Napakalakas ng ulan at may kasama pang pagkulog at pagkidlat. Ngunit ang masungit na panahon ay hindi naging hadlang upang maihatid si Tamara sa huli nitong hantungan. Itinabi ang kanyang himlayan sa nitso ng asawa nitong Hapon na hindi pa nakikita ni Stef kahit kailan. "Stef, Let's go. Kailangan mo na'ng magpahinga. Tayo na lang ang nandito, ani Greg, nakahawak ito sa kanang balikat ng dalaga at matamlay na nakatitig dito. "Mauna ka na sa kotse, Greg. I just need more time. Please pagbigyan mo muna ako." Nilingon ni Stef ang pagod na mukha ni Greg at hinawakan ang kamay nitong nakapatong sa balikat niya. Isang mabagal na pagtango ng mukha ang itinugon ni Greg. Hinalikan nito ang noo ni Stef at nilakad na ang maputik na damuhan patungo sa kotse. Tatlong oras na ang nakararaan simula nan

