ininom ang juice niya. "Her favorite." Tanging sagot lang ni ate. Her? Sinong Her? "Setiel?" Alam ko kasi mahilig si Setiel sa ice cream but not her favorite. "No. He's not in love with Setiel, he's in love with someone." Paliwanag sakin ni ate at muling binalik ang atensiyon sa kaniyang binabasang libro. Napatango ako dahil don, so iyon ang stress reliever ng babaeng mahal niya? Akala niya ba pareho kami? Nakaramdam ako ng kaunting kirot pero kaagad kong iniling ang ulo ko para mawala ang mga iniisip ko. Tahimik akong umakyat sa taas. Leaving ate without a word. Ang daming nangyari ngayong araw na ito. Parang hindi pa nagpa-process sakin ang lahat. Kinaumagahan, maaga akong nagising hindi kagaya noong una. Five o'clock palang ay gising na ako kahit na nine o'clock pa lang ang pasok ko. Kaagad ko nang ginawa ang morning routine ko tiyaka kinuha ang bag ko. Maingat akong bumaba dahil baka tulog pa sina ate at kuya. Mukhang tulog pa nga dahil mga kasambahay pa lang ang nakikita kong gising. "Oh? Grace, ang aga mo yata ngayon?" Tanong sa akin ni manang. Naiilang akong ngumiti. "Ah. May dadaanan papo ako." Which is not true. God, natuto akong magsinungaling dahil lang sa plano ko. "Alam ba nina Adam at Angelie ito?" Bahagya akong umiling dahilan ng pagsalubong ng kilay ni manang. "Baka natutulog pa po sila, hindi ko na muna po gigisingin." Pagdadahilan ko. Napatango siya sa palusot ko. "Kumain ka muna ng almusal." Kaagad akong umiling, baka magising pa sina ate at kuya. "Hindi na po. Sa labas na muna po ako kakain, nagmamadali po ako ngayon." I said. Kahit na nagtataka si manang ay tumango nalang siya sa sinabi ko. I slightly bow my head sign na aalis na ako. Kaagad akong kumaripas ng takbo sa labas, malapit lang naman ang bahay nina ate sa gate ng subdivision kaya nilakad ko nalang ito. Ngayong nasa labas na ako ng subdivision hindi ko alam kung ano ang sasakyan ko. Siguro ay taxi nalang para pangalan nalang ng school ang sasabihin ko. Pumara na ako ng isang taxi at nakarating na ako sa school. Napatingin ako sa orasan ko. Seven o'clock palang. Mayroon pa akong dalawang oras. Dumeretso ako sa canteen ng school para kumain ng almusal. Hindi ko naman papabayaan ang sarili ko no. Halos kalahating oras akong kumain at nag order pa ako ng isang sandwich at orange juice. Tatambay muna ako sa garden. Mayroon pa akong isang oras. Habang nakaupo ako sa isang bench sa garden, hindi ko maiwasan ang magbalik tanaw sa nakaraan. Ang dami na ngang nagbago. Malaking pagbabago ng mga taong nakapaligid sa akin noon. Tama nga sila na change is a permanent thing. Parang ibang tao ang nakakasalamuha ko, tama ba ang desisyon ko na bumalik sa Pilipinas? Akala ko kasi, akala ko kasi hihintayin niya ako kaya ako bumalik. Iyon kasi ang sinabi niya sakin. Hinintayin niya ako sa pagbabalik namin. Hindi pala. Bakit ba ang hilig kong umasa? Bakit ang hilig kong magtiwala sa mga sinasabi nila? Naramdaman ko ang pagtunong ng cellphone ko hudyat na may tumatawag sa akin. Clark Kent Ang nakasulat na name sa cellphone ko. Oo nga pala, sinave niya ang number niya kahapon sa cellphone ko. Nagpakawala ako ng buntong hininga bago ko ito sinagot. "Hello?" "Hello? Nasaan ka?" Nahimigan ko ang pag-alala sa boses niya pero kaagad akong umiling. "Namamasyal lang." tipid na sagot ko. "Nasaan ka nga? Bakit hindi mo ako tinawagan? Hahatid naman kita kahit saan." Inis na wika niya, napapikit nalang ako. Ayoko. Ayokong umasa. "Ayos lang naman ako." Malayo ang sagot ko sa mga katanungan na ibinato niya sa akin. "Nasaan ka?" May diin na tanong niya. Narinig ko ang boses nina ate at kuya sa kabilang linya. "Pakisabi kina ate, ayos lang ako." Mahinahon na wika ko. "Nasaan kaba? Nandito ang kakambal mo sosorpresahin ka sana." Namilog ang mata ko dahil sa sinabi niya. "Hindi mo man lang inisip ang nararamdaman ng kakambal mo." Bahagya akong napangiti ng mapait dahil sa sinabi niya. "Na-nasa school na ako." Nahihirapan kong sagot at kaagad kong binaba ang tawag niya. Oo nga naman sino bang nagsabing ako lang ang hihintayin niya? "Hihintayin ko kayo." Kayo. Hindi lang ako. Kung hindi kami. Bakit ganito naman ang tadhana samin ni ate? Kaagad kong pinunasan ang luhang tumulo mula sa aking mata. Ngumiti ako na parang tanga. Kinuha ko ang sandwich sa tabi ko at tahimik itong kinain kahit na nararamdaman ko ang walang sawang pag vibrate ng cellphone ko. Ano pa bang magagawa ko? Naramdaman ko ang pag-upo ng isang tao sa tabi ko. Pasimple kong pinunasan ang luha sa aking pisngi at pinakalma ang sarili ko. Nakakahiya naman sa katabi ko. "Kanina ka pa namin hinahanap." Nagulat ako ng marinig ko ang malamig na boses. Pamilyar. Isang tao lang ang nagmamay-ari ng boses na 'yon. "Cla-clark." Kinakabahang wika ko. Tumingin ako sa paligid para hanapin si ate Ann pero hindi ko siya nakita. "Si Ate?" Naiilang na tanong ko. Napasinghap siya bago nagsalita. "Naghiwa-hiwalay kami para hanapin ka." Sagot niya sa tanong ko. Tumango ako. "Bakit mo ako iniiwasan?" Nagulat ako sa tanong niya, ganon ba ka-obvious ang kilos ko? Paano niya kaagad nakuha iyon? "Why would I avoid you?" Kahit na kinakabahay ay nakuha ko parin i-straight ang tanong ko. "Yes. Why would you?" Tiyaka niya ako binigyan ng Suarez na tingin, masungit na malamig. "Hindi kita iniiwasan." Mabilis na sambit ko at iniwas ang mata ko sa kaniya. "Kung hindi pag-iwas ang ginagawa mo ngayon, what will you call it then?" Then he smirk. "Pwede ba Clark! E ano naman ngayon kung iniiwasan kita? Why making that a big deal huh?" Medyo napipikon na tanong ko sa kaniya. "Then you said it. You're avoiding me." He said with finality. Napapikit ako ng mariin at kaagad rin akong nagmulat. "Nasaan sina ate?" He shrug his shoulder. "Angelie's looking around." Tamad na sagot niya. "How about my twin?" I asked. He shrugged his shoulder again. "America?" Patanong na sagot niya. "Akala ko ba umuwi siya?" I asked with disbelief. "Hindi mo naman kasi sasabihin sakin kung nasaan ka kaya binanggit ko ang pangalan niya." I look at him with disbelief. Dahil sa inis ko padabog kong kinuha ang shoulder bag ko at umalis sa lugar na iyon. Argh! CLARK KENT SUAREZ!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD