Samantalang ilang oras nang nakatutok si Tamara sa kanyang laptop. Nasa mini-office siya sa loob ng isang lihim na pinto papasok sa kwarto niya. Siya lang at si Stef ang nakakaalam ng kwartong ito. Gamit ang mouse, pinindot niya ang website ng Nemosyne International Hospital. Sa ibaba ng logo, pinili niya ang Department of Psychiatry. Sa ibaba nito'y diniinan ang List of resident Psychiatrists at lumabas isa-isa ang pangalan ng mga doctor. "Jared White, M.D. Top psychiatrist..." Napukaw ang atensyon ni Tamara sa isang pangalan sa pinakataas. Agad niya itong kinopya at idinikit sa cork board. Nagtagumpay man sa pananaliksik, nagdadalawang-isip si Tamara kung itutuloy pa ang binabalak. Kaya kahit noong namamahinga siya sa sala'y nagtatalo pa rin ang kanyang isipan at puso. "Tama ba 'to?"

