"Don't stare at me like that as if you've seen a ghost. I still breathe, Tamara." Mahinang tinawanan ni Elijah ang reaksyon ng matandang babae. Halos hindi ito gumagalaw sa pagkakaupo at ang sariling paghinga ay tila pinipigilan. "Y-you're alive?" Pakiramdam ni Tamara, hindi pa rin bumabaon sa kanyang isipan ang kasalukuyang kinakaharap. "I thought you're gone. How did you survive?" Halos hindi kumukurap siyang nakatitig sa kaharap na binata. "It's nice to see you too," malayong tugon ni Elijah. Kung ituring niya ang bisita'y tila matalik na kaibigan na matagal nang hindi nakita. "Answer me, Elijah," madiing pakiusap ni Tamara. Nagbuntong-hininga ang binata at maya-maya'y tinawag ang isa sa mga guwardiya niya. Binulungan niya ito at agad namang umalis. Habang hinihintay ang tauhan, ma

