"Follow the red car, now!" utos ni Elijah sa driver nang makalayo na nang bahagya si Tamara. You can't play games with me Tamara. I know you have her... Malalalim at sunod-sunod ang kanyang paghinga habang hindi hinahayaang makawala sa mga mata niya ang sasakyang hinahabol. "Sir, she's getting faster," pagpapabatid ng kanyang driver. "I don't care. Make this faster too. Try to get close, but not too noticeable that we're chasing after her!" sigaw niya dito sabay hampas ng kanang kamay sa sariling upuan. Ang mga sasakyan nila'y tila nagpapaligtasan sa highway. Wala ni isa ang gustong magpaiwan. Hindi nila iniinda ang ibang sasakyan na kamuntikan nang matamaan, ni wala silang pakialam kung pula man o berde ang mga nadaanang trafic lights. Ngunit maya-maya'y bumagal ang takbo ni Tamara. T

