In the Right Places

1434 Words

Dahan-dahang iminulat ni Stef ang mga mata at kasabay nito'y napabaling siya sa kanyang kamay na may kahawak na ibang kamay. Gumapang ang kanyang paningin sa mga braso nito, patungong balikat, hanggang sa masilayan ang sugatang mukha nito. "Greg!" Napatayo siya sa upuan at maingat na hinawakan ang mukha ng lalaki. Pahapyaw niyang tiningnan ang buong kwarto na puno ng aparato at kagamitang pang-ospital. Sa may gawing bintana naman ay may nakasabit na orasan na nagsasabing alas-sais na ng umaga. Sa ibaba nito'y may malaking sopa kung saan mahimbing na natutulog si Stryke at si Gael. Naka-barong at gown pa rin ang dalawang ito. "A-Anong nangyari? Paano ako napunta rito?" Tiningnan niya ang sarili at napansing naka-wedding dress pa rin siya na may kaunting bahid ng dugo. Muli siyang bumalin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD