Hinatid ni Greg ang nobya sa bahay ni Tamara at doon ay namalagi siya hanggang gabi. Nang nakatulog na si Stef, kinausap ni Tamara ang binata. "Greg, I'm so worried about Stef. Kagabi nga, nandoon siya sa backyard. Sinunog niya 'yong mga books na sinulat niya. Binasag niya rin ang mga trophy." Umupo si Tamara sa sopa at kinuha sa kanyang bulsa ang isang maliit na piraso ng tropeyo. "Dati, ingat na ingat siya sa mga 'yon. Ni ayaw niyang maalikabukan. She must be so depressed now. Lagi nga siyang malungkot at nagmumukmok sa kwarto." Bumuntong-hininga si Greg at umupo sa tapat ni Tamara. "Don't worry Ninang, nandito na ako. Hindi ko siya pababayaan. Pinapangako ko, magiging masaya siya kahit hindi pa bumabalik ang memorya niya," ani Greg. "I'm looking forward to that, Greg." Kahit papaano'

